Ethan | 14

7 1 4
                                    

Eunice's POV

Mabilis na natapos ang mga subjects ko. Since friday ngayon homeroom ang last subject. We stationed our armchairs sa labas dahil maglilinis daw ang mga cleaners ngayon. Aba! Dapat lang since sobrang dumi na nito dahil sobra isang linggo na ata hindi nalilinis ito dahil laging tumatakas ang mga everyday cleaners, isa na ata ako sa kanila. Kinuha ko muna ang wallet at phone ko bago ako bumaba sa hagdan patungo ng second floor. Marami na rin na upuan sa labas kaya nakisiksik ako sa mga ibang dumadaan ng hallway.

Nang nakalapit na ako sa classroom ni Mika. Kumatok muna ako sa pinto nila kaya ang lumapit sa akin ay ang president ng section nila.

"Pres!" sabi ng isa sa kaklase nila kaya lumapit sa akin ang president nila.

"Si mika ba? Nasa baba ata siya kanina pa"

Suki na ata nila ako kapag kailangan ko si Mika kaya alam na nila agad kung sino ang hanap ko. "Ah ganun ba sige salamat, John" sabay kaway ko sa kanya habang paalis, ganun din naman ang ginawa niya pabalik.

Bumba naman agad ako papuntang canteen dahil sigurado ako nandun si Mika, kumakain lang. Ay! Kailangan ko pa pala pumunta ng clinic para gamutin ang sugat ko kaninang umaga. Kaya naisipan ko muna na pumunta sa clinic bago sa canteen. Pagpasok ko dun may puting kortina kaya pumasok ako dun. Nagulat ako ng makita sina Luke, Ethan at Gio na may kababalaghan na ginagawa, charot! Nakita ko na may hawak si Gio na ice pack at ginagamit yun sa ankle ni Ethan. Kaya lumapit naman agad ako.

"Oh!? Anong nangyari sayo, Ethan?" I mean kita ko naman kung anong ginagawa nila at isa lang ang meaning nito pero anong nangyari like natapilok ba siya?

"Hindi mo ba nakikita ginagawa ko" sabi ni Gio with sarcasm ha!

"Ay! Hindi po sorry paki-explain po paano kasi nangyari kay Ethan at ginaganyan siya ngayon"

"He sprained his ankle dahil namali ang pagtalon niya" sabi ni Luke bebe ko. Wow! Kahit kagabi nagkita kami namiss ko pa rin makita ang mukha niya na mala anghel kahit demonyo ata personality.

"Ahhh! Okay ka lang ba Etha-"

"Siempre hin-"

"Siempre hindi, gusto mo ako na mag-dampi ng ice pack sayo. Mali-mali ata ginagawa ng kaibigan mo HA-ha-ha" sabay tulak ko kay Gio sa gilid kaya muntik na siya mahulog (sa akin? char)

"Hoy! Babae matagal ko na ginagawa yan kay Ethan pag-naisprain siya pati na rin sa mga ibang teammates ko kaya akin na yan!"

"Panira ka eh noh! Masyado ka na nakikisali, kaibigan ka ba ha! huh!"

Kukuhanin niya sana ang ice pack kaso kunwari ko na ipapalo sa kanya kaya umurong siya ng kaunti. I chuckled akala niya ba gagawin ko yun, baka ma-guidance lang ako. Idadampi ko na sana ang ice pack sa ankle ni Ethan kaso may humablot at si Luke bebe ko yun. Ah! Anong ginagawa niya ako na dapat para makita niya kung paano ako maging sweet sa mga tao na malapit sa kanya baka mahulog siya sa akin pag ginawa ko yun.

"Bat di mo na lang gawin ang sugat mo kesa ang iba ang asikasuhin mo" bilin sa akin ni Luke bebe ko. Ano ba! Pwede mo naman sabihin na nagseselos ka iiihhh.

Nagkatinginan kami ni Luke bago na lang may humablot ng ice pack sa kamay niya. Si Ethan.

"Ako na lang ang maglalagay kaya kayong dalawa pumunta na kayo sa practice and ikaw naman Eunice gawin mo na ang kailangan mo gawin bago ka umalis. I'll be here na lang, treating myself ~kung pwede nga ikaw nalang~ Eunice"sabi niya pero hindi ko na narinig ang last na sinabi niya.

"Ano yun? Ethan, yung last mong sinabi 'di ko na masyado narinig" sabay lapit sa kanya ng kaunti.

"Ha!? wa-wala sige na" sabay tulak niya sa dalawa niyang kaibigan kaya wala na nagawa ang dalawa kundi sundin siya pero bago lumabas si Gio inilabas niya ang dila niya para inisin ako.

"Blehhh~" Kung gusto niya inisin ako actual na naiinis na talaga ako, gusto ko batuhin yung unan na nasa gilid ko lang.

Hindi ko na lang siya pinansin kaya pumunta na lang ako sa cabinet para kunin ang betadine. Nang makuha ko na umupo muna ako sa sofa na nasa gilid habang nasa higaan si Ethan. Dinampi-dampi ko na ang betadine kaya mahapdi lang ng konti pero I can endure naman. I looked at Ethan na nakatingin sa sugat ko kaya naconcious naman ako kaya mabilis ko na ginawa ang paggamot. Sinarado ko na ang takip ng betadine at binalik sa cabinet. Napasulyap ako kay Ethan at nakita ko na nakatingin siya sa akin pero binalik din agad ang pagdampi ng ice pack sa ankle niya. Nakita ko na nahihirapan siya abutin ang likod ng ankle niya kaya ang ginawa ko ay lumapit sa kanya at hinablot na ang ice pack. Naka-ilang hablot na ba itong ice pack na toh marami na gumalaw sa kanya, chos!

"Akin na, nahihirapan ka na nga ipilit mo pa Ethan" kinuha ko ang monoblock na chair at tinulungan na si Ethan sa kanyang ankle.

"Thanks, pero hindi ba dapat nag-reready ka na sa pagsali mo as a manager ng basketball team" paalala niya sa akin. Biglang lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Shocks! Pati pala yun nakalimutan ko na rin. Napasampal ako sa forehead ko because of my katangahan.

Hinawakan ni Ethan ang ice pack na hawak-hawak ko ngayon kaya mabilis ko na tinanggal ang kamay ko dun dahil naramdaman ko ang mainit na kamay niya, siguro namumula ako ngayon.

Napahawak ako sa tuhod ko habang nakatingin sa kanya.

"Go now, sayang ang determination mo noong isang araw just to be wasted kaya bilisan mo na. I can do this by myself" He chuckled.

I looked at him teary-eyed. Shit! Sana nagkakagusto na lang ako sayo Ethan. I'm sure if I persuade him to like me, he will surely like me ako pa! I'm nice and idagdag mo pa ang pagiging pretty ko and ang personality niya na humble and sweet. What a perfect pair! Tumayo na ako at bago umalis nagpasalamat muna ako sa kanya.

"Thanks Ethan. I owe you one dahil pinaalala mo sa akin" I winked at him.

Chapter 14 ends

Will You Be Mine?Where stories live. Discover now