Eunice's POV
Tumakbo na ako papunta ng gym after ko makuha ang resume ko para sa pag-apply nila bilang manager. I looked at the time at 5:26 o'clock na! Hays sigurado ako na male-late ako nito but I don't think so, after ko makita ang mahaba na pila na nasa labas ng gym. Ano ba ang nasa isip nila?, autograph ba ang kailangan nila at ganito karami ang mga sumasali sa pagiging manager nila.
Sobra ata ng 20 ang tao dito, hindi ba pwedeng mag-social distancing muna sila. Masyado sila nagsisiksik sa tabi dahil gusto nila makita ang mga panels o yung mga basketball players-_-. Makikisali na sana ako ng may nakatapak sa paa ko.
"Aray! Ate tingin-tingin naman sa dinadaanan mo ah" I told her habang pinapagpag ang sapatos na suot ko, bago pa naman ito.
"Sorry, hindi kita nakita dahil nakatalikod ako. Sorry ulit" bigla kong inayos ang sarili ko ng marinig ang boses na yun.
Tumayo ako ng maayos at hinarap ang babae na nakatalikod na sa akin at maayos na kinukunan ng litrato ang kuya ko na isa sa panels na nakaupo lang ng maayos sa isang swivel chair. Nanlaki ang mata ng makita ko siya, Aba!
"Anong ginagawa mo dito, Mika!?" gulat kong sabi.
"Akala ko ba may immediate meeting ang club mo ngayon. Ha!" tuloy ko habang hawak ko ang bewang ko na parang pinagsasabihan siya. Siya ang bata at ako ang matanda. Sabi niya kasi kanina na nung tinext ko siya na may pupuntahan daw niya ang club room nila dahil may immediate(insert sarcasm) meeting daw siya
Tumingin siya sa akin na parang nagulat pero agad niya na pinalitan ito ng nakakaawang mata. Ginagamit niya pa talaga yang weakness ko sa kanya. This is unacceptable! parang ako tuloy ang may mali. Hindi naman niya sinabi na sasali rin siya sa pagiging manager ng basketball team edi sana sabay kami pumunta dito kaso I feel threatened dahil kilala din si Mika as a caring and lovable student, kilala rin siya as friendly baka mas ma-capture niya pa ang puso ng mga panels aka mga players ng basketball team, ako pa ang matalo.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko "Ano ka ba! wag ka mag-alala bessy, hindi naman kita aagawan ng pwesto gusto ko lang makita si kuya mo, alam mo naman supportive girlfriend si ateng" sabay lagay niya ng buhok sa likod ng tenga niya habang nak-nguso, HALA! paveve.
"Baka girl--friend"
"Ano? Alam mo kapag ikaw ang pinili sasampalin kita"
"Don't ya worry. I'm always on your side baka gusto mo sabihin ko pa na sana piliin ka nila"
How sweet >_< She really is my bessy. "Ikaw talaga, gagawin mo talaga yun for me" I told her while acting like I'm crying because of what she said.
"Gusto mo ba paalisin ko na tong mga babae na nasa daan mo bessy" sabay turo sa mga nakapila na babae kasama na may masamang titig.
"Inaagawan kasi ako pati ikaw syempre" sabay hampas sa akin.
"Ano ka ba! Hintayin natin sila ma-reject, chos!" sabi ko sa kanya while smirking but don't worry hindi ko gagawin yun. I am not that kind of person, you know!.
Naghintay lang kami sa labas at halos paubos na rin ang mga girls na sumali. May mga umiiyak din pag-palabas na sila hindi ko alam kung audition ba toh or just mere work para sa kanila masyado naman nila dinadamdam. I won't be like that if they won't accept me.
"Miss Hidalgo, pasok na daw po" Tumingin ako kay Mika na may ngiti sa labi at pumasok na sa gymnasium. Inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa kanila. Nakita ko ang kuya ko pati na rin ang mga basketball players na nasa likod lang nila, pinagmamasdan siguro ako dahil sa dala kong kagandahan.
Kinakabahan na ako "Uhm ughm, My name is Eunice Hidalgo. Ang magpapaganda ng buhay niyo kapag ako ang pinili niyo!" biro ko dahil baka dahil sa cute ako, ako ang mapili.
"Next, ayaw namin ng may ibang apelyido na Hidalgo dito" sabi ni kuya Gab. Napasimagot naman ako. Grabi naman si brother.
"PASS! Sino ba nagsabi na sumali yan! Tignan niyo naman mukhang kaya sumapak baka abusuhin kami niyan pag siya ang pinili na maging manager" sigaw ni Gio. Aba! Nakikisali yung spectator, masyadong pabibo.
"Joke, anyway bakit mo gusto sumali dito as a manager" sabi ni kuya Gab.
I smiled brightly. "Kasi nandito yung crush ko, charot" biro ko habang nakatingin sa kanya 0.0
"I may not be the best at sigurado may nagustuhan o napili na kayo but kaya ko din ang kaya nila. Kung gusto niyo ako ang maglinis ng buong gymnasium siguro gagawin ko yun"
"Oh yun naman pala gawin niyo na nga yan na Janitress, gusto niya naman pala" singit ng taong nag-ngangalang Gio.
"Anyway po, just trust me and I'll care for you all if you pick me" I showed my whitest teeth hanggang sa unti na lang ang maaninag ko dahil sumingkit na ang mata ko.
"Okay, Great we'll update you if napili ka" sabi ng isang panel na may apelyido na Gomez tho I don't know him, I showed him a thumbs up.
Kung hindi man ako ang pipiliin then hindi yun ang ibinigay na destiny sa akin ni God, maybe may other paraan for my plan na ma-inlove sa akin si bebe Luke.
Chapter 15 ends
P.S. sorry kung nag-tagal ang update. I had a hell of a week dahil sa mga kailangan ipasa, I hope you understand readers!

YOU ARE READING
Will You Be Mine?
Teen FictionIs it possible to fall in-love even aromantic( people have little or no romantic attraction to others. They may or may not feel sexual attraction.) ka? Eunice Grace G. Hidalgo fell in-love sa isang lalaki na kilalang aromantic sa school nila. Pano...