Is it possible to fall in-love even aromantic( people have little or no romantic attraction to others. They may or may not feel sexual attraction.) ka?
Eunice Grace G. Hidalgo fell in-love sa isang lalaki na kilalang aromantic sa school nila.
Pano...
Naramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa kamay ko. I smiled at him. Hindi ko alam kung bakit dinala niya ako sa amusement park kahit hindi pa naman namin 3rd monthsary.
I looked at him habang matamis na nakangiti sa kanya. "Bakit mo naman ako dinala dito, ---"
He smiled. "Masama bang dalhin ang girlfriend ko sa amusement park?" sabi niya habang hinahawakan ang mga hibla ng buhok ko. Siguro namumula na ako dahil sa sinabi niya sa akin. Hindi talaga ako nasa-sanay sa mga sweet words niya. Ano ba! Kinikilig ako.
Hinawakan niya uli ang kamay ko at mas hinigpitan pa 'di gaya kanina. We showed our ticket sa staff na nasa entrance ng Enchanted Kingdom. Napa tingin ako sa babae na hawak ang kamay ni --- dahil lalagyan niya ito ng stamp. Napa-kunot ako ng noo dahil sa tingin ng babae sa kanya. Sumingit ako sa kanila at sinabihan ang babaeng nagtatrabaho sa amusement park.
"Bat ang tagal niyo naman ho bigyan ng istamp ang BOYFRIEND KO" I emphasized the word "boyfriend ko" dahil baka isipin niya na single pa ito at walang kasama pumunta dito.
Tinignan ng babae ang paghawak ko ng braso ni --- bago niya ako binigyan ng stamp sa wrist ko. "Sorry po sir and ma'am, pwede na po kayong pumasok. Enjoy!"
Hinila ko na si --- papasok habang patalon-talon ako dahil excited ako. "Hindi mo naman kailangan gawin yun sa babae, minsan lang ata sila nakakakita ng gwapo" He laughed while touching his face.
I cupped his face tightly. "Akin ka lang, ayaw kong may tumitingin sayo na iba. I HATE IT!"
"Baka siya ang gusto mo na makasama ngayon sa amusement park kaya naaawa ka sa kanya" tuloy ko habang naka-crossed arm ako.
He hugged me. "Ano ka ba? Kaya nga kita tinanong na maging girlfriend ko diba, dahil mahal kita" he suddenly kissed me in the forehead which surprised me pero napalitan agad ng matamis na ngiti.
"Nakakahiya na ano ba, wag ka ngang ganyan" sabay palo ko sa kanya dahil ang sweet naman niya masyado.
"Pero 'bat mo pala ako dinala dito, it isn't even our 3rd monthsary yet" sabi ko habang naglalakad kami at naghahanap ng pwedeng sakyan na rides.
"Wala lang I just want to be with you" He looked at me smiling kaya sinagot ko ito ng ngiti. Actually kanina pa ako nakangiti dahil masaya akong kasama siya.
"Let's ride Rio Grande para exciting agad" sabi ko
"Last na natin sakyan ang Rio Grande dahil mababasa tayo niyan"
"Let's ride Disk-O-Magic na lang, Nics" tuloy niya.
"Okay, sige"
Buong araw nag-ikot lang kami ng Enchanted Kingdom at sinasakyan lahat ng mga rides na nakita namin sa paglalakad. It was fun since lagi ko siyang kasama sa mga nakakatakot na ride. We also visited some game stores(stalls) at triny niya lahat para makakuha ako ng teddy bear pero hindi niya kinaya kaya binilhan na lang niya ako mismo sa store na nasa loob ng amusement park. Sa huli hindi namin nasakyan ang Rio Grande dahil mahaba ang pila at mag-gagabi na.
I was hugging the teddy bear tightly sa right hand ko habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Pahingi nga ako, inuubos mo na yang corndog eh" sabi ko. Bumili kasi kami ng corndog dahil nagutom na kami sa kakalakad. Nang makalabas na kami ng gate ng Enchanted Kingdom we took a selfie picture together sa harap ng gate for remembrance kahit marami na akong kinuha kanina pa sa loob.
"Thank you for bringing me here Luke, I had fun. I love you!" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you too, Eunice. You are only mine" he accepted my hug at binuhat niya pa ako ng kaunti. I giggled.
"Don't worry. Hindi ako nagkamali sagutin ka nang tanungin mo ako nung araw na iyon"
"Will you be mine, Eunice?"-Luke
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.