WE WILL NEVER BE APART
Nagmemeryenda kami ngayon dito sa iskinita, malapit sa simbahan. Abala kaming lahat sa pagkain samantalang ang iba nama'y nag-aasaran.
"Sus! Pakipot ka pa eh, 'no?" usal ni Red kay Cello.
"Wow ha, kapal naman ng mukha mo! Hindi tayo talo 'no? Ulol ka ba?"
Wala nang bago sa dalawang 'yan, sanay na kami sa pag-aaway at asaran. Hindi pa kasi mag-aminan, halata namang gusto nila ang isa't-isa, okay sanaol.
Umiling-iling na lang ako nang saktong mapapunta ang paningin ko kay Kahel.
Napakagwapo nga namang tanawin.
Tahimik lamang siyang nakaupo habang mariing nakatitig sa basong hawak niya na may lamang kwek-kwek.
"Hoy, ano 'yon?" pasaring ko sa kaniya sabay turo sa bandang likuran.
His forehead creased and turned to look what I pointed. I smiled like a fool at mabilis na kinuha ang isang kwek-kwek na agad dumiretso sa aking bibig.
"Wala naman e--- hoy Keil ang daya mo! Ba't mo kinain?!"
Ang cute niya magmaktol, kapagkuwa'y umiwas na lang siya ng tingin sa akin na animo'y nagtatampo.
"Ang kokorni niyo," nakangiwing sambit ni Kleo. Tumalikod pa ito nang bahagya at umaktong parang nasusuka.
"Wala ka lang kapartner kaya bitter ka!"
"Simula pa naman noong bata pa tayo, ganyan na siya!"
"Anong partner partner?! Magkakaibigan tayo dito, baka 'pag wala na'ko makalimutan niyo na ako kasi busy kayo sa lovelife niyo?!" nakangusong usal ni Kleo, lahat naman kami ay nagtawanan.
"Ay nako basta, kahit anong mangyari mahal ko kayo." dagdag pa niya.
Bago pa man kami magbato muli ng mga salita sa kaniya ay bigla na lamang nag-aya si Kahel. "Tama na 'yan, tara na sa simbahan."
Agad kaming lumingon kung saan namin nakita at nakakulitan si Kleo. Kung kanina'y nandoon siya't malapad ang mga ngiti, ngayon ay wala na.
Dahan-dahan kaming tumayo at sabay-sabay na lumakad patungo sa simbahan.
Ngayon nga pala ang araw ng kaniyang libing. Masyadong mabilis ang pangyayari, na isang araw nabalitaan na lang naming wala na siya.
Nakakatuwang isipin na bago siya tuluyang umalis ay nakipagkulitan at asaran pa siya sa amin. Naalala ko pa kung paano siya nagmaktol na baka makalimutan namin siya.
"Hindi ka namin malilimutan," usal ko sa kawalan.
Narining naman iyon ng mga kasama ko, at lahat kami'y napagawi ang tingin sa langit.
True friends will never be apart, maybe in distance, evey circumstances, or even death -but never in heart. Always remember that.

YOU ARE READING
Her Secret Adventures
De Todowe will go to different places as you read my written pieces; ready for an adventure?