Eunice's POV
I looked at her na parang proud pa na ako ang unang tinignan na babae ni Luke kahit sigurado ako marami na siyang nakitang at nakausap na babae, dahil it's impossible kung wala.
"Porket na tinulungan ka inlab ka na agad, You said he didn't even talk to you kahit nag 'thank you kuya" ka sakanya"
"Kaya nga may salitang love at first sight diba. Basta I like him no, actually I love him"
" uulitin ko wag ka na uma--" itutuloy pa niya sana ang sasabihin niya ng tingnan ko siya ng masama, bat hindi nalang niya isupport ang one and only best friend niya.
"I will make sure mapapansin niya ako. Maganda ata ako para hindi niya ako mapansin"
RINGGG!!! RINGG!! RING!
The school bell rang. "Balik na tayo sa classroom" dahil magkaiba ang course namin ni Mika sa second floor siya, ako naman sa third floor. After knowing na sa ABM-1 si Luke pumapasok nagpursigi pa akong tumaas grade ko. I need to be a teacher's pet para lang ilipat ako next semester. I was determined.
"WE CAN DO DIS!' sigaw ko at napansin na nasabi ko ng malakas ang nasa isip ko. Nagtawanan ang mga classmates ko.
"I'm sorry" sabay tawa ko ren.
Hindi ako masyadong naglisten sa sinasabi ng teacher. I was planning how I will reach him again to say thank you. I lowkey smiled nang may naisip ako kahit creepy siya. Kinuha ko ang ballpen at isang bondpaper dahil gagawa ako ng thank you card at iiwan sa locker niya since may butas naman ang mga lockers ng school. Nang matapos ang klase ni sir we have 15 minutes para magpahinga kaya nang matapos ako ng pagsusulat dumiretso ako sa lockers ng boys at hinanap ang apelyido na Acosta. Mabilis ko ring nakita dahil sunod-sunod naman ito. Pinasok ko na sa butas ng lockers at madaling iniwan un at kaagad tumakbo palabas ng boys locker room. Hindi ako mapakali at tingin ng tingin dahil baka may nakakita sakin.
"Sa awa ng Diyos sana someone didn't notice me"
I was sweating nang makarating ako ng classroom uli. I saw my teacher na nandun na rin at nakatingin sakin dahil siguro pawisan ako.
"Are you okay, Miss Hidalgo?" tumango naman ako and showed him an OK sign, mabilis akong bumalik sa seat ko at kinuha ang inumin ng tubig.
"Nakakita ba si Eunice ng multo?"
"Bat ganyan mukha mo sis?"
"Okay lang ba siya, pre?"
I just smiled at them. Ilang minuto na ang lumipas at napag isipan ko na mag-retreat, kabado 1,2,3 ako kaya nang matapos ang klase diretso akong pumunta sa teacher's table at kinalabog ang table.
"Hai friends, maaari nyo ba akong tulungan sa aking special mission. Who knows how to pick a lock yung lock sa lockers ng boys?" nagtataka sila kung bakit I have a question like that pero I don't even have time para sagutin ang tanong nila.
"Ako! Marunong ako" Nakita kong nagtaas ng kamay si Jayme. I motioned her to come with me. "Totoo yang pinagsasabi mo ah Jayme, aasa ako sayo".
Nakarating kami sa locker room at tinignan kung may tao ba, mukhang wala naman kaya inistart na namin ang aming special mission.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo, actually natin dahil kasali ako dito, tama ba to?"
"Ituloy mo lang ako na bahala dito, you just need it to open" I was looking out para walang makakita samin.
"Matagal pa ba yan. Kabado na si me"
"Patapos na"
The door in the boys locker room opened at napatingin sa pinto ng may gulat sa mukha because I was not actually expecting na biglang may papasok dito at kung minamalas ka siya pa ang nagpakita kasama ang dalawa niyang kaibigan. Si Gio at si Ethan. Lumapit ang dalawang kaibigan niya sa amin and kinilatis ang mukha namin. Nabitawan ni Jayme ang bobby pin na kaagad niya namang pinulot para itago. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa kanya, buti hindi pa namin nabubuksan ang locker niya. Kailangan ko nalang idaan sa paraan toh.
"May sasabihin ka siguro kay Luke, Eunice?" sabi niya kasabay ng nakakainis na ngiti. Tumawa ako at ang palusot ko...
"M-meron nga!" Ito na lang ang naisip ko para makatakas sa sitwasyon na toh.
"Pinapatawag kayo ni Mrs. Guzman"
"Anong pinag-sa" Kinurot ko sa tagiliran para tumigil siya sa pananalita at tinignan na parang sinasabi ko na sumabay na lang siya.
Tumingin ang tatlo sa akin na may halong pagtataka.
"Sundan nyo daw ako"
Chapter 2 ends
YOU ARE READING
Will You Be Mine?
Ficção AdolescenteIs it possible to fall in-love even aromantic( people have little or no romantic attraction to others. They may or may not feel sexual attraction.) ka? Eunice Grace G. Hidalgo fell in-love sa isang lalaki na kilalang aromantic sa school nila. Pano...