Sleepover pt.2 | 11

6 1 2
                                    

Eunice's POV

Sabay kami nagkatinginan ni Mika dahil sa narinig namin na kalabog kani-kanina lang. I could see fear in her eyes kaya natawa ako, natatakot ba siya?

Bigla niya akong pinalo " Ano ba!? Hindi mo ba narinig yun, aren't you scared" sabay palo sa akin nang malakas. Aray naman, malay mo kasi hangin lang yun. Wag na kayo magtaka kung paano magagawa ng hangin yun. Sumabay nalang kayo sa flow.

Nagkatinginan muli kami ng marinig ang kalabog. Siguro nga hindi na hangin. Kinuha ko ang belt na nakalagay sa gilid ng kama ni Mika at siya naman ang sling bag niya. Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad. Hawak-hawak namin nang maigi ang maaaring pang-palo namin sa halimaw sa kabilang mundo. Papalapit na kami nang pinto nang may narinig uli kami na kalabog. Nagulat kami, pang-ilan na ba yan! Tama na!

Tinignan ko siya at tinawag ng mahina "Mi~ka! In a count of three okay?" I said quietly.

She showed me an okay sign. Nilapit ko na ang kamay ko sa malamig na door knob at inikot na ito.

"1--2---3!"

"AHHHHHHHHHHHH"

"HALIMAW KAAAA"

Sabay namin pinaghahampas ang halimaw na nasa harapan lang namin. Nakapikit akong pinagpapalo ito kaya minulat ko ang mata ko at nagulat ako nang makita na hindi pala halimaw ito kundi isang tao. Tinigil ko na ang pagpalo sa akala naming halimaw. Hinawakan ko ang braso ni Mika para tumigil na siya kaso hindi parin siya tumitigil sa pagpalo sa mama niya.

"HALIMAWW, PATAY"

"ARAY! Aray! MIka ano ba pag tigilan niyo nga ako"

"Mama mo toh!"

"Tama na bessy, si mama mo yan oh. Si tita Millie"

"Hala sorry po tita, kasi naman bat niyo po naman dinabog ang pinto" nakita ko ang pagtataka na nakapinta sa mukha niya. Wag mo sabihin, hindi siya yung nag-dadabog kanina sa pinto!?

"Kakarating ko lang dito, at bubuksan ko palang ang pinto pinagpapalo niyo na akong dalawa"

Sabay kaming nagkatinginan ni Mika.Hala! Ano ba? Wag ganun author alam kong romance toh! Hindi horror. Binaba namin ni Mika ang mga gamit na ginawa naming pamalo. Pinababa kami ni tita dahil magkakaroon ata ng imbestigasyon hehehe.

Tinuro ni tita ang sofa kaya umupo kami ni Mika na mukhang kinakabahan dahil hindi siya nagpaalam na pupunta ako sa bahay nila ngayon. May curfew kasi si Mika dapat 11:30 palang tulog na siya pero sino naman susunod non dibuh?

Her mother crossed her arm, sitting across from us. "Mika and Nica (tawag sa akin ni tita Millie simula bata pa lang ako), sino nagsabi na magkaroon kayo nang sleepover ngayon. Alam kong once a week ko lang kayo pinapayagan mag-sleepover"

"You had your sleepover TWICE this week, ano ba kayong dalawa?"

"Tita we are sisters po, hindi kami maghihiwalay ever." tumaas ang kilay ni tita sa akin dahil sa sinabi ko. Iba talaga si tita Millie kapag nasa bahay kaysa sa school.

"Char, eto naman si tita 'di maloko" sabay ngiti ko sa kanya.

"Sorry Mom, I thought na 'di ka uuwi hihihi" sabay tawa niya. Diba magaling tumatawa siya kahit nag so-sorry na siya kay tita.

"Wag niyo uulitin kundi hindi ko na kayo papayagan, magiging twice a month na lang ang sleepover niyo." wag naman po. Minsan na nga lang kami magkasama ni Mika sa bahay, magka-iba ang sa bonding namin sa school ah kaya wag niyo na i-compare.

"Basta it's already dawn, matulog na kayo. I think that's enough of watching on netflix" we nodded at her response. Inaantok na rin naman ako. Hinawakan ko ang braso ni Mika at hinila siya pa-akyat. We fixed her bed na magulo lang kanina at madali na pinuwesto ang sarili namin sa higaan para maka-tulog na kami.

"Goodnight, bessy" panimula niya simula nung umakyat kami sa kwarto niya.

"Goodnight den, sana maaga tayo magising tom." sagot ko sa kanya. 'Di rin nagtagal Hypnos hugged me tightly. Tip: para makatulog kayo, mag-imagine kayo ng scenarios na gusto niyo mangyari sa buhay niyo:>

Chapter 11 ends

Will You Be Mine?Where stories live. Discover now