Eunice's POV
Wala ako sa mood na nakatingin lang sa board since maaga ako pumasok ngayon. Nakasalampak lang ako sa armchair kahit umagang-umaga palang naman at hindi pa nagsisimula ang klase. Parang tumakbo ako ng ilang kilometro kaya pagod na pagod ako kahit hindi pa nagsisimula ang klase.
Ngayon, mas humirap ang buhay ko dahil sumabay pa ang paglilinis ko ng room ni kuya, do also his homeworks pati narin ang plano ko na ma-fall sa akin si Luke. Makuha na nga lang ang pansin ni Luke mahirap na, sasabay pa si brother.
Tumayo ako para lumabas ng room at bumaba sa second floor. Kailangan ko ilabas ang inis at galit ko sa best friend ko.
"Like kuya ko siya tapos i-blablackmail niya ako ng ganun ganun lang" I was already at the verge of exploding habang kinukwento ko kay Mika ang buong story of what happened yesterday.
"Bessy ikaw ang nagsabi na gagawin mo ang lahat" ay, prinotektahan niya pa talaga.
"That's why nagbigay siya na maaaring mong gawin, easy lang hindi pa naman katapusan ng mundo" tuloy niya.
Oo nga pala, he was protecting my older brother kasi gusto niya ito. I totally forgot.
"Hindi porket na gusto mo si kuya ibig sabihin nakalimutan mo na ang duties mo as a BEST friend"
"Chill, just sayin btw may quiz sa math ngayon after ng class niyo yun diba" she smiled, alam ko na agad ang gusto nitong babae sa akin.
Hindi ko naman makakalimutan ang studies ko just for Luke gaya ng sabi ko mas gagalingan ko pa for Luke. "lol hindi ko ibibigay sagot, just some hints tas ulitin mo lang ang pagbasa para maalala mo yung mga formulas."
Ngumuso siya. "Pshh okay fine, sige na it's already 7:44. Magbe-bell na niyan mamaya"
"See you" I showed her a flying kiss at kunyari ay sinalo niya ito. Natawa naman ako.
Pabalik nako ng classroom kaso nakita ko si Gio at Ethan na nagdidikit ng papel sa mga walls.
"Bawal yan ah, at least kung may permission kayo sa guidance" panimula ko.
Sabay sila tumingin sa akin at lumabas sa room ang isang lalaki na malapit lang sa kanila. Si Luke!
"We have permission since we are scouting ng manager para sa team"
Manager!? Pwede ata ako since team captain nila si kuya. I'll talk with kuya after school para magpaalam, then mas malaki ang chance ko na maging manager nila. I'm so smart talaga.
"Pwede ba ako diyan since mahilig ako mag-alaga"
"Sinabi ko ba na may mag-aalaga, manager ang hinahanap namin hindi yaya na magbabantay sa amin. Hindi rin kami kukuha ng kilalang pasaway sa school."
"Ang sakit mo naman magsalita superman!?"
Lumaki ang mata niya nang sinabi ko yun. Tumingin ang dalawa niyang kaibigan na may pagtataka.
"BWAHAHAHA hindi ba alam ng dalawa mong kasama, eh kasi naman tong si Gio lagi nagsusuot ng superman na boxers kahit sa labas ng bahay nila" urat ko.
"Baka gusto mo ilabas ko din ang secret mong babaita ka ha!?" banta niya.
"There is nothing wrong kung malaman namin na nagsusuot si Gio ng superman na boxers, all of us guys do pati siguro ang kuya mo meron" namula ako, si Luke kasi ang nagsasalita ih. They use superman boxers?, lahat sila? Bili kaya ako ng superwoman na panty meron ba nun? T_T
"If wala ka nang sasabihin, you can go because kailangan pa namin gawin toh" sabay pakita ng paste and papers na dala nila. Nahiya naman ako. I was not expecting him to say that to me. Paano ko ba kukunin ang loob niya, please give me some help.
Humarap sa akin si Gio at pinakita ang dila niya. He was annoying me, I know ako ang pasimuno pero grabe naman siya mang-asar. My feelings were hurt, wala ba man lang sympathy.
I was about to go up the stairs ng may humila sa akin. "Ganyan lang talaga si Luke, don't bother him. By the way agahan mo ang pagpunta sa gym tomorrow mga 5pm siguro dahil marami ang pipila niyan for the manager position" He smiled at me.
Kung si Ethan siguro ang nag-ligtas sa akin sa kanya ako mai-inlove kaso si Luke yung nagpakita eh.
I smiled at him "Thank you, i'll be there para ako ang kukuha ng manager position".
Dumiretso na ako sa pag-akyat. Sana makuha ko nga.
"Hindi ko ipapanakaw ang posisyon na yun. It's only mine." I'm really determined.
Chapter 6 ends

YOU ARE READING
Will You Be Mine?
Novela JuvenilIs it possible to fall in-love even aromantic( people have little or no romantic attraction to others. They may or may not feel sexual attraction.) ka? Eunice Grace G. Hidalgo fell in-love sa isang lalaki na kilalang aromantic sa school nila. Pano...