Pagpasok ko sa classroom,natahimik ang buong klase. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Yung iba naman tinging nanunukso. Nahagip ng mga mata ko si Krishna. Nginitian ko siya. Sinimangutan lang ako nito.
What's wrong with this people?
Tahimik akong umupo sa upuan ko. Tahimik lang ang buong klase. Napansin kong nanunukso ang ngiti ng bawat Subject teacher namin ng umagang yun.
Tiiiingggggg!!
Tumunog na rin ang bell. Kanya kanyang ingay na nagsipaglabasan ang mga kaklase ko. Nilingon ko si Krishna. Tahimik lang ito. Nakita kong lumapit ito sa akin.
"Alam mo ikaw na babae ka! Sobrang daya mo." Simangot nito.
"Bakit naman?" Nakakunot ang noong tanong ko.
"Ang bago bago mo pa lang sa School na ito tapos si Jeremy na ultimate crush ng campus, nanligaw agad sau." Nakanguso pa nitong sabi.
Napangiti ako. Nililigawan na ba ako nun? Oh my Pepe! It is so kilig just thinking about that idea.
"Pangiti ngiti ka pa dyan! Ang sakit sakit! Ilang taon akong pasulyap sulyap sa kanya, tapos ikaw ilang araw ka pa lang sa Royale Academy tapos ikaw pa ang napansin." Malungkot nitong sabi.
"Krish.. Ang totoo wala pa naman siyang sinasabi sa akin. Maskin ako man ay naguguluhan." Pagtatapat ko pa dito.
"Eh, magkaholding hands kayo kanina nho!" Pinandilatan ako nito.
"Ehemm!.."
Naputol ang usapan namin ni Krishna ng may tumikhim sa may pintuan ng classroom. Namula ang pisngi ko ng makita ko si Jeremy nakatitig ito sa akin. Lumapit ito sabay hila sa akin. Nilingon ko si Krishna na halatang gulat at hindi pa rin nakakabawi.
"Ano bang kailangan mo?"
Nilingon lang ako nito.
Sinubukan kong hilahin ang kamay ko.
"I told you, pag hinila mo pa ulit ang kamay mo sa pagkakahawak ko, I will kiss you!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit gusto ko ng kiss nakakainis pa rin ang pagiging demanding at suplado ng lalaking ito.
"Pwede ba bitiwan mo ako."
"Sure!..But remember I already give you my warning! And this is the last time that I will remind you about it!" May diin ang bawat katagang binibigkas nito.
Natahimik ako, lumingon ako sa paligid andaming estudyanteng nakatingin sa amin. Nanunuri at nagbubulungan. Napaismid ako, hindi na rin ako nagprotesta pa sumunod na lang ako sa kanya papunta sa Canteen.
Pagpasok namin, dumiretso kami sa grupo nito. Andu'n sila Justin at Vince na naghahalakhakan. Lumapad ang mga ngisi ng mga ito pagkalapit namin sa table nila.
"Hello Bella." Nakangiting bati ni Justin.
"Hi Goddess!." Si Vince sabay kindat. Nagulat pa ito ng biglang may bumatok dito.
"Whattttt the F**kkkk!" Gulat na bulalas nito.
"Stop flirting with my girl" Diretsong sabi ni Jeremy sabay upo sa tabi ko.
"Whoaaaa! YOUR GIRL!" Di makapaniwalang sabi ni Justin.
"Hahaha bakit Bella sinagot mo na ba ito?" Nakakalokong tanong ni Justin.
"Wowwww dude!. Ang seloso pala nitong si Jeremy! Hahaha."
"Shut up!" Namumula nitong sabi.
Di ko maiwasang sulyapan si Jeremy. We both blush when our eyes meets. At that moment I saw him blush while we are staring at each other. Parang sa titigan na yun, libo libong boltahe ng kuryente ang nag uunahan sa puso ko. Na parang nasa ibang mundo ako at kaming dalawa lang ang tao. At this moment inamin ko sa sarili ko na "gusto ko siya". Maraming tanong ang biglang pumasok sa isipan ko na parang si Jeremy lang ang makakasagot. Nakita kong ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
I Dunno What Is Love?
Teen FictionHe is my first love. He is my first pain The man who've been my world! They said it is all a High School puppy love, pero bakit ngayong nagkita kami ulit siya at siya pa rin ang sigaw ng puso at isipan ko. "Comeback to me Charlie! Let's give our re...