"Marrie...Marrie...."
Napasimangot ako ng marinig na may tumatawag sa akin. Sa pagkaka-slang ng boses nito madaling kilalanin kung sino ito. Kanina pa ito sunod ng sunod nakakairita na. Pumunta ako sa locker room ng mga babae kanina at nagbihis na rin sa private toilet for female ng 3rd year. Bawat year level ng Royale Academy ay may sariling private toilet/room kung saan kami nakakapagbihis lalo na pag P.E. time namin. Nagjogging pants lang ako at puting t-shirt. Nilingon ko ito ngumiti naman ito ng matamis sa akin.
"Whatttt???... Inis ko pang tanong.
"Don't leave me Marrie." Nagpapaawa pang sabi nito. Nakangiti pa rin ito. Tinitigan ko siya bigla itong nagkamot sa ulo na parang nahihiya.
"May practice kami ng volleyball for girls... Ikaw ano bang sport o club ang sinalihan mo?" Tanong ko dito.
"Nothing yet. Let me watch you play." Sabi nito. Naglalakad kami ngayon sa fields papunta sa volleyball court. Napapatingin ang mga kababaihang nadadaanan namin. Well I can't blame them sa height pa lang ni Grant na 6'0" stand out na ito. Plus halatang may lahing banyaga.
"Hiiiiii....Hello handsomeee!." Sabay hagikhik ng mga estudyanteng lumabas galing Chapel. Sila ang mga choir ng School namin. Nag wave pa ang mga ito kay Grant. Pati yata ang mga Handmaids of the Lord, nagsipaglabasan na rin. At para ng naiihi ang mga ito sa kilig ng ngumiti sa gawi nila si Grant. Napailing ako.
"The students here are seems so nice and friendly." Komento pa ni Grant.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Malapit na kami sa Volleyball court. Luminga ako sa kabilang gawi ng fields. Nakita ko ang mga aspirants at officers na nagfoformation. Tinuro ang gawi namin ni Grant ng isa sa mga aspirant. Bigla akong kinabahan ng magsalubong ang mga mata namin ni Jeremy. Muntik na akong madapa kung di maagap si Grant sa paghawak sa braso ko.
"Careful Marrie."Paalala pa sa akin ni Grant.
Grrr! Bakit ganun titig lang ni Jeremy natataranta na ako!
Whew! Muntikan pa akong madapa dahil sa kanya. Pero may magnet yata siya sa mga mata ko at muli na namang bumaling ang mga tingin ko sa kanya. Nakakunot ang mga noo nito na nakatingin sa amin ni Grant. Dumilim ang mukha nito ng mapunta ang mga mata nito sa mga kamay ni Grant na hawak hawak pa rin ang mga braso ko. Bigla ko tuloy tinanggal ang mga kamay ni Grant sa braso ko. Pakiramdam ko na hindi ako dapat magpahawak sa kanya dahil baka magalit si Jeremy.
"I'm ok. Thank you."
"You sure you're ok?" Tanong nito.
"Yes." Maikli kong sagot. Sa isip isip ko "Exaggerated lang Grant? Di naman ako nadapa. Kumunot ang noo ko ng makita kong maraming tao sa Volleyball court.
"Bellaaaa!!..." Magkapanabay na tili ni Krishna at ng baklang si Camila. Tumakbo si Camila palapit sa amin ni Grant. Holy gay! Ang lalantik ng kamay at baywang nito. Pero ang mukha ehh lalaking lalaki. Ngumiti muna ito ng matamis kay Grant bago nagsalita. Napailing ako ng nagpapungay pa ito ng mga mata kay Grant.
"Bella may try out ang Volleyball girls ngayon. Section 1 vs section 3." Sabay turo sa team na nasa kabilang court. Napangiwi ako ng makita ko si Trisha. Naka jersey skirt ito at ang mga kateam nito. Naka sketchers ito at may rubber headband pa ito sa ulo. Nakikita ang pusod nito sa tuwing itinaas nito ang mga kamay. Nagwawarm up ang grupo ng mga ito. Inirapan ako nito ng mapatingin siya sa dako ko. Biglang may pumalakpak at pumito. Ang coach ng Volleyball team.
"Alright juniors! Our School Principal informed me earlier that next month may Inter-High School Sports Competition tayo. Kaya I decided na magpatry out ng Volleyball for girls. Most of the Volleyball varsity players ay grumaduate na last year so ang naiwan na lang ay apat na varsity sa volleyball . So I need to see kung sino yung magaling mag Volleyball sa inyo at kung sino rin yung interesado. We offer a full scholarship program sa lahat ng varsity ng school na ito. So to all interested Goodluck!"
BINABASA MO ANG
I Dunno What Is Love?
Teen FictionHe is my first love. He is my first pain The man who've been my world! They said it is all a High School puppy love, pero bakit ngayong nagkita kami ulit siya at siya pa rin ang sigaw ng puso at isipan ko. "Comeback to me Charlie! Let's give our re...