"Are you talking and asking something about me?"
Nagulat man ako pero pinilit kong wag magpahalata. Parang biglang nabalutan ng tension ang classroom namin sa pagsulpot ni Trisha. Naniningkit at nag-aapoy ang mga mata nito sa galit.
"Kahit saang angulo ko tingnan di ko maisip kung ano ang nagustuhan sayo ni Jeremy?" Pabalik balik at nang uuyam ang tingin nito sa akin from head to foot.
Ayaw ko munang magsalita at ayaw ko rin siyang patulan. Kaya tahimik lang akong nakamasid sa kanya.
"Layoan mo si Jeremy, hindi ang kagaya mong mahirap,pangit at bobo ang nababagay sa kanya." May diin ang bawat katagang binibigkas nito.
Di ko maiwasang tumaas ang kilay ko "ako bobo?"
Mahirap ako pero di ako pangit at bobo. Kumibot kibot pa ang labi ko bilang protesta sa mga sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang mga kaklase ko tahimik ang mga ito. Naghihintay sa magiging reaksyon ko ang mga ito.
"Kung pangit ako, ano na lang ang tawag sa mukha mo? Mukhang tinubuan ng make up? O make up na drinawingan ng mukha?" Sa huli nanaig na naman ang katarayan ko huli na para bawiin ko ang mga sinabi ko. Naghagalpakan ng tawa ang mga kaklase ko ang iba pumalakpak at naghagikhikan.
Kitang-kita ko kung paano namula ang mukha ni Trisha. Ramdam na ramdam ko ang galit nito.
"Girlsssss!" Sigaw nito sa tatlo nitong sidekick. Kumilos ang tatlo with kembot pa ang pagsugod ng mga ito sa akin. Umalerto ang aking mga mata at katawan sa pagsugod ng mga ito.
Umaktong sasabunutan ako ni Trisha, kaya alerto akong tumayo at blinock ko ang mga kamay niya.
"Ouchhhh! How dare you!" Sigaw nito. Binalingan nito ang tatlo nitong sidekick. " Ba't kayo nakatunganga? Sugurin nyo siya!!..."
Pumosisyon ako ng fighting position ng karate at humanda sa atake nila. Nagulat ang mga ito at natakot sumugod.
Sige sumugod kayo at basag yung mga mukha niyo sa akin!
"Ehh Trishaaaa! She look so scary! Di namin siya kaya sorry Trish." At kumaripas ang tatlo ng takbo.
"Aba't iiwan niyo ko dito? Humanda kayo at ako mismo ang sasabunot sa inyo." Tumili pa si Trisha. Lumipat ang matatalim na mga mata nito sa akin at dinuro ako nito.
"You.. Hindi pa tayo tapos! Sigaw nito sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Bigla akong ngumiti. Umakto akong patatamaan ko siya ng suntok sa mukha. Tumili ito at tinakpan ng dalawang kamay niya ang kanyang mukha.
"Nooooooooo! No pls!.." Tili pa nito. I did not expect her to beg, sa mga kwento ng mga kaklase ko she is so evil.
"Joke lang. Hehe.." I giggled on her reactions.
Tumingin ito sa akin ng nagpupuyos ang damdamin. Magsasalita ito pero mukhang pinipigilan niya pa ang sarili niya. Humakbang na ang paa nito palabas ng classroom namin. Hinawakan ko ang mga braso niya at....
"Uhmm anyway Trisha.. Hindi ikaw ang magdedecide kung lalapit o lalayo ako kay Jeremy." Seryoso kong sinalubong ang kanyang mga tingin. Kumunot ang noo nito. Nagbabaga ang mga mata nito sa galit.
"Don't touch me!" Madiin nitong sabi at inalis nito ang mga kamay ko sa braso niya. Taas noo itong lumabas ng classroom. May nabangga pa ito na lalaking nakatitig sa akin at parang sira ulong nakangisi. Blue eyes din ito.
Biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Tumakbong nagsipaglapitan sa akin yung mga babae at niyakap nila ako.
"Yan si Charlie Bella Marrie, ang pambato ng Aquinas!" Sigaw ng kaklase kong lalaki mula sa likuran.
BINABASA MO ANG
I Dunno What Is Love?
Novela JuvenilHe is my first love. He is my first pain The man who've been my world! They said it is all a High School puppy love, pero bakit ngayong nagkita kami ulit siya at siya pa rin ang sigaw ng puso at isipan ko. "Comeback to me Charlie! Let's give our re...