END OF THE LINE
I am an rpier, and i have a girlfriend in role play world. Kahit magkalayo kami, ramdam ko na mahal na mahal niya ako, at ganoon din naman ako sa kaniya. Our relationship is strong, we have goals in our lives, at isa na roon ang magmeet at maging legal kami both sides.
"Babe, magmimeet pa naman tayo diba?" usal niya sa kabilang linya. Nagc-call kasi kami.
Agad akong napangiti, hindi na ako makapaghintay na makita, mayakap at mahagkan siya.
"Oo naman, don't lose hope," nakangiti kong wika. "Malapit na, still willing to wait babe?" tanong ko sa kaniya.
I was expecting for an answer but I heard her sobs,-dahilan para manlumo ako sa aking upuan. Distance sucks, wala ako sa tabi niya para i-cheer up siya.
"How I wish you're here right now," untag niya sa kabila ng malilit na paghikbi.
"Alam kong hindi ka okay, kahit hindi mo sabihin. You can always tell me, please."
Narinig ko pa siyang suminghap na tila hirap nang magsalita, "I-inaatake na naman a-ako..."
Napatulala pa ako saglit at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Pinakinggan kong mabuti ang nasa kabilang linya-puro pagpipigil ng hikbi lamang ang aking narinig.
"Let it all out, please babe. Calm down, inom ka muna warm water then breathe. I'll sing you a song then, is that okay?" Pinilit kong tatagan ang aking sarili, para sa kaniya.
"O-okay lang ako, cute pa rin! h-haha. s-sige kantahan mo'ko." Napangiti ako ng tipid dahil sa kaniyang sinabi.
Ganyan siya lagi, kahit nasa mahirap na sitwasyon na, nagagawa pa ring tumawa.
"Syempre naman! Cute ng girlfriend ko! Oh sige kakanta na ak-" I was about to sing when all of a sudden, I felt my upper abdomen aching.
"Here it goes again..." bulong ko sa sarili habang iniinda at tinitiis ang sakit.
"B-babe? Ayos ka lang?!"
Marinig ko lang boses mo, okay na ako.
Huminga ako nang malalim bago muli
nagsalita. Ayokong malaman pa niya sitwasyon ko, ngayo't nasa mahirap din siyang sitwasyon. Bwisit na buhay."Wala 'yon, may nakita lang akong malaking pusa hehe. I love you!"
"I love you too, Kai." A smile suddenly plastered on my lips. I love hearing her sweet voice telling me iloveyou's. I even recorded it, for the 143th times.
Hindi niya alam na may ulcer ako, at hindi na niya dapat pang malaman. I'm taking medications kaya magiging okay ako in no time. Unlike her, Meron siyang heart disease. It hurts knowing that whenever she's having chest pains and heart attack, wala ako sa tabi niya.
Because her parents doesn't know. I told her countless times na dapat sabihin na niya. But it ended up, that her parents didn't believe her. Hindi ko maiwasang magalit sa mga magulang niyang walang intindi.
"Paano kung mamamatay na pala ako ngayon?" A tear suddenly fell down my eyes after I heard what she said.
It's been two hours, at magka-call pa rin kami. I can't leave her hanging knowing the fact that she's suffering right now.
"M-masakit pa rin ba, Avri?" Kahit ako, nahihirapan na rin. Dalawang oras na nakalipas, masakit pa rin tiyan ko.
Pero hindi ako susuko.
Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. Kasunod noo'y mga paghikbi, at palakas na palakas niyang hagulgol.
"Babe? Hoy Avri?!"
Walang sumagot, nagpatuloy lamang ang mga hagulgol na naririnig ko.
"Lagi mo tandaan, mahal kita. Pero, h-hindi ko na yata k-kaya..."
Nataranta na ako't tumayo agad. I have to go! Kailangan kong puntahan siya, wala akong pake gaano kalayo o inaatake rin ako. Basta pupuntahan ko siya!
"Kapit ka lang Avri, kaya mo 'yan!" Nakalabas na ako ng bahay, dala-dala ang alkansiyang puno ng ipon ko para sa meet-up namin.
Nasa gitna na ako ng madilim na kalsada nang may marinig akong hindi pamilyar na boses, mula sa kabilang linya.
"MAMA, SI ATE PO!"
Ang nakababata niya palang kapatid. Narinig ko silang nag-iiyakan, humahagulgol, dahilan para mapaiyak na rin ako at manghina.
Tila naestatwa lamang ako habang nakaupo sa kawalan. Tahimik na umiiyak habang hawak-hawak pa rin ang aking tiyan na siyang matinding sumasakit. As the call goes on, patuloy ko lang naririnig ang kanilang mga hinanakit, mga iyakan, lahat lahat.
Hindi na ako nakaimik pa, I just cried out loud. Nanlulumo ako, I didn't save her.
"Mahal rin kita, Avri." Nakatingin na lamang ako sa mga bituin sa kalangitan. Patuloy na iniinda ang sakit, habang nakahiga rito sa malamig na kalsada.
Ang babaeng mahal ko, wala na. Ulila akong lubos and she was the only thing that keeps me fighting.
Katahimikan. Silence then filled both of my ears. I felt my breathing's getting heavy and heavier as time passes by. All I could do is to cry, habang hinahayaang kainin ako ng lamig.
Everything is getting blurry. My vision, hearing, everything is getting numb.
"Toooooooottt--"
The last thing that I clearly heard is the end of the line on our phonecall. I shed a tear as a thought came through my mind.
End of the line, end of our lives.

YOU ARE READING
Her Secret Adventures
Randomwe will go to different places as you read my written pieces; ready for an adventure?