Bea's POV
"Hoy Bea! Ano nanamang drama yan, aber? Maglalaslas ka na lang, index card pa 'yang gamit mo! Nahiya naman ang blade sayo." Bulyaw kaagad sakin ng kontrabida kong bff na si Pamela. ('Wag niyo sasabihin sa kanya na tinawag ko siya sa real name niya. Masasabunutan ako niyan e.)
"Pammy! May nasagap akong rumor! TT^TT"
"Anong rumor naman 'yun?"
"May nililigawan daw si Kris Labs ko! I can't take it, Pammy. I'd rather die kesa naman sa magkaroon siya ng girlfriend tapos hindi naman ako."
"So, that's it? Ang babaw mo Bea."
"I'm not being mababaw! Ang sakit kaya. Damayan mo naman ako."
"At bakit naman kita dadamayan diyan sa kabaliwan mo?"
"Grabe ka naman Pammy! Kaibigan ba talaga kita?"
"Kasi naman Bea, hindi ka naman niya pinapansin e. Ni hindi nga natin alam kung nag-e-exist ka para sa kanya."
"Wow! Salamat sa sinabi mo! Grabe! Tumaas ang self-confidence ko."
"Seriousy Bea, tigillan mo na ang pag-i-stalk kay Kristoffer. Can't you see, sikat siya dito sa school. Samantalang ikaw, low-profile."
"Ah basta, sisiguraduhin 'kong mapapasakin siya! Mwahahahaha!"
"Tss. Here we go again. -_-"
"Hey girls! Sorry i'm late. Ang kulit kasi ni Johnny e." Si Lebby, isa ko pang BFF.
"Johnny?" Clueless kong tanong sa kanya.
"Oo nga Lhebs! Sino si Johnny?" Pammy
"Isa sa mga lalaking naghahabol sakin. Nakakairita nga e, sinabi ko ng wala akong gusto sa kanya, sunod pa rin ng sunod." Lebby
"Ayaw mo sa kanya diba? Ibigay mo diyan kay Bea para tumigil yan kakaungot!" Pammy
"Kung di lang din naman si Kris, salamat na lang." Nakapout kong sagot kay Pammy.
"E, ano bang ini-emote mo diyan Beverly Ann?" Lebby
"E kasi, usap-usapan na may nililigawan daw si Kristoffer e. Saka pwede ba! 'Wag mo 'kong tawagin sa pangalan na yan. Ang bantot e."
"Kristoffer? As in, Kristoffer Carlisle Sy? Yung lalaking maputi na mahaba ang baba? Crush mo yun?" Lebby
"Correction! LOVE ko siya, L-O-V-E! Saka, e ano kung mahaba ang baba niya? Kissable lips naman siya."
"E kung binabatukan kaya kita ng magising ka sa katotohanang HINDI KA NUN PAPANSININ?" Pammy
"Lhebs! Pagsabihan mo nga 'yang si Pamela na tumigil! kanina pa 'ko hinahard niyan e."
"Hoy! Sabi ng 'wag mo akong tatawagin sa totoong pangalan ko e." Pammy
"Edi tigilan mo din si Kris Labs ko."
"Tumigil na nga kayong dalawa diyan!" Lebby
"Si Pammy kasi masyadong kontrabida sa'king lablayp e."
"Anong ako? Sinasabi ko lang naman sayo yung totoo!" Pammy
"Kapag kayong dalawa hindi tumigil, sasabunutan ko kayo! ANO!" Lebby
"Alam mo Pammy, napakabait mo!" Ako 'yan.
"Alam mo Bea, bagay na bagay kayo ni Kris. ^____^" Pammy
"Ok na kami Lebby! HAHAHA!"
"Ewan ko sa inyo. Ang sakit niyo sa Bangs. -_-" Lebby
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Maiksi? I know! Chapter 1 pa lang naman e. By the way, si Bea Constantino pala yung nasa side. :)
BINABASA MO ANG
His Crazy Stalker
किशोर उपन्यासPaano kung may isang babaeng habol ng habol sayo? Ang ginagawa mo sa kanya ay tinataboy mo na nga, andiyan pa din. Sinisigaw-sigawan at ini-snob mo na, natutuwa pa. Tago ka ng tago sa kanya samantalang siya, hanap ng hanap sayo. At ang matinde pa n...