IDWIL 13

454 74 6
                                    

"Nayyyyy!" Magkapanabay na sigaw ko at ng ate ko. Hinila ito ng ate ko papasok ng bahay namin naririnig ko pang nagtatalo ang mga ito.

Agad kong dinaluhan si Jeremy. Si Justin at Vincent naman dali daling may kinuha sa loob ng sasakyan. Lumapit ito sa amin na may dala dala ng towel.

"Bella ikaw na magpunas kay Jeremy. Nakakabakla kasi tingnan kung kami ang gagawa nun." Si Justin na sinusubukang magbiro para mabawasan ang tensiyon na nakapalibot sa paligid. Sa lakas ng bulung bulungan sa paligid tungkol sa eksenang naganap. Kitang kita ang tuwa ng mga tsismosa kong kapitbahay sa eksenang nasaksihan. Ang sarap tapunan ng granada ang mga ito.

"I'm sorry!.. Sorry sa ginawa ng Nanay ko." Naiiyak kong sabi. Yumuko ako at kinagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak.

Hinawakan nito ang chin ko at inangat. Nagtama naman mga mata namin. Hiyang hiya ako dito sa inasal ng nanay ko. Ngumiti ito sa akin.

"Nothing to worry about  I'm ok." Ngumiti ulit ito sa akin, trying to give me an assurance that everything is okay.

"Hiyang-hiya ako sayo, hindi ko alam paano hihingi ng sorry sa inasta ng nanay ko." Mahina kong sabi dito. Iniiwasan kong mahalata nito ang pag garalgal ng boses ko.

"It's ok. This thing that happened tonight makes even more challenging for me. I want you to be my girlfriend Charlie and I will not give up just because sinabuyan ako ng tubig ng nanay mo." Nakangiti pa nitong sabi sa akin.

"Your sweet words make me melt. You never failed trying to make my heart happy." Naiiyak kong sabi dito.

"Good because that's what I intend to do since I meet you." Seryosong sabi nito kababakasan ng sinseridad bawat katagang sabihin nito sa akin.

"Wow 'pre ang cheesy hah..baka pulmunyahin ka niyan sa lamig ohh!" Si Justin.

"Ibang klase! Kahit basang basa na hihirit pa talaga! Idol na idol ko na mga linya mo bro." Si Vince.

"Para ngang umeeksena sa pelikulang romantiko." Si Justin.

"Hahaha at live pa dahil maraming nanonood ohh." Si Vincent.

"Ayieeee hayaan mo sila tita basta ako kinikilig sa inyo ni kuya Jeremy." Sabat naman ng pamangkin kong si Dingdong.

Pinandilatan ko ito ng mata. Aba't nakikisali pa ito.

"Tigilan niyo sa katutukso si Charlie!" Masungit na sabi ni Jeremy sa dalawa. Binatukan pa nito si Justin.

"Wahaha.. Pikon ka lang." Pang-aasar pa ni Justin dito. Tiningnan lang ito ni Jeremy. Bumaling ang pansin nito sa relong nakakabit sa kaliwang kamay nito.

"Uhmm Charlie.. I guess hindi kami pwedeng tumuloy sa bahay niyo ngayon. So maybe next time na lang." Sabi nito sa akin.

Tinanguan ko ito. "Sorry ulit sa nangyari hah. Kakausapin namin ni ate si Nanay." Ngumiti pa ako dito, kahit alam kong walang kasiguruhan sa side ng nanay ko.

"Sige Bella, next time na lang ulit." Si Justin.

"Everything will be alright." Sabay tapik sa balikat ko ni Vincent.

"Sige alis na kami and I'll be back soon." Si Jeremy na nangungusap pa ang mga mata.

Tinanguan ko ito. "Ingat kayo.. And ty sa pag-intindi sa nanay ko." Ngumiti pa ako sa kanila. Nasa loob na ang mga ito ng sasakyan ni Jeremy. Binuksan ni Jeremy ang bintana ng kotse nito.

"I'll see you again tomorrow!.." Ngumiti ito at nagflying kiss pa sakin bago sinara ang bintana ng kotse.

Tomorrow?

I Dunno What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon