Late | 12

6 1 2
                                    

Eunice's POV

"Bilisan niyo na ang pag-kain, para mai-hatid ko na kayo anong oras na oh"

Pagkagising ni tita sa amin kaagad niya kaming hinila para maligo na dahil isang oras na lang daw natitira sa amin bago kami ma-late. At ngayon, kumakain na kami ng breakfast. Hotdogs, bacons and eggs yun mostly ang nasa harap ko ngayon. As usual, si Mika andaming kinuha na bacons dahil favorite niya yun. Ako? Isa-isa ang kinuha ko sa bawat ulam at konting kanin lang dahil nagmamadali na nga kami.

"Aba't bilisan niyo na ano oras na! 7:38 na oh" sabay turo ni tita sa orasan sa ding-ding.

Sumubo muna ako ng kanin na may ulam bago nagsalita, "Eto na po ta, matatapos na po. Si Mika po ata ang pagsabihan nyo" sabay turo ko sa kanya.

"Oo nga eh, andaming kinuha kahit male-late na siya."

Nagsalita si Mika habang ngumu-nguya. " Ano bang mmh paki niy-mhh" habang tinitignan kami ng masama. Natawa naman ako.

Tinapos ko na ang pagkain ko kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Si Mika naman ay paubos palang ang pagkain niya kaya kinuha ko na ang bag niya at inilagay malapit sa kanya. Narinig ko na ang busina ng kotse sa labas kaya pinalo ko na si Mika at sinabihan.

"Bilisan mo na kumain, bessy ano oras na oh" sinubo na niya ang last na natirang ulam at kaagad na nilunok ito. Kinuha na niya ang bag at siya ang nag-hila sa akin palabas. Aba! Siya pa may ganang humila sa akin kahit siya ang may kasalanan kung bakit male-late na kami.

Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan at umupo na kami ng maayos. Nagsimula na mag-drive si tita papuntang school, habang papunta na kami dun may nalabas na gummies si Mika galing sa bag niya. Napa-bukaka ako ng bibig dahil kumakain na naman siya.

"Hindi ko na alam kung ano pang laman ng bag mo na yan"

"Alam mo bessy, I need energy actually inaantok pa ako but because I'm a student ng Pilipinas kailangan galingan natin to make our parents proud, right?" sabi niya habang may paturo-turo effect pa habang ngumunguya ng gummies.

"You are stating a fact kaya wala na akong sasabihin sayo" sabi ko habang naka-ngiti

"Hindi ako nagkamali na piliin kang partner noong bata pa tayo. You have great humor" I showed her may palm para mag-apir kami kaso sinubuan niya lang ako ng gummy worms.

Nakarating na kami sa gate ng school ng mga 7:56 o'clock. Pinark na ni tita ang sasakyan sa harap ng school. Hinawakan ko na ang kamay ni Mika para sabay kami na tumakbo. Nang mabuksan ko na ang pinto hinila ko na palabas si Mika ng sasakyan.

"Ingat kayo baka madulas kayo ah, galingan niyo today" binaba ni tita Millie ang window ng sasakyan at sinabihan kami habang kuma-kaway kaya kumaway kami pabalik habang tumatakbo.

"Hala huy, wait lang ang bilis mo maglakad masyado"

"Male-late na tayo iniisip mo pa yu-ahck" okay, I think I scraped my knee hindi ko napansin na paakyat na pala kami ng hagdan kasi nakatingin ako kay Mika dahil kausap ko siya. Ouch!

"Aray! Ano ba yan"

"Huy, ingat" sabi niya habang tinulungan akong tumayo sa pagkadapa ko. Nakita kong natawa siya ng konti dahil dun kaya pinalo ko siya ng mahina. Pinagpag ko na ang dumi sa tuhod ko pati narin sa palda ko. Tumuloy kami sa pag-akyat ng hagdan kaya nakarating rin si Mika sa second floor. I waved goodbye to her na parang hindi ko na siya makikita for eternity.

"Mamayang break kita tayo ah, libre kita" nag-flying kiss siya sa akin at sinalo ko naman ito.

"Basta sabi mo libre mo ah, walang bawian" nagba-bye uli ako sa kanya. Dumiretso na ako sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa makarating ako ng classroom ng 8:03 o'clock. Siguro dahil mabait na bata ako pinagpala ako ng Diyos dahil wala pa ang teacher namin sa physics.

"Good morning guys" sabi ko

"Morning nics"

"Morning gurl, late ka ata ngayon" sabi ni Hia. Siya ang ka-seatmate ko sa right side habang si Jayme sa left side ko.

"MORNINGGG" sabi ni Jayme.

Nang makaupo na ako, I heavily sighed as a sign of relief na nakapasok ako kahit na-late na ako for the first time this month. Inayos ko ang bag ko at uminom ng tubig.

Nakaramdam ako ng sakit sa tuhod na parang nangangati, yung sugat ko ang hapdi. Tahimik akong napa-aray, siguro mamaya pupunta akong clinic para lagyan ng betadine toh.

"Good morning class" nang marinig namin ang teacher tumayo kami.

"Good morning din po" sabay naming sabi.

"Let's start our quiz, shall we?" lumaki ang mata ko. Nakalimutan ko!

MAY QUIZ!?

Chapter 12 ends


Last update! Tomorrow I will publish a special chapter na sana magustuhan niyo readers!

Will You Be Mine?Where stories live. Discover now