Chapter 17

4 1 2
                                    

BEA

One week na. One week na ang nakakalipas. Hindi pa din nagpapansinan sina Lebs at Pam. Maloloka na 'ko sa kanilang dalawa. Tapos si Kris pa. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa ni Raine. Lagi na lang silang magkasama. Hindi ko naman matanong yung jowa ko kung anong meron, baka kasi sabihin pakialamera ako. Tapos i-break pa 'ko. Pero kasi nababagabag na ako dito. Feeling ko nagtataksil siya. Lol. Ang deep ko diyan. Pero seryoso, nagseselos ako kay Raine. H'wag ko lang talaga malalaman na nilalandi niya si Kris, iuumpog ko siya sa kotse niya. Iiwan-iwan niya tapos ngayong may bago lalapit-lapitan niya. Akin na si Kris!

Dahil hindi pa naman start ng klase at medyo may kaaagahan pa, pumunta muna ako sa gym para tignan kung and'on nga si Kris. At hindi naman ako nagkamali dahil may training sila. Malapit na din kasing mag-start ang season. Agad naman niya 'kong nakita nung pumasok ako sa gym. Pero dahil on-going ang training, hindi siya pwedeng tumigil para lumapit sa'kin. Kumaway na lang ako sa kanya at kay Patrick nung tumango sila sa'kin. Pinanood ko na lang siya mula dito sa bench. Hay, ang gwapo niya talaga. Lalo akong nai-in love sa kanya.

Habang nanonood ako, feeling ko may nakatingin sa'kin. Tumingin ako sa paligid para malaman kung meron nga. At hindi nga ako nagkamali! Nakita ko si Raine na nakatingin sa'kin. Nung nakita niya 'kong nakatingin sa kanya, tumayo siya para lumapit sa'kin.

"Hi. Bea, right? Kung 'di ako nagkakamali, nakasabay ko na kayong mag-lunch dati." Raine.

"Uhh. Yes. Hello." Nangingimi kong sagot.

"Ikaw yung girlfriend ni Kris ngayon?"

"Yes. Ako nga."

"Nice to see you here. Nanonood ka ba ng practice nila?" Shunga! Malamang! Kaya nga ako nandito e. "Lumapit ako kasi sayo  nakita kitang nag-iisa. Hope you don't mind."

"No problem." Dead air. Dead-on-the-spot 'to sa'kin mamaya.

"Ang galing ni Kris 'no?" Napatingin ako kay Raine nung bigla siyang nagtanong.

"Sobra." Shit. Naiilang ako sa kanya. Naalala ko yung sa likod nung building ng Educ.

"Alam mo ba, passion niya talaga yan. Pati ang pagkanta. Dati kapag lalabas kami, hindi pwedeng hindi kami dadaan sa arcade para lang mag-basketball. Tapos after n'on magja-jam naman kami. Nakakamiss ang past."

"Sobrang dami niyo sigurong masasayang memories ano?" Tae! Ano ba yang tanong mo Bea!!! Baka ikaw ang dead-on-the-spot mamaya.

"Yes. And sobrang saya din namin dati. Sweet sa'kin yan. Everytime na maga-away kami, he made sure na hindi lilipas ang araw na hindi kami magbabati. Sayang lang talaga kami, kasi something happened, kaya kailangan ko siyang pakawalan."

"Ang lungkot at sweet naman. Pero sana ategirl, makaramdam ka. Girlfriend ako tapos ex ka, tapos nagre-reminisce ka sa tabi ko." Biglang nasabi ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya nang marealized niya. "OMG! I'm so sorry. I'm so insensitive. Nawala sa isip ko. Sorry talaga."

"It's okay. Sana sa susunod 'di mo na gawin. Hindi kasi nakakatuwa." Kasi baka masabunutan na kita e. Gusto ko sanang i-dugtong. Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. "Ito bente, oh."

"Anong gagawin ko dito?" Clueless na tanong ni Ulan.

"Hanap ka ng kausap mo,"

"You're funny alam mo. Nakakatuwa ang joke mo."

"Actually, no. Seryoso ako. Hanap ka ng kausap mo na pagki-kwentuhan mo ng memories niyo ni Kris." Napasimangot si Ulan. "Kunin mo na 'tong bente."

His Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon