5: Soft Thing on my Lips

594 19 0
                                    

Chapter 5: A Soft Thing on My Lips

-Katherine-

Thirty Minutes. Thirty Minutes of waiting. Nagdududa na ako Kung talaga bang totoo ang Secret Admirer ko o Prank na naman 'to ng mga gago kong Schoolmates.

Alam kong nandun yung Spark sa bawat sulat na pinapadala niya. Andun yung 'Love'. Pero bakit ganun? Sa ginagawa niyang 'to, nagdadalawang isip na ako. Baka nga Prank lang 'to.

Dumako ang tingin ko sa bracelet na nasa pulso ko, Mukha siyang mamahalin. Kung Prank lang 'to, makakaya ba talaga nilang gumastos ng malaking pera para lang sa isang laro?

Lumingon-lingon ako, naghahanap ng Lalakeng gustong lumapit saakin, ngunit wala. Puro Babae ang nasa loob ng café, At mga taong in a relationship. Bwiset. Naiinis ako dahil naiinggit na ako sakanila. Umaandar na naman ang pagiging Bitter ko.

Tiningnan kong muli ang bracelet. Tama na. Hindi ko na kayang mag-hintay.

"Prank nga lang siguro 'to" Sambit ko at tinanggal ang bracelet, Nag-handa na akong umalis ngunit akmang tatayo na ako ay may biglang humawak saakin at pilit akong pinaupo.

"Bryan?"

O-okay? Really? Bryan Rodriguez? Seriously. Siya ang taong gustong-gusto kong sapakin, ngunit heto siya.. Nasa harapan ko. Siguro binibigyan ako ng Diyos ng chansang masapak ang gagong 'to. Kahit Isa Lang. Isang Sapak lang. Naiinis parin ako sa pagmumukha niya.

Teka? Ba't siya nandito? Ano 'to? Siya ang Misteryoso kong manliligaw? Juskooo! Pumuti muna ang uwak at Gawin niyo muna akong panget bago ko patulan ang lalakeng yan! Hinding-Hindi ako papatol sa kagaya niyang Katarantaduhan lang ang alam na gawin sa buhay. Tandaan niyo yang sinasabi ko!

"U-Uhmm. K-Katherine, H-Hi" Sambit niya, wala na yung nakakainis na ngiti sa mukha niya, pinalitan ito ng Isang napaka-awkward smile. Weird.

Pero hindi. Hindi ko parin nakakalimutan yung mga sinabi niya saakin kanina sa eskwelahan. Paniwalaan niyo ako kung sasabihin kong gustong-gusto ko nang patayin ang imapaktong nasa harap ko.

"What do you want Bryan?" Tanong ko gamit ang napaka-lamig kong boses. Pasimple kong itinago ang bracelet sa bulsa ko.

"Look Katherine, I Know you're still mad at me but Please, I Think I Need you Right now." Sambit niya. Napa-taas ang kilay ko at agad na napa-irap. Pathetic. akala niya ba nakalimutan ko na agad kung anong sinabi niya kanina?. Kabisado ko pa nga yung sinabi niya eh; 'I Don't Need You'. Nung mga oras nayun, nagtitimpi na talaga akong sampalin siya.

"What? You said earlier that you don't need me or my help" Malamig kong sambit at isinandal ang likod ko sa sandalan ng upuan. Tinaasan ko siya ng kilay habang naka-cross arms. Oh Ano? Malditang-Maldita diba? Syempre, Maganda ako eh.

"Okay, I Know I was Rude. But Hey, I am really sorry. Just Help me. Nandito yung Ex ko kasama ang bago niya. Ayokong mapahiya at masabihang Loner at hindi pa naka move-on, Hayaan mo nalang akong makiupo oh. Sige na." Pagmamakaawa niya. For the first time, nawala yung nakaka-inis niyang ngiti. Sarap lang picturan ng mukha niya. First time mawala yung Ngisi niya eh.

Teka, Ex? May Tangang pumatol kay Bryan? Oh Gosh.

"Ex-Girlfriend? Saan?" Tanong ko, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya na para bang may sasabihin siyang Malaking sikreto. Nakita kong namutla siya at bahagyang lumaki ang mga mata niya, Napa-atras siya at lumingon-lingon.

"H-Ha? Kailangan mo pa bang tanungin yan?" Sambit niya na para bang hindi na komportable sa pinag-uusapan namin. Bakit ba? Hindi pa ba siya naka move-on?

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon