Section last! Huhu

602 88 2
                                    

Nakayuko akong pumasok sa classroom. Nagbulungan ang mga kaklase kong babae.

"Sino siya? She is so baduy!"

"Jologs"

"Negra"

Sobra naman ang mga babaeng toh! Akala mo kagaganda. Mukha namang full moon  ang mukha sa lapad at bilog. Atsaka hindi ako baduy o jologs! Sinadya ko talaga ang mahabang palda na maong ng ate ko suutin ko. At maluwang na t-shirt dahil gusto ko walang pumansin sa akin. Hahay! Nagkamali ako! Dahil sa suot ko nasabihan akong lola, baduy at jologs!

" JEREMYYYY." tili mga kaklase kong babae.

Kinikilig na nagbulungan pa ang mga ito. Matingnan nga sinong tinitilian ng mga ito. Saktong lingon ko nasalubong ko mga mata ni Mr. Blue Eyes. Ayan na naman ang pinong kurot ng langgam sa singit ko. Ngumiti ito ng nakakaloko.

Pumasok siya at ang dalawa pa nitong kasama sa classroom namin. At umupo si Mr. Blue eyes sa katabing upuan ko at ang dalawang kasama nito sa likuran ko naman. Kanya kanyang papansin naman mga kaklase ko sa tatlo.

"Hellooo Jeremy, remember me Krishna. Ako ang muse ng klaseng ito." Pacute pa nitong sabi.

"Hi Krishna.Do I have to remember you?" Suplado nitong sabi.

"Hehehe...Ang landi kasi!" Nagmamake face kong bulong. Nakayuko naman ako kaya di nila makikita.

Tumili ang isang kaklase ko.

"Omgeeee  kahit suplado siya. Ang  hot at pogi niya pa rin!" Kinikilig na bulong ng mga ito.

Ngumiti yung babaeng Krishna ang pangalan. "Gusto mo bang sumabay sa akin mamayang break time sa canteen?" Kiming ngumiti ito kasabay ng  pagpabeautiful  eyes nito kay Mr. Blue eyes.

"Kung gusto kong sumabay sayo, ako mismo magyaya!" Diretsong sabi ni Blue eyes.

Toink! Hahaha, nagdiwang ang mga evil spirit sa kaloob looban ko ng marinig ko yun.

"Krishna.." Tawag nung tsinitong kasama ni Blue eyes.

"Yes Justin?" Maarting sagot ni Krishna.

"Pag nahuli mo itong bagay na nasa loob ng kamay ko. Isasama ka namin mamayang break time." Nakangiti pa ito .

"Talaga! Sure!" Excited na sagot ni Krishna.

"Oo ako ang bahala. Diba Vince." Hikayat nito sa isa pang lalaking kasama nila.

"Haha, nandamay ka pa! Pero sure si Justin ang  bahala."Sagot nung Vince.

"Ok sige ready?" Tanong nito at inumpisahan nitong ishake at iikot ang kamay nitong magkatakip.

"Ready!"Excited na saad ni Krishna.

Ang atensyon ng klase ay nasa kanila na. At ng mahuli ni Krishna ay...

"Ew! What's  this? Shitttt!!.. Kulangot ito! Yuckkkkk!.." Mangiyak ngiyak nitong sabi. Tumakbo palabas diring diri.

Nagtawanan ang buong klase.  Naawa ako bigla kay Krishna.Tiningnan ko ng masama ang lalaking tinawag na Justin.Siniko naman nito si Blue eyes.

"Hi Miss Goddess!" Mapang-asar nitong bati sa akin na kunwari  ngayon lang ako napansin. Nagsmirk pa ito.

"Pare ito palang classroom ni Lola." Rinig kong bulong ni Justin. Ngumiti ito sa akin.

Inirapan ko sila.

"Don't tell me Mr. Ugly Moron na kaklase ko kayo?"Masungit kong tanong.

" Ugly moron daw si Jeremy? Ang kapal naman ng face ng babaeng ito." Nagbulungan ang mga kaklase kong babae.

I Dunno What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon