I WILL NEVER BE ENOUGH
: contains unpleasant scene.--
"I'm home, honey."
Agad niya akong hinalikan sa pisngi, hahalikan ko rin sana siya sa labi nang mapagtantong may kasama pala ito.
"Si Marie," nakangiti niyang usal, tumango na lang ako bilang pagbati.
Inayos ko na ang kwartong gagamitin nila, I want them to be satisfied. I want him to be happy, kahit sa ganitong paraan man lang ay mapunan ko ang aking pagkukulang.
---
"ahh..."
"M-marie.. ugh, ahh..."
Nanood na lang ako ng drama, para mailabas lahat ng hinanakit ko sa puso. Nilaksan ko pa ang volume ng telebisyon, para masapawan noon ang lakas ng mga ungol nilang dalawa.
Habang tumatagal ay dama ko ang pagbigat ng aking mga talukap, senyales na dinadalaw na ako ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako....
Nagising ako dahil sa mumunting sinag ng araw na tumatama sa akin. Idagdag mo pa ang mga mumunting halik ng kung sino, mula sa leeg ko pababa sa aking balikat.
"Good morning, honey..."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. I cupped his cheeks as I stared at his eyes. Niyakap niya naman ako na tila naglalambing.
"Nag-enjoy ka ba?"
"Oo naman, hinatid ko na nga pala si Marie pauwi."
"Masarap ba?" I said flatly, while raising an eyebrow on him.
"Ano ba namang tanong 'yan." Kumawala siya sa pagkakayap at biglang nag-iwas ng tingin.
"Mahal kita, okay?..." he let out a deep signed. "It's just that, may mga pangangailangan din ako, intindihin mo naman part ko." Hinalikan niya pa akong muli, bago tuluyang umalis.
I can feel that my eyes are now clouded with tears, kaya't minabuti kong tumingin na muna sa kisame. Holding back all my tears, hanggang sa hindi ko na kinaya at tuluyan na iyong nagsibagsakan pababa ng pisngi ko.
"Hinahayaan ko ang lalaking mahal ko na makipag-sex sa mga babae..." mahina kong sabi, sa kabila ng mga paghikbi.
Mahal ko eh, baka 'pag nagreklamo ako, Iwan niya na lang ako bigla. Alam ko sa sarili ko, I will never be enough for him. Hahanap at hahanap siya ng babae, dahil isa lang naman akong hamak na bakla. Parehas kaming lalaki, at ang nagagawa ng babae ang hindi ko mapunan sa kaniyang pangangailangan.
"Martyr ba tawag sa'kin?" bulong ko pa, sabay punas ng mga luha.
Tinitiis ko ang lahat kahit sobrang sakit na. Hahayaan ko na lang, as long as I am feeling the love, na galing sa kaniya.
Pagmamahal na minsang pinagdamot sa akin, kahit mismong magulang at pamilya ko, kahit kaunting kaunti lang 'yong pagmamahal niyang 'yon...
Ayos lang.
YOU ARE READING
Her Secret Adventures
Diversoswe will go to different places as you read my written pieces; ready for an adventure?