Eunice's POV
Natigil ang pagiging maligaya ko nang marinig ko ang boses ng demonyo kong kuya.
"Bat di ka kaya lumayas na sa bahay kung ganyan ka kasaya kapag nasa labas ka?" He laughed.
Tinignan ko ang balcony ng bahay at nakita siya na nakatingin sa akin. My brows furrowed dahil sinira niya ang scene ko na toh.
"Alam mo panira ka no, I'm having my scene here sa story na toh tapos sisirain mo" Nakatingin ako sa kanya diretso. May hawak pa siya.
"Ano yan wine? Coffee? o beer? Lasing ka na ata kung ano man ang iniinom mo"
"Lumayas ka na nga dyan" tuloy ko.
He looked at me seriously "mag-ingat ka, okay?"
I showed him an okay sign bago na siya nag-lakad papasok sa bahay. I know he's worried but i'll take care of myself. Naglakad na ako papalabas ng gate, papaliko na ako nang may humila sa akin at tinutukan ako ng baril sa ulo. Last time pocket knife ngayon baril ang laki naman ata nang nilayo dapat big knife muna bago baril.
Yung sinabi ko kanina na "I'll take care of myself" I take it back. Someone please help me! I mean i don't need no help but malay mo nandiyan pala siya kasi alam ko dito in this part he will help me, sabi kasi ni author sa akin.
Hinila na ako ng matandang kidnapper malapit sa likod ng puno na malapit lang sa playground. I wish na I could move but my hands were already tied at my back at tinali niya uli ako gamit ng isang rope sa puno. I just hope na walang red ants here, yung makati. Yuck!
"Sabi nila magaling ka daw pero bat ang hina mo naman miss Hidalgo"
"Bobo ka ba, wag mo ko itali mag one-to-one tayo. Madali sana kita napatumba ngayon"
"Atsaka bat ako nalang lagi ang kinikidnap niyo haa?, bat hindi si kuya"
"Alam niyo ba na may kuya ako, nasa bahay lang siya ngayon. Nasa balkonahe ata mas marami pa ang hawak niya sa company ni dad"
"Tanungin ko sa boss ko bakit ikaw lagi tinitira namin o baka gusto mo number niya bigay ko sayo"
"Ayun naman pala akin na, weyt nasa bulsa ko phone ko kunin ko lang"
Tumawa siya ng malakas at tinignan ako "Wag mo akong idaan sa ganyan-ganyan mo miss Hidalgo, hindi mo ako madadaan diyan para makatakas ka"
"Binayaran ako ng malaki dito kaya kailangan ko gawin ng maayos"
Una palang wala na siyang pag-asa, kawawa naman si old hag nasali sa kanilang mga kidnappers.
He smirked habang kumuha ng sigarilyo sa bulsa niya at binuksan gamit ang lighter na dala niya. "alam mo miss Hidalgo kailangan ata kita na lagyan ng pampasara diyan sa bibig mo na yan" sabay labas ng usok na galing sa bunganga niya dahil nagsisigarilyo siya.
Aba! Hindi ko na kasalanan kung bakit putak ako ng putak.
"Oo nga? Bat hindi mo ako lagyan para naman at least hindi ako sumigaw dito"
"TULONG NG! PUTAGRIS MAY KIDNAPPER DITO, TULON--GHHH"
Agad niya naman sinara ang bunganga ko gamit ang kamay niya.
Kailangan ko ata mag-toothbrush pagkatapos ng scene ko dito.
"Kakaiba ka nga gaya ng sabi ng mga ka-kilala ko" Wow! Really artista pala ako sa mundo nila.
Ginalaw-galaw ko ang sarili ko para maguluhan siya kaso mas hinigpitan niya pa ang hawak sa akin. Ano na!? Author ang tagal niya naman dumating.
(" Wag magmadali bes. Ayaw gumana ng utak ko ngayon")
"Ay waw! Ipasok mo nalang agad si Luke sa scene para madali na matapos itong chapter na toh"
(" sana madali lang noh")
Che! Okay, back to the scene.
May tinawagan si old hag (yun na lang tawag natin sa kanya) sa cellphone niya. Napatingin ako sa phone nya, HAhAHAHAHA ano toh nakatira ba siya sa 90s yung phone niya naka dial parin. Nilapit niya sa tenga niya ang phone at maraang tumango-tango. Ibinalik niya ang phone niya sa bulsa at lumapit sa akin.
"Halika na, nandun na daw sila" sinong bang sila? Lagi nalang yun ang naririnig ko sa mga nag-kikidnap sa akin.
"Kuya, aalis narin ka naman wag mo na isama ang babae" ayan na siyaaaa!
Chapter 8 ends

YOU ARE READING
Will You Be Mine?
Teen FictionIs it possible to fall in-love even aromantic( people have little or no romantic attraction to others. They may or may not feel sexual attraction.) ka? Eunice Grace G. Hidalgo fell in-love sa isang lalaki na kilalang aromantic sa school nila. Pano...