Eunice's POV
"Bakit 'di mo naman kasi sinabi sa akin na may quiz ka, tapos nung inimbita naman kita mag-sleepover ka umoo ka. Ako pa sisihin mo bessy" sabi ni Mika habang kumakain ng burger na tinitinda sa canteen.
Ako naman nakasalampak lang sa table habang kumakain ng french fries na nilibre ni Mika sa akin dahilsabi niya ililibre niya ako kaninang umaga. Hindi ko kinaya yung quiz kanina. Hindi ko talaga naalala na may quiz, hindi ko na tuloy alam ko ang gagawin ko kanina.
"MAY QUIZ!?" sabi ko kay Jayme habang naka-kunot ang aking noo. Tumango na lang siya at naglabas ng lengthwise paper at ballpen. Nanahimik ako ng ilang saglit bago ako lumapit kay Jayme.
I showed her my puppy eyes. "Pwede po bang makahingi ng papel" I smiled sweetly to her.
Ngumiti din siya na parang hindi makapaniwala. Nagpunit siya ng isang papel at binigay sa akin.
"Pwede bang pahing--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nagpunit pa ng dalawang papel si Jayme.
"Dalawa na yan ah, tama na mauubos na toh oh" mauubos mo lelang mo, mukhang bago pa yung papel eh. Minsan nanghihingi ka din kaya psh. Damot!
Wala na lang akong sinabi dahil mabait ako. "Hehehe salamat sis, pagpalain ka ng Diyos"
Nagstart na si sir ayusin ang powerpoint kung saan yung quiz nakalagay. I was really nervous, konti lang ang naaalala ko sa lesson yesterday dahil si Luke ata nasa isip ko nung time na nag lelesson si sir huhuhu T_T. Kahit yung legs ko kinakabahan narin dahil kanina pa toh gumagalaw pababa at pataas pati ata pagtibok ng puso ko ganun din ang ginagawa.
"I want you to write your answers in capital letters okay!?"
"Yes, sir"
"Y-y-yes sir, grabe 'di ko na kaya toh" bulong ko sa sarili ko. Nang makita ko na ang mga questions, napa-nganga na lang ako dahil isa o dalawa lang ata masasagutan ko dito.
Tumingin ako sa mga katabi ko at nakita kong may mga sagot sila. Kaya maigi akong lumapit sa tabi ni Jayme. Nakita ko na wala siyang sagot sa 2 kaso meron ako. Kaya tayo'y magne-negotiate.
"HUy! Jayms may sagot ako sa 2 bigay ko sayo answer, bigay mo sa akin no. 4-5 dali na"
Naningkit ang mata ni Jayme sa akin. "Sigurado ka sa sagot mo sa 2 ah" bulong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot habang tumitingin din ako kay sir baka kasi nakatingin na pala siya sa amin. Stalker ata si sir eh, charot.
Pinakita niya sa akin ang sagot. Nang makita ko na ang sagot I showed her an okay sign na nakita ko na ang sagot. Tumingin naman ako sunod kay Hia baka may sagot siya 7-9 kahit yun na lang para at least naka 6 over 10 ako kung tama ang nakuha kong sagot sa mga katabi ko. Lumapit ako kay Hia ng kaunti.
"Psst! Hia may sagot ka 7-9, exchange ko sagot sa 5" bulong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako bago bumulong uli sa akin. "Bat isa lang ibibigay mo sa akin dapat at least dalawa, tatlo hinihingi mo ih" abay! Kaarte!
"Sige na nga 4 at 5 bigay ko sayo" tinignan ko siya at tumango naman siya. Salamat naman. Pinakita niya sa akin ang sagot kaya kinopya ko ito. Narinig kong umubo si sir kaya inayos ko ang tayo ko bago tumingin uli sa papel ni Hia. Nag-okay sign na ako sa kanya kaya tumuloy na siya sa pagsagot ako naman kung ano na lang ang pinaglalagay sa mga hindi ko nasagot na questions.
"TIME'S UP, PASS YOUR PAPER UP FRONT" bilin ni sir sa amin kaya pinasa na namin paharap.
Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil nahirapan ako kaya nangopya ako. This is the first ti-, char ilang beses na rin ako nangopya pag-emergency lang naman. Binilang ni sir ang mga papel bago nag-tawag ng mga limang students to check ng quiz kasama si sir dahil may 20 minutes pa. Nag-ingay lang ang mga other students habang ang mga iba humiga na sa lapag lang. Ako? Eto kinakabahan sa score ko.
"Okay, we've already checked your scores and some of you didn't pass the quiz so try better next time okay?" tumango naman kami dahil alam ko isa na ako doon.
"Paki pasa na ang mga papers please, I'll leave you now"
Eto na siya! Lumapit sa akin si Emerald at binigay sa akin ang papel na naglalaman ng aking quiz. Napasinghap na lang ako sa score ko.
"BWAHAHAHA three lang ako, as in tres sa tagalog" sabi ko kila Hia at Jayme. Tumingin naman sila sa akin na parang nag-aalala sa akin.
"Ilan ka?" tanong ko kay Jayme. Pinakita niya sa akin ang tatlong finger niya.
"OMG! Same tayo sis, nag kopyahan pa tayo HAHAHAHA"
"Ikaw, Hia ilan ka?"tanong ni Jayme.
"Four lang ako" sabi niya habang nakasimangot. Ewan ko pero okay lang sa akin score niya since hindi malayo sa score ko pero I feel bad too, chos!
"BWAHAHHAA nangopya ka na nga pero three ka lang" tawa ng babaitang nanghihingi ng sagot sa akin pag may math quiz.
"Hindi ko talaga alam kung bakit 'di ko bet physics" sabi ko kay Mika habang nakasimangot.
"Kasi 'di ka rin naman bet ni physics kagaya ni Luke bebe mo"
"Wow naman! Physics lang ang sinasabi ko hindi si Luke bebe ko pero sinasali mo siya"
"Baka gusto mo sabihin ko kay kuya na gusto mo siya, na may PICTURE KA NI GABRI-" tuloy ko bago niya tinakpan ng last na piece ng burger niya ang bibig ko.
"HA-Ha-ha ang lakas naman ng putak ng bessy ko, halika na nga hatid na kita sa classroom mo" sabay hila sa akin patayo at gaya ng sabi niya hinatid niya nga ako sa classroom ko bago siya nag-waved goodbye sa akin.
Chapter 13 ends
YOU ARE READING
Will You Be Mine?
Dla nastolatkówIs it possible to fall in-love even aromantic( people have little or no romantic attraction to others. They may or may not feel sexual attraction.) ka? Eunice Grace G. Hidalgo fell in-love sa isang lalaki na kilalang aromantic sa school nila. Pano...