EPEKTO NG QUARANTINE
Hinagis ko ang aking cellphone nang makaramdam ng inis. Oo naiinis ako, pero ayaw ko mawalan ng cellphone kaya sa unan ko siya binagsak. Napakaboring naman kasi, tapos nakakainis mag-mobile legends.
"Hoy, napapaano ka riyan? You okay?" Agad akong lumingon kung saan nagmula ang boses na iyon.
Tinignan ko siya mula paa-pataas. Ang sexy, napalunok pa ako ng bahagya nang makita ang kaniyang mukha, napakaamo niyon.
Hindi ko siya inimikan o pinansin man lang. Agad akong nagtalukbong ng aking kumot at nagkunwaring matutulog dito sa sofa. Papakipot muna ako, hehe.
Naiinis pa rin ako, sana naman ay lambingin ako ni Ana. Kung hindi, ediwaw.
"Tinotoyo ka na naman 'no?" usal niya.
"None of your business. Get out," malamig kong sabi. Oh yeah, best actor ako.
"Ah ganon? Hindi mo na ako lab?" aniya.
Rinig ko ang kaniyang mga yapak papalapit sa sofa, dahilan para mapangiti ako ng tipid. This is it guys!
"Bulaga!" Laking gulat ko nang biglang sumulpot si Ana mula sa kumot.
Nakapaibabaw siya sa akin! wtf?
"A-anong balak mo?" Pinahid ko ang tagaktak kong mga pawis sa may noo.
Kinakabahan ako sa kinikilos niya. Hindi niya ako sinagot, at sa halip ay sinunggaban niya ako ng maririin na halik sa labi pababa sa aking leeg.
Neck kisses is my pakening weakness. Gusto ko siyang patigilin sa kaniyang ginagawa pero meroon sa kaloob-looban kong pumipigil.
"A-ana, tama na please? N-nakikiliti ako..." Humagikhik pa ako sandali habang siya'y nag-eenjoy sa kaniyang ginagawa.
"A-ana..." kagat labi kong usal, shutaaa.
"Kuya?" Agad akong bumalikwas mula sa aking pagkakahiga. Tinignan ko ang gawi ng aking bunsong kapatid na si Sam, hanep paano kung nakita niya kami ni Ana?
Isusumbong ako kay mama, siguradong hahampasin na naman ako tabo.
"Y-yes baby?" Kinakabahan man, ngumiti na lang ako ng pilit na para bang walang nangyari at wala siyang nakita. Yes, normalan.
Katahimikan ang namutawi sa aming pagitan, tinitigan niya ako na parang ewan. Mukha siyang natatae na nakangiwi na kala mo'y ako ang pinakapanget na tao sa mundo.
"Yow, Sam! Wazzup?!" Pagbasag ni Ana sa katahimikan.
Wala na, nakita na siya ni Sam na lumabas mula sa kumot ko. Agad tumakbo si Ana papunta kay Sam.
"Kuya, kanina pa kita naririnig na parang tanga diyan na hihiyaw-hiyaw at umuungol pa, epekto siguro ng Quarantine. Pamental ka na kaya?" malamig na usal ni Sam.
Nanatili akong tahimik habang mariing nakatitig kay Ana. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kapatid ko, bukod kasi sa isusumbong niya ako, hindi niya rin naman maiintindihan ang nangyari dahil bata pa siya. 8 years old pa lang si Sam.
"Naungol ka pa habang sinasabi ang pangalan ni Ana, tangina kuya? Maawa ka sa pusa, dahil bored ka pinapatos mo," sambit ni Sam, kapagkuwa'y binuhat niya si Ana tsaka tumalikod at umalis.
Napanganga ako ng bahagya dahil sa kaniyang sinabi. Wtf? Ang kapatid ko minura ako?! Pero hindi iyon ang bumabagabag sa akin. Si Ana at ang nangyari sa amin.
"Neck kisses? Si Ana... pusa?" bulong ko sa kawalan habang hawak-hawak ang magkabila kong sentido.
Para na akong mahihibang! Pero wait, bakit ko naiintindihan si Ana? Hindi kaya...
"Omg, I have powers ugh!" Dahan-dahan akong naglakad-lakad habang pinapakiramdaman ang sarili.
Ohyeah, Epekto nga siguro ito ng Quarantine.
---
// last year pa 'to, bwkajsjajajs :>

YOU ARE READING
Her Secret Adventures
Acakwe will go to different places as you read my written pieces; ready for an adventure?