Bernadette's SIDE
These past few days, hindi na 'ko masyadong nakakasama kina Bea kasi si Jeric lagi ang kasama ko. At dahil diyan, crush ko na siya ng bahagya. Oo! Bahagya lang, kasi alam ko naman na hindi niys magugustuhan ang isang katulad ko -naks! whatta line. Lol. Kidding aside. Niyakag niya 'kong mag-mall ngayon dun na daw ulit kami mag-lunch at dahil libre niya, go na 'ko.
"Hi! Kanina ka pa?" Speaking of Jeric.
"Hindi naman. Kakadating ko lang din dito sa parking lot."
"Sorry, nauna ka nanaman. Let's go?"
"Ok! Balik tayo dito sa school bago mag-one o' clock ha. May klase kasi ako e."
"Sure! Maaga pa naman e."
-----------------------------
"Berna, can i ask you something?" Biglang tanong sakin ni Jeric habang kumakain kami.
"Sure. Ano ba yun."
"Uh, kung bibigyan kita ng regalo, anong gusto mo?" Kamuntik na 'kong masamid ng tinanong niya 'ko ng ganyan. "Ano? Anong gusto mo?"
"H-huh? A-ano, di mo na naman kelangang bigyan ako ng regalo e. Madami ka na kasing binibigay sakin." Nahihiya kong sagot. "Like this dress. And this bracelet,"
"W-wait -----"
"Saka itong flats na suot ko, bigay mo din sa'kin,"
"B-berna ----"
"H'wag ka ng mag-abala na bigyan pa ulit ako ng regalo saka matagal pa ang pasko at birthday ko. Salamat na lang. Saka lagi mo din kong nililibre ng lunch. Nahihiya na din ako sayo e." humble kong sagot sa kanya.
"Ow! Wait, Berna! Sorry. I mean, there's this certain girl na gusto ko and gusto ko siyang bigyan ng gift. Sorry kung na-misunderstood mo. Gusto ko sanang hingiin ang opinion mo."
"H-ha! Nukaba, niloloko lang kita. Ha-ha-ha. Ano, d-diba kapag nagre-regalo ang isang lalaki sa babae, necklace ang binibigay niya? Ayun na lang kaya?" Shet! Nakakahiya. Masyado ba 'kong nag-assume na ako yung bibigyan niya ng gift? Nasanay na kasi ako na binibigyan niya ng kung anu-ano e.
"Oo nga no? Bigyan ko kaya siya ng necklace? Tapos ka na bang kumain? Samahan mo naman akong pumili ng necklace para sa kanya." Aya niya sakin.
"S-sige. Tara na."
----------------------------
Kinabukasan, sabay-sabay kaming nag-lunch nina Bea. Andito na lahat bukod sa tatlo -Bea, Kris at Jeric. Sabagay, di naman sumasabay minsan si Jeric kapag kasabay ko sila. Parang may gap between sa kanila ni Bea e. Buti pa si Bea may lovelife na. Buti na lang at naging sila na ni Kris, ang alam ko kasi matagal ng gusto ni Bea si Kris. Speaking of them, dumating na sila. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko is yung kwintas na suot ni Bea. Familiar kasi sa'kin. Hindi! Hindi lang pala familiar kasi kilala ko talaga yung kwintas, ayun yung binili ni Jeric kahapon. So, it means one thing, si Bea yung babaeng gusto ni Jeric? Bakit sa dinami-rami ng babae dito sa campus, yung kaibigan ko pa?
"U-uhh, Guys! Library lang ako. May gagawin pa pala ako." Paalam ko sa kanila kahit wala naman talaga akong gagawin.
"Lunch break pa naman Berna. Mag-chill ka muna." Pammy.
"Hindi pwede e. May class ako ng 1 at kailangan ko yun dun sa subject kong 'yon." Alibi ko. Please, pumayag na kayo.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Bea.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stalker
Teen FictionPaano kung may isang babaeng habol ng habol sayo? Ang ginagawa mo sa kanya ay tinataboy mo na nga, andiyan pa din. Sinisigaw-sigawan at ini-snob mo na, natutuwa pa. Tago ka ng tago sa kanya samantalang siya, hanap ng hanap sayo. At ang matinde pa n...