IDWIL 17

209 14 7
                                    


"What is that guy doing here?" Masungit na tanong ni Jeremy. Pabagsak itong umupo sa upuang katabi ko habang nakasimangot. Nakatingin ito kay Grant na ngayon ay pumila sa counter ng canteen para umorder ng pagkain.

"Maglulunch bakit?" Nagtataka ako dito kung bakit mainit ang ulo nito kay Grant.

"I know na maglulunch siya pero bakit dito sa table na reserved for me siya uupo?" Magkadikit ang kilay pang tanong nito.

"What's wrong with that? Magpinsan naman kayo." Kumunot na ang noo ko ng tanungin ito.

"You don't know him Charlie, he is so womanizer! Hindi lang dalawang babae ang lumuha dahil pinaglaruan niya ito at ayaw kong mapabilang ka sa kanyang listahan." Madiing sabi nito at nagpanting ang tenga ko dito.

"Naman Jeremy hindi mo naman kailangang siraan pa si Grant. Atsaka wala ka bang tiwala sa akin?" Naiinis kong sabi dito. Hindi pa nga kami magkarelasyon at heto wala na siyang tiwala sa akin.

"I am just telling the truth about him Charlie and I trust you but I don't trust him." Nakasimangot pa rin ito.

"Naku Bella hayaan mo na yan si Jeremy at nagseselos lang yan siya." Si Justin na umupo na at inilapag ang tray na may lamang pagkain, nakasunod naman dito si Vincent na may bitbit ring pagkain.

"Hindi ako nagseselos okay? At mas gwapo ako kay Grant kaya walang dapat ipagselos!" Supladong sagot nito sabay padabog na tumayo.

"Wahaha!... Grabe ang angas mo dude! Pero agree ako sayo mas gwapo ka na dun hahhaaha..." Si Vincent na kumindat pa kay Jeremy.

"I beg to disagree according to my clear vision mas gwapo si Grant." Pang-aasar ni Justin kay Jeremy.

Akala ko babatukan o pagagalitan ito ni Jeremy pero sa halip padabog at walang lingon likod itong umalis papunta sa may counter ng canteen di nito pinansin ang pila at para itong haring umorder sa counter. A handsome snob guy ganun ang bagay na description para dito and it makes him even hotter.

"What do you want Marrie, chicken curry or adobo? Hungarian hotdog or cheesedog? Carbonara or lasagna?" Nakangiting tanong sa akin ni Grant ng mailapag nito ang inorder nito sa mesa.

"Wow bakit andami naman nito? Omg! Kaya mong ubusin itong lahat?" Gulat kong tanong dito sa kanya.

"No this is for you and me Marrie.. I ordered for two." Masayang sabi nito.

"Hala naku nakakahiya naman sayo Grant atsaka andami nito di ko yata kayang ubusin itong lahat."

"Share naman tayo eh." Malambing pang sabi nito sa akin na parang walang pakialam kung pinagtitinginan ba kami o hindi.

"Gusto niyo tulungan namin kayong ubosin 'yan?" Nakangiting tanong ni Justin.

"Sorry guys I bought this for Marrie." Tanggi pa ni Grant kay Justin.

"Charlie I bought your favorite beef stew and fried chicken. Macaroni salad for dessert." Kumindat pa sa akin si Jeremy at dumilim ang mukha ng ibaling nito ang paningin sa pagkaing nilatag ni Grant sa akin.

"Omg! Hindi ko mauubos itong lahat."

"Here Marrie eat this!." Sabay bigay sa akin ng adobo.

"Nah!.. Mas masarap ito Charlie." At nilagay nito sa harapan ko ang beef stew at fried chicken at ginilid ang pagkaing inoffer ni Grant sa akin.

"Ibang klase itong dalawang ito Vincent, parang di tayo nakikita at si Bella lang ang binibigyan ng pagkain. Tsk!" Reklamo ni Justin. Ako naman hindi pa rin kumikilos.

"Marrie! Open your mouth!" Si Grant.

"Charlie say ahh!.." Si Jeremy na katulad ni Grant ay may hawak ding kutsarang me kanin at ulam at umakto silang dalawa na susubuan ako.

"Marrie this one is much yummy!"

"Nope Charlie this one is not only delicious it is healthy as well." Ayaw patalong sabi ni Jeremy. Pinagtitinginan na kami at yung iba nagbubulungan. May ilan rin sa kanila na masama ang tingin sa akin.

"Wait!.. Ano ba ang ginagawa niyo?" Inis na tiningnan ko silang dalawa. " Una sa lahat hindi ako ganun kagutom o katakaw para orderan niyo ng kung ano-ano. At isa pa kaya kung kumain mag-isa hindi niyo na ako kailangang subuan okay?" Nakasimangot kong sabi sa kanilang dalawa.

"Okay, but you must eat this first." Si Jeremy.

"Ito na unahin mong kainin Marrie, ako naman ang naunang bumili para sayo." Paawa effect pa ang mukha ni Grant ng magsalita.

"Okay akin na yang pinamili niyo." Pinaghalo halo ko ito sa kanin. Tig iisang kutsara ng beef stew, chicken curry, adobo at fried chicken nilagay ko sa kanin.

"Wow ibang klase ka Bella." Si Justin.

"Uhmm!..Ang sarap!.." Pumikit pa ako habang ngumunguya. Nakakailang subo na rin ako. Fiesta ito ng mga bulate ko kaya sasamantalahin ko na.

"Halata nga!" Si Vincent na tumawa pa.

"Ang lakas mo palang kumain. Haha!." Si Justin.

"Siyempre basta libre mas masarap at masamang magsayang ng grasya nho!..Wait! May extra rice pa ba kayo? Pahingi ako.." Nakanguso pa ako habang nanghihingi. Tiningnan ko si Jeremy at Grant, nakatulala ang mga ito na parang di makapaniwala.

"Seryoso Bella? Uubusin mo yang lahat?" Nandidilat pa ang mga matang tanong ni Vincent.

"Ehh sa masarap ehh!.. Atsaka ayaw na ayaw ng nanay ko na nagsasayang ng pagkain. Yung rice ko." Tumingin pa ako kay Jeremy at ngumuso.

"I don't want a fat wife Charlie!" Umiiling na sabi nito sa akin pero inabot pa rin nito ang extra rice na nasa harap nito.

"Dude sa akin yang rice na yan!" Reklamo ni Vincent na hinatak pabalik yung rice na kinuha ni Jeremy.

"Just go buy some extra rice sa counter okay!" Utos ni Jeremy kay Vincent.

"Here's my rice Marrie and I don't mind to have a fat wife.. I will still love you fat or skinny. Long hair or bald. Dark skin or white I will still like you no matter what Marrie." Nagpacute pang sabi ni Grant habang ngiting ngiti.

"Tinalo ang mga hirit mo Jeremy ahh." Tumatawang sabi ni Justin.

"Yeah say that to my middle finger Grant." Madilim ang mukhang sabi ni Jeremy. Tapos kinuha ulit nito ang extra rice ni Vincent at binigay sa akin.

"Dude na---

Magrereklamo pa sana ito pero pinandilatan ito ni Jeremy. Sumenyas si Jeremy sa isang aspirant at patakbong itong lumapit sa table namin.

"I am aspirant cadet Pedro Clariman reporting for duty Sir!" Pabagsak pa ang huling katagang sinabi nito.

"Go get some extra rice and do it for 1 minute.. Understand!" Maawtoridad na sabi ni Jeremy.

"Sir yes Sir!" And like a real officer nagharap patalikod pa ito bago patakbong pumunta sa counter ng canteen.

"Whoaaa!.. Can I do that to one of the aspirants too.. I mean I am also the school owners grandson." Nacucurious na tanong ni Grant.

"No.. You are not a commanding officer in this school.. Find some club and make yourself a leader so you can command your member." Seryosong sabi ni Jeremy dito.

"Ohh okay." Ngumingiting sabi nito. "What organizations are you Marrie?"

"Right now? I only have the drama and speech club. I'm still choosing what sports ang sasalihan ko. Why?" Nagtataka kong tanong dito.

"So that I can get to command you if I become the leader. And I will command you to only look at me and no one else." Kumindat pa ito sa akin at ngumiti ng matamis.

"That's really bullshit!" Padabog na binagsak ni Jeremy ang baso sa mesa.

I Dunno What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon