IDWIL 18

42 1 0
                                    

"Minaniko ni Moniko ang makina ni Monica!"

"Mikaniko ni Moniko ang Monica ni Moniko."

"Toottt!.. Mali nga!" Piningot ko pa ang ilong ni Grant. Nasa ilalim kami ng punong mangga, may table ang bawat punong mangga sa fields na sinadyang ipagawa para sa mga students na gustong magstudy na kung saan malayo sa karamihan. Tatlo ang hilera ng mangga sa gawi na yun. Pero walang ibang tao ngayun dun kundi dalawa lang kami ni Grant.

"Why do I have to learn tagalog tongue twister?" Nakasimangot na tanong nito sa akin nakatwenty na ulit na ito sa tongue twister na pinapabanggit ko dito.

"Uhmp!.." Humalakhak pa ako sabay pitik ng kanyang noo.

"Andaya mo naman." Ngumuso pa ito.

"Hindi kaya! Usapan na natin na kailangan purong tagalog na kung mag-usap tayo. Masyado ka kasing baluktot magtagalog eh. Paano ka matuto. Atsaka hah 1 week na akong nagsisikap na turuan ka at ang hirap hirap mong turuan. Basta may "No to English policy" muna tayo hanggat di mo natutunan ang mga tinuturo ko sayo.

"Napapahirapan ba kita. Sorry Marrie.. But you know I am so happy because of this I get to be with you everyday. And I want to be with you." Nakakatunaw ang mga titig nito. Pakiramdam ko napakasalawahan ng puso ko at kinikilig at naguguwapuhan ako kay Grant ng mga oras na ito.

"Hay naku mag-aral na nga lang tayo kailangan mong matuto at makakuha ng lagpas 90% para naman exempted ako sa exam." Nakangiti kong sabi dito. Magaan ang loob ko kay Grant dahil siguro sa malambing ito at mabait pa. Napaka down to earth din ito at napakafriendly na para bang may nakahandang ngiti ang mukha nito sa sinumang naghehello dito. Samantalang si Jeremy ay napakaisnabero at madalas magkasalubong ang kilay o di kaya diretso lagi ang tingin nito pag naglalakad. Pero what makes it cute and proud kasi everytime we are together sa akin lang yung buong atensiyon niya at all eyes siya sa akin and I love it. I love how the other girls get jealous pag nakikita nila ang atensiyon na binibigay ni Jeremy sa akin. Tatlong araw na din na di kami nagkikita and I miss him so damn much! Madalas puro note lang ang pinabibigay sa akin galing sa kanya.

" Ok ulitin mo ulit ang toungue twister na binigkas ko. Bilis."

" menaniko ni manika ang makino ni maniko."

" Aish! mali ka na naman eh!" Naiinis na talaga ako kay Grant ha pero dapat tiis tiis tayo kasi para sa akin din to at gwapo naman si Grant eh." Menaniko ni Moniko ang makina ni aaaaahhhhh!" Aray ko napuwing pa yata ako ah nakakainis naman kasing hangin to eh.

"Marie ok ka lang ba? Ba't parang naluluha ka?" Tanong ni Grant sa akin with concern in his voice.
Bigla ko na lang naramdaman na hinawakan ni Grant ang mukha ko at iniharap ako sa kanya.

" Napuwing lang ako." Sabi ko habang pinipilit ko na ibuka ang mata ko. " ah Grant pwede pakihipan ng mata ko?"

" Ok sure basta ikaw Marie." Sabay kindat pa sakin. Shems ang Cute niya tingnan. Hinipan naman ni Grant ang mata ko.Di ko maiwasang tumitig sa mukha ni Grant at para akong napasailalim ng kakaibang mahika. Bawat buka ng mga labi niya at bumuga ng hangin, parang nagpapalasing sa aking katinuan. "Lord bakit amoy mamahaling pabango ang hininga niya!" Ang nipis at mapupula pa ang mga labi ni Grant di ko alam kung anong klaseng hipnotismo ang tumama sa akin ng mga oras na yun basta pakiramdam ko natutulala ako habang nakatitig sa mga labi ni Grant na ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko. Siguro kung may makakakita man sa amin iisiping hinahalikan ako nito.

"Are you okey Marrie?" Sa kabila ng mapag-aalalang tanong nito, makikita ang pilyong kislap ng mga mata nito at ang nagbabadyang pilyong ngiti ng mga labi niya. Na parang nagugustuhan pa ang reaksiyon ko sa paghipan niya.

"Huh! Yeah I'm okey! Thank you nga pala." Namumula ang pisngi ko sa pagkapahiya. In such realization bigla ako nakaramdam ng guilt. I feel like I betrayed Jeremy.

"You sure you're okey?

"Huh? Yes! Of course I'm okey!" Sagot ko na di sinasalubong mga tingin niya dahil nahihiya ako.

"Ohh Okey. You sure you don't want my kiss!" Nanunuksong tanong nito sabay pa binigyan ako ng paseksing nguso ng mga labi nito.

"GRANT!" Pinandilatan ko ito ng mga mata. Sabay hampas dito sa braso. Ang lakas ng halakhak nito na tila tuwang tuwa sa pagkapahiyang nangyari sa akin.

" Your welcome Marie. I will always be there when you need me." Sabi niya sabay huli sa mga kamay kong patuloy na humahampas sa kanya. Ngumiti pa ito ng nakakaloko at ayaw akong tigilan ng panunukso. Pinandilatan ko ito ng mga mata.

"Can we go back to the lesson or you want me to leave you here?" Istriktang turan ko sa kanya.

" Yes maam! And don't leave me because I like to be with you more often!" Sabay saludo at yukod sa akin. Hindi ko magawang mainis sa kanya. He is so easy to be with, ang gaan gaan lang ng aura niya.

Jeremy's POV

What would you do if you were looking everywhere on a certain girl all over the campus. I been roaming around just to see her for about 30 minutes. I am wondering how she is doing. I am expecting that she do really misssed me and would love to see me! I even expect to get a hug from her. But damn men! It feels like a lightning hit me direct to my heart! And I can't breath for a moment! I saw that damn Grant kissing my girl! And you Charlie Bella Marrie! Why are you enjoying it? She even smile and looks like she appreciate it. To hell with you! Three days of not seeing each other, puro kalandian ni Grant ang inaatupag mo at nagpapalandi ka naman. Naghaharutan at sa campus pa talaga! Beastmode. Gustong gusto ko ng sugurin ng suntok ang lintik na pinsan ko na yun!

"Hey Jeremy!. Are you ok bro? Bakit mukhang pinagsakluban ka ng langit at pati si inosenteng puno ay sinipa at binugbog mo, naman 'tol wag yan wala yang laban sa iyo!" Nakakalokong asar ni Vincent.

"Geshhh! Is everything okey? Tanong ni Justin ng matapos silang tingnan ng masama at inismiran ni Jeremy. Naglakad ito palayo na parang walang nakikita.

"That straight face man! Goodness!" Bulalas ni Vincent. Pag ganung bad mood si Jeremy nawawala ang kakenkoyan nila, pati sila nininerbiyos pag masama ang timpla ng mukha nito. Kilala nila ugali nito.

Exactly 5pm..

Naglalabasan na ng kani-kaniyang classroom ang ilan sa mga estudyante. Niligpit ko na rin mga gamit ko at matamlay na naglakad palabas ng campus. Malayo pa kita ko na ang mga aspirant sa may gate at tumutulong sa kaayusan para di magkagulo ang.mga students na ang iba ay nag uunahang makalabas ng gate. Biglang sumikdo ang puso ko ng makakita ako ng pamilyar na bulto ng katawan nakasuot ng kanyang PMT officer na uniform. Ang tikas nito at parang prinsipe. Bumaling ang tingin nito sa direksiyon ko na parang slow motion pa. Nahulog yata ang puso ko sa large intestine ko ng magtama ang.paningin namin. "God I do really missed this man! Ilang araw na akong umaasam na makita siya. Ngumiti ako ng matamis sa kanya pero madilim ang mukha nito at matatalim ang.mga matang iniwas sa akin ang kanyang tingin. Lumakad ito papunta sa direksiyon ko. Straight face.

"Jere--

my."

Ngunit nilampasan lang ako nito na tila parang di ako nakikita o di man lang ako nag eexist sa mundo niya.

"Huh!" I suddenly feel a sudden pain in my chest! Napansin kong maraming nakatingin sa akin. Yung ibang babae na tila tuwang tuwa pa sa pandededma ni Jeremy sa akin.

"You're dead girl! Feelingera ka kasi!"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Dunno What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon