IDWIL 11
"Yes!..Charlie Bella Marrie, I am yours!"
Parang nakapagkit na yata sa utak ko ang mga linyang yun. Para itong sirang plakang paulit ulit na sumisigaw sa isipan ko. Bingi na yata ang tenga ko at lahat ng ingay sa paligid ko ay di ko na naririnig. Ang mabangong amoy at ang mga brasong nakapulupot sa aking katawan lang ang tanging kumuha ng aking buong kamalayan. Naninigas at nanlalamig ang buo kong katawan. Ang malakas na tibok ng puso ng lalaking sumalo sa akin ay mas lalong nagpataranta ng aking pagkatao. Hindi ko na namalayan kung ilang segundo o minuto akong nasa ibabaw ng lalaking sumalo sa akin. Pumikit ako ng mariin umaasang sa pamamagitan nun ay bumalik ako sa aking katinuan. Nakakahiya talaga waaaaa!
"Ouchhh!" Impit kong tili nang may mga kamay na marahas na humawak sa aking mga braso at hinila ako patayo.
"Why are you so stupid and clumsy?" Galit na asik nito sa akin. Halos bumaon ang mga kuko at kamay nito sa higpit ng pagkakahatak nito sa akin. Bumalik lahat ng senses ko sa katawan ng magtama ang aming mga mata. Mga mata niyang nagbabadya ng galit na parang gustong maghamon ng suntukan.
"Tumayo ka nga diyan!" Dagdag na sabi nito. Nakita ko pa ang pag galawan ng muscles nito. Nanggigil ito. Kinabahan ako sa reaksyong nakikita ko. Hinimas ko ang aking braso. Hihilahin na naman sana ako nito ng may mga kamay na pumigil sa kabila kong braso.
"Hey! Hey! What are you doing? You're hurting her!.." Sabat ng lalaking sumalo sa akin. Hinawakan nito ang kabila kong braso na parang sinasabing "I will protect you".
"Shut up!.. If you don't want me to punch you my dear cousin!" Sigaw nito kay Grant. Gulat na tumitig si Grant dito. Tumayo at nasa likuran na ni Jeremy si Vincent at Justin. Alerto sa maaaring mangyari. Maya't maya ngumiti si Grant kay Jeremy.
"Nope. I prefer a big and a nice welcome from you cousin!" Nakangiti pero halatang naguguluhan ito at sinusubukan nitong kumalma sa sitwasyon. Nakahawak pa rin ang mga kamay nito sa braso ko.
"Take your dirty hands off of her!" Sabay pagpag nito sa kamay ni Grant paalis sa aking mga braso.
"Calm down...calm down my dear cousin. I am just trying to help Marrie." Nakataas pa sa ere ang dalawang braso nito bilang pagsuko. Napatingin ako sa paligid yung iba parang mas gusto nila ang panonood sa amin na para bang nanonood sila ng eksena sa pelikula. Yung ibang babae naman may paninibugho ang mga matang nakatingin sa akin. Nahagip ng mga mata ko si Trisha yamot itong nakatingin sa amin na parang gusto nitong tirisin ako ng mga oras na yun. Yung mga kasama ko sa volleyball na naka crossed arms pa while watching us. Nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Marian. Nginuso nito ang coach namin sa volleyball. Nakaramdam ako ng hiya pati ito napaghintay ko dahil sa eksena ko at ng dalawang lalaking nasa harap ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko between Grant and Jeremy. Si Jeremy na halatang naiinis sa nangyayari. Si Grant na nakakunot ang noo at marahil naguguluhan ito sa nangyayaari. Nakaramdam ako ng simpatya dito sa inasal ni Jeremy. Wala naman itong kasalanan para umasal si Jeremy ng ganun.
"Grant sorry hah and thank you nga pala sa pagsalo sa---
"Bakit ka humihingi ng sorry? And never thank him! You don't know my cousin so well Charlie." Inis na singhal sa akin ni Jeremy. Bigla tuloy uminit ang ulo ko sa kanya kanina pa ito naninigaw sa amin ah.
"Pwede ba wag ka nga sumabat sabat diyan! At ano ba ang ikinagagalit mo? O rather i should say ano ba ang karapatan mong magalit?" Sigaw ko pabalik dito. Di ko na napigilan ang sarili kong singhalan ito. Napipilan si Jeremy halatang nagulat sa pagsinghal ko sa kanya at sa biglaang pagtatanggol ko kay Grant. Tinitigan ako ng matiim ni Jeremy. Nangungusap ang mga titig nito at parang may pinapahiwatig. Nagkakarehan na naman ang mga paro paro sa aking tiyan napakatraydor ng reaksiyon ng aking puso at katawan. Natutunaw ako sa paraan ng pagtitig ni Jeremy sa akin. Konti na lang susuko na ako at susunod na naman ako dito. Pilit kong nilalabanan ang mga titig niya. Ayaw kong magpahalatang nanghihina ako pagdating sa kanya. Sa wakas nagbaba ito ng tingin. Tumingin ako sa paligid mas lumakas pa ang bulong bulungan ng mga kababaihan.
BINABASA MO ANG
I Dunno What Is Love?
Teen FictionHe is my first love. He is my first pain The man who've been my world! They said it is all a High School puppy love, pero bakit ngayong nagkita kami ulit siya at siya pa rin ang sigaw ng puso at isipan ko. "Comeback to me Charlie! Let's give our re...