Miss Behhlat,
"Hey you! I heard na may
crush ka sa akin? Ok hindi
na kita papahirapan pwede
kang sumabay mamayang break
time sa akin...
from me ur crushAno dawwww?? Miss Behhlat? Gagong lalaki yun ahh! Winalanghiya pangalan ko! Ako may crush sa kanya?? Assuming lang! Grrrr! Crushhh daw! Di ko pa nga kinoconfirm sa sarili ko na crush ko siya tapos siya prinoclaim na niya! Buwisettt!
Anong gagawin ko?
A. Gaganti ako?
B. Papatulan ko trip niya?
C. Dededmahin ko na lang siya?
Hayz! Anong gagawin ko??
Tulong!! Tulongggg!!
Pag gumanti ako > baka gugulo lang buhay ko.
Pag pinatulan ko naman trip niya > baka sabihin niyang totoo ngang crush ko siya!
Pag dededmahin ko siya > hindi naman yun kabawasan sa ganda ko ^_^.
Naku Charlie! Ba't mo ba pinagkakaabalahang isipin ang lalaking yun. Magfocus ka nga diyan sa klase niyo!
Di ko maiwasang isulat sa notebook ko.
Note to myself:
Nawawala ang focus mo sa klase pag nag-iisip ng lalaki :PBahala nga sila! Focus muna ako dito.
Tinggggggg!!... Tumunog na ang bell.
Patay!
Kanya kanya ng labas at ang ingay ng mga kaklase ko. Nagsimula na rin akong kabahan. Omg! Help!
"Lika Bella sabay na taung pumunta sa canteen." Pagyaya pa ni Krishna. Mabait naman ito at wala itong kagrupo sa klase, dahil naaartehan sa kanya mga kaklase ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Busog pa ako eh, gusto ko sana sa library na lang tatambay."
"Ang nerd at ang boring mo!" Reklamo nito
"Ikaw maarte na malandi pa!" Mataray kong sabi.
"Maganda naman!" Hirit nito
"Mas maganda ako sa iyo!" Sabay irap sa kanya.
"San banda?"Ayaw patalo nitong sabi.
"Aside sa mala-anghel kong mukha, yung height ko, yung curvacious kong katawan. Pati na rin brain ko pretty ehh. Eh ikaw height pa lang kulang na! Hahaha." Pang aasar ko pa sa kanya.
Sumimangot ito bigla. Hinawakan ko kamay niya at hinila palabas. Kinakabahan akong palingon lingon baka kasi... Oiiii nageexpect! Panunukso pa ng kontrabida kong utak.
Nakahinga ako ng malalim ng makapasok ako sa library. Nakapili na ako ng babasahin ng may biglang humawak sa akin.
"Aii palaka!" Muntikan na akong mapasigaw.
"Nagulat ba namin kayo Miss Bella?" Tanong nung aspirant na kumuha ng books ko kanina pagpasok ko.
"Ai hindi naman po! Muntikan lang akong mapasigaw!" Pilosopo kong sabi.
"Pasensya na Miss Bella, napag utusan lang kami na dalhin daw kayo sa canteen." Nagkakamot sa ulong paliwanag ng aspirant
"Pakisabi sa nag-utos na ayoko! At di niyo ako mapipilit!" Mataray kung sagot.
BINABASA MO ANG
I Dunno What Is Love?
Teen FictionHe is my first love. He is my first pain The man who've been my world! They said it is all a High School puppy love, pero bakit ngayong nagkita kami ulit siya at siya pa rin ang sigaw ng puso at isipan ko. "Comeback to me Charlie! Let's give our re...