Eunice's POV
Tumayo na ako sa higaan ko dahil nagugutom na ako kanina pa, tamad lang talaga ako tumayo. Dumaan ako sa hallway ng bahay kaso bago ako makababa may narinig akong mga chika sa baba kaya bumaba na lang ako ng stairs enough to see kung sino ang mga tao na nasa living room. Nanlaki ang mata ko ng makita sila kuya with her friends kumbaga mga tropa niya sa basketball team. Sinilip ko kung nandyan ba si bebe Luke ko and he is here! Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at tinignan ang sarili ko sa salamin para naman maganda ako pagbaba but I know I'm already pretty enough to steal the heart's of men exception lang ata si bebe Luke.
"You can do this, wag ka kabahan bahay mo naman toh diba?" I questioned myself while staring at the mirror with my own reflection.
Bumaba na ako at nakita ko si Manang Cecile na binibigyan ang mga boys ng juice. Natigil ang pag-uusap nila nang dumaan ako para pumunta sa kitchen dahil kukuha sana ako ng cookies and cream flavored ice cream dahil kanina pa ako nag cra-crave nun.
"Bat nandito yan, di ko alam na may bahay pala yan" sino pa ba ang magsasabi niyan kapag nakikita niya ako. Si Gio lang naman.
Napatingin ako sa kanya ng masama. "Sino ba ang nagsabi na pansinin mo ko, leche ka! papansin ka masyado" I spat my words directly at him.
"Ohoh bro natalo ka" sabay tawa.
"Kailangan mo ata ng malamig na tubig pre, eto oh juice" sabay bigay sa kanya ng juice at ang loko mabilis na kinuha yun sa kamay ni Mico at ininum rin.
"Dapat di mo na nga lang pinansin pre natalo ka tuloy"
Napa-ngisi ako sa kanya dahil mukhang hindi niya kinaya ang sinabi ko. Papansin kasi masyado, kilala nga yan sa classroom namin na pabibo pero marami parin ang nagkakagusto dahil sa kgwapuhan na taglay, nge kailangan ata nila linisin yung mata nila.
"Baka gusto mo hindi kita iboto sa pagiging manager, if you didn't know each of us will vote for the position sa manager kaya nga nandito kami" he looked at me with keen eyes na parang sinasabi kung may panlaban ako sa kanya kaso wala na. Okay, he won! Hindi pwedeng hindi ako magiging manager. Nakasalalay ang aking buhay ang aking love life, pano na yan pag hindi ako ang napili. It will get harder for me to get closer to my bebe Luke, mandalas ko na nga lang siya makita.
I looked at me while my jaw clenched. He is really testing me. "Okay sige! You won, just make sure you vote for me. Wag mo kakalimutan ang ginawa ko sayo noong valentine's day last February" I'm sure na he will say yes to this deal because of his favor that I did last time for him. I was tied with him for a whole day because of a freakin' favor na kailangan ko gawin for our booth.
"Hmph, okay fine I will vote for you" sabi niya with arms crossed.
"Hey hey! We agreed that we will vote on how they auditioned, walang favor favor dito" ang kuya ko nagsabi, alam mo panira talaga yung sarili kong kapatid.
"Yeah right! I also have a person in mind now so why don't we vote already" si bebe Luke ko yung nagsabi T_T sino yun!? I will kill her before she can be the basketball team's manager.
"Okay let's vote" si Lino---Cayetano, joke! hindi niya talaga apelyido yun.
"Yeah okay, meron na rin ako naisip na pwedeng manager" si Shawn Mendes nagsabi, chos yun lang talaga tawag ko sa kanya.
"Ikaw, Nica umakyat ka na sa kwarto mo nakuha mo na rin naman ang kailangan mo" sabi ni older brother.
Hindi pa rin ako umakyat at binantayan sila. They were given each a black paper dahi dun isusulat ang napili. There were papers with names ng mga sumali kanina lang sa gymnasium. May mga mukha din ng mga babae pati ang number nila para malaman agad sila.
Bago sila sumulat ng pangalan sumigaw na ako. "WAIT! STOP FIRST! May sasabihin lang ako!"
I positioned myself in front of them and put my two arms around my waist. I'm like lecturing them.
"Wag niyo kakalimutan ilagay ang pangalan ko ah, specially you Luke. Hindi ko alam kung sino yung nasa mind mo but pick me please. I will do my best. Okay! That's all. I love you guys! Muah" and I ran fast before they even say something and para hindi ko makita ang reaction nila because I was embarrassed. I leaned at the wall behind the stairs to catch my breath.
"Ano yun? Advocacy speech niya ba yun" sabi ni Gio. Grabi talaga siya!
"Ano ka ba pre, para piliin daw natin siya"
"Hindi ko tuloy alam kung sino pipiliin"
"Luke, piliin mo daw si Eunice" Wally chuckled while saying my name.
"Gusto ka ata ni Nics, pre"
"Wag mo sabihin pipiliin mo si Nica, Mico, ako'y niloloko mo ba" narinig ko tumawa ang mga kasama nila.
"Let's just vote and find out tomorrow morning, I'm already tired" aww pago na bebe Luke ko. Let him sleep please baka pwede ko siya patulugin sa kwarto ko. In my peripheral view nakita ko na nilagay na nila ito sa box kaya naisip ko na umakyat at kanin itong ice cream na siguro tunaw na.
Let's just wait tomorrow and know the result. I'm really nervous tho.
Chapter 16 ends
YOU ARE READING
Will You Be Mine?
Подростковая литератураIs it possible to fall in-love even aromantic( people have little or no romantic attraction to others. They may or may not feel sexual attraction.) ka? Eunice Grace G. Hidalgo fell in-love sa isang lalaki na kilalang aromantic sa school nila. Pano...