12: Friendship First before Love

382 12 1
                                    

Chapter 12: Friendship First before Love

-Katherine-

Im going to meet Kurt, My Secret Admirer! Yep, Nag-pakita na siya at di ko alam na kaya niya pala ako nilalapitan ay dahil gusto na niya palang mag-pakilala bilang secret Admirer ko. I was so Happy when He confessed, and he's starting to court me personally, wala ng taguan.

Pero bakit deep inside, Parang...Parang may kulang, Parang hindi tama yung mga nangyayari. Parang may mali. I dont know why, pero ganun talaga yung nararamdaman ko. Maybe Im just paranoid?

"Katherine!" Lumingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko.

"Mark! Anong kailangan mo?" Tanong ko Ex-Boyfriend ko na naging Boy Bestfriend ko, hindi naman awkward saaming dalawa dahil pareho naming napag-kasunduan na tapusin yung relasyon namin ngayon. We're just friends, No strings attached. Nakita ko kasama rin niya si Greg.

"Wow! Two of The Campus' Heartthrobs are talking to me, Im so Lucky!" I sarcastically said, bigla naman akong inakbayan ni Greg, Feeling Close!

"Alam kong, gusto mo ako Katherine. Ka-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil alam kong puro katarantaduhan na naman ang sasabihin niya. Kaya agad ko siyang binatukan.

"Tigil-tigilan mo ako Greg." Pagbabanta ko. Naging malapit na ako sa Grupo ni Greg, ang B&W, Suking-Suki kasi sila Sa Student Council dahil pasaway.

Si Greg Serrano ang Pinaka-Playboy sa grupo nila, Iba't-ibang babae ang kasama araw-araw minsan nga Oras lang ang itinatagal ng relasyon niya sa isang babae, Casanova for short. Meron din si Peter Chua, ang pinaka-makulit at puno ng ka-childishan ang ulo, pasimuno sa mga kaguluhan at mga pranks. At Si Joseph Lee, Ang pinaka-matino sa kanilang grupo, di ko nga alam kung bakit naging kaibigan niya yung dalawa.

Gwapo silang lahat, di ko yan maide-deny. Kaso nga lang mga pasaway. Sikat din sila dahil may banda sila, B&W. Hindi ko alam bakit B&W ang tawag dahil transferee palang ako noon pero sikat na sila dahil sa pagtutugtog. Apat daw sila noon, Hindi ko alam kung sino yung pang-apat ang sabi nila humiwalay daw. Tapos si Mark, na EX ko ay naging kaibigan nila at naging kasali rin sa Banda nila.

"Oo na, di naman mabiro oh." Sabi nito at padabog na kinakamot ang likod ng ulo, parang bata. Napaka-gwapong bata.

"Oh, tumabi ka Nga, ako best friend niyan no" Giit ni Mark at tinulak palayo si Greg. See, parang kuya kung umasta si Mark no.

"Sya nga pala Kath. Punta ka mamaya sa Resto-Bar malapit sa mall, May Gig kami mamaya, wag kang mag-alala sasama si Sam" Sabi ni Mark, tumango naman agad ako. Sanay na ako, pag may malaki silang gig lagi nila kaming sinasama para manood, Magaling naman sila tumugtog at kumanta.

Ilang minuto din kaming nag-kwentuhan hanggang sa tumunog na ang bell. Sh!t. Si Kurt, baka naghihintay pa yun.

"Teka, Si Kurt. sh!t nakalimutan ko. alis na ako guys." Nagmamadali akong umalis ngunit agad nila akong hinarangan. Tinaasan ko sila ng kilay para padaanin ako.

"A-Ah.. ano kasi... S-Sabi niya, ihatid ka na daw namin sa classroom mo. O-Oo! Nag-text siya saakin kanina!" Sambit ni Greg habang naka-hawak sa braso ko. Tiningnan ko silang dalawa with my seryoso-kayo-look? Tumango naman sila kaya sumama nalang ako sakanila.

Pagkadating namin sa harap ng classroom ko ay agad silang tumigil at hinarap ako.

"Wag mong kalimutang pumunta sa Gig namin mamaya ha!" Paalala ni Mark saakin, tumango naman ako saka sila pinaalis dahil baka ma-late pa sila sakanilang klase.

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon