Deal

570 86 2
                                    

Ok naman ang gising ko, kinulit kulit lang ako nila ate at nanay kung kumusta daw ba 1st day ko sa Royale Academy. Sinabi ko naman na binully lang ako . Tinanong pa ni ate kung me crush na ba daw ako sa school.

"Ate hah wala namang gwapo dun eh, ang sasama kaya ng mga ugali nila!" Nakasimangot kong sabi dito.

"Hahaha, ba't ka namumula?"  Naku ayaw talaga akong tigilan ng kapatid kong iyon.

"Morning Ms. Bella."Magkapanabay pang bati sa akin ng mga aspirants na nasa gate, as usual nakatayo sila dun hanggang magbell. Para maginspect ng mga estudyanteng pasaway na hindi nag ID o yung iba na hindi sumusunod sa rules ng School.

Ngumiti lang ako sa kanila. Bakit kaya nila ako kilala? Kinuha nito ang books na bitbit ko sa kanang kamay ko.

"Miss Bella, ako na magbibitbit ng books mo." Sabi ng isang gwapo at matangkad na aspirant.

"Ako naman magbibitbit ng bag niyo Miss Bella." Sabi naman isa pang aspirant.

"Ihahatid na namin kayo sa classroom  niyo Miss Bella." Sabi naman ng pangatlong aspirant.

Nagugulat ako sa pangyayari. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanila. Anong meron at bakit parang ambait ng mga ito sa akin.

"Te-teka nga? Ano ba ibig sabihin nito?" Nagtataka kong tanong.

"Utos ni Bat. Com Miss Bella." Kumakamot pa sa ulong sabi isang aspirant.

"Sinong Bat.Com?" Tanong ko sa kanila.

Tahimik ang mga itong naglalakad. Pinagtitinginan at nagbubulungan ang mga estudyanteng nadadaanan namin.

God alam ko pong overflowing ang kagandahan at alindog ko. Pero nakakasuspetsa yata ang mga taong ito sa pagtatrato sa akin ng maganda.

Justin POV

"Oh ano Vince magkano pusta mo?" Maloko kong hamon kay Vince.

Nga pala para sa mga fans ko at mga babaeng iibig sa akin. Hehe. Ako nga pala si Justin Montenegro, anak ako ng may ari ng S&R sa lugar namin. At may Pineapple Plantation din kami na iniexport sa Australia at import naman sa iba't ibang bahagi ng pinas. Dalawa lang kaming magkapatid. Yung kapatid kong babae nasa elementary pa kaya sunod ako sa luho. Captain naman ako ng alpha company sa PMT ng Royale Academy. Si Jeremy ang Battallion Commander namin na apo  naman ng may ari ng Royale Academy. Si Vince naman anak ng isang Gobernador ng lalawigan namin. Nakailang girlfriend na rin kami ni Vince, samantalang si Jeremy naman ni minsan wala pang girlfriend. Kaya ang goal namin ni Vince ay ang magkaroon ng girlfriend si Jeremy bago kami grumadweyt. At may prospect na kami hahahaha(devil laugh).

"Sigurado ka ba dito?"Si Vince.

"Lets do something unforgettable  this year. I could see that this is so much fun!" Kindat ko kay Vince.

"Ayan na si Bella."

Sabay pa kaming sumilip sa bintana ng Special Room na kami lang nakakapasok, iba na syempre pag kaibigan ng may ari ng school.

"Hoy! Sino sinisilip niyo dyan?" Pangulat pa sa amin ni Jeremy.

"Yung future girlfriend mo dude!" Di lumilingong sagot ni Vince.

"Whattttt? Future Girlfriend? At sino nagsabi sa inyong kailangan ko ng girlfriend? "Galit na tanong nito.

"Kami!.. Last year na natin 'to after grad.  sa US ka na mag aaral. Let's make the most out of it! Ok?" Kumbinsi ko kay Jeremy.

Nakisilip na rin ito sa bintana. Napansin kong napangiti ito ng makita kung sino sinisilip namin. Pero ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Sumeryoso mukha nito. Uhummm somethings fishy!.

"Why of all pretty girls  in this school bakit si Miss Belat pa?" Asar nitong tanong sa amin.

"Whatt? How do u call her? Bellatttt? Hahaha. Ang sagwa dude! Hahaha."

" Jeremy pabilibin mo naman kami sayo, kailangang mapasagot mo si Bella within a week!" Hamon namin ni Vince sa kanya.

"Seriously?" Tanong niya sa amin.

"Yep seriously?" Vince and  Justin.

Tumahimik ito at nag isip.

"Ok pag nangyari yun, anong kapalit?" Maya-maya tanong niya sa amin.

Si Vince ang sumagot.

"Maging alipin mo kami ng 3months plus si Justin ang magbabayad sa trip natin sa Coron Palawan!"

"Langya ka Vincent! Ang yaman yaman mo tapos pulubi lang? Magpapalibre? Eh, kababawas lang ni Mommy ng allowance ko." Reklamo ko sa kanila.

"Paano kasi pag nagkagirlfriend ang mamahal ng regalong binibigay mo! Hahaha." Si Vince.

"Pangit kasi, kaya dinadaan sa pera ang babae!" Asar ni Jeremy.

"Tamaaaaa! Hahaha." Sabay pang asar ng dalawa sa akin.

"Yung iba diyan, wala pang gf! Bakla siguro! Haha."

Natahimik bigla kami.

Oppss! Lagot!

"Well Vince una na ako sa klase."

Nagmamadali na akong lumabas, mahirap na baka masuntok pa ako ni Jeremy. Pero nasa labas lang ako ng pintuan ng private room na yun ni Jeremy. Na personal pang pinagawa ng lolo nito para dito.

"Hahaha,sumibat agad ang loko! So paano Jeremy deal?" Rinig ko pang sabi ni Vince paano medyo nakaawang ang pinto. Kaya rinig at kita ko pa ang ginagawa ng mga ito.

Tumingin pa si Jeremy sa ceiling ng room at mukhang may malalim na iniisip.Habang ang mga  paa nito ay nakapatong sa mesa while sitting on his own swivel chair.

" I'll think about it but... I agree it is not a bad idea na ubusin ang laman ng credit card ng ungas na yun!" Kumindat pa ito kay Vince.

"Kelan mo uumpisahang manligaw." Tanong ni Vince.

Hindi na ito sumagot pero ngumiti lang ito na parang may pinaplano na di pwedeng ipagsabi. Lumabas ang mga ito sa private room. Naabutan nila ako sa labas na nakatayo. Tinapik ni Vince balikat ko at nagkunwari akong walang narinig. Naglakad na kami sa papunta sa classroom namin 4rth floor kami. Nasa 3rd floor pa lang kami, pero huminto ito at may sinulat. Naglakad ito papunta sa St. Aquinas. May tinawag itong estudyanteng lalaki ng Aquinas at bumulong. Lumingon sa loob ng classroom tapos tumalikod na rin. Nagkatinginan kami ni Vince. Nakasunod lang kami sa kanya.

"What's  that for?" Tanong ni Vince.

"You ask me when I am going to start to court her."Ngumiti ito.

Napangiti lang ako. Well that answer our  question.

BELLA'S POV

Nawiwindang pa rin ako kung ano ba talaga nangyayari. Pagpasok ko naman ng  classroom.

"Bella dito ka na umupo." Yaya ni Peter.

"Bella tabi na tayo!"Si Tristan.

"Bella gustong tumabi ng mga yan sayo para makakopya!" Si Krishna.

"Tumigil ka nga jan virus ka ei." Si Tristan ulit.

" Hoy unggoy sa ganda kong ito virus ako?" Si Krishna.

"Oo, nakahawak ka ng kulangot kahapon eh. Hahaha."

Tawanan ang buong klase. Hay naku ang ingay!

"Bella para daw sayo." Sabi ng gwapo pero payatot na si Francis.

"Hah? Ano ito? At sino nagbigay? " Tanong ko kay Francis. Tinuro nito ang sa labas ng bintana.

Si Blue eyes! Nagsalubong paningin namin. Pero tumalikod agad ito. Natuon pansin ko sa papel na may sulat. Aba!.. Ang kapal ng kumag na yun ah!

    Miss Behhlat,
              "Hey you! I heard na may
             crush ka sa akin? Ok hindi
            na kita papahirapan pwede
           kang sumabay mamayang break
           time sa akin..
                                from me ur crush!

I Dunno What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon