Chapter 15

33 3 1
                                    

Lebby's SIDE


Andito ako ngayon sa coffee shop malapit sa village namin kasi magkikita kami ni Sander. Iniisip ko pa lang na magdi-date kaming dalawa, kinikilig na 'ko. Haha. Landi much. Speaking of Sander, nakita ko na siya sa may entrance ng shop. Agad siyang lumapit sakin ng makita niya ko.


"Hi! Kanina ka pa?" bungad niya sa'kin.

"hindi naman."

"How's your day?"

"Ok naman. Kaso di ko maiwasang mainis sa mga babaeng pakakak sa school kapag pinag uusapan ka nila. Kesyo, ang gwapo mo at ang hot mo daw. Sarap nilang sabunutan sa ilong e." Himutok ko sa kanya.

"Wala tayong magagawa, honest lang sila saka alam mo namang ikaw lang diba?" shucks! Kilig overload! Haha.

"Oo na. Sige na. Binobola mo nanaman ako e."

"bakit, basketball ka ba para bolahin kita? Hindi naman diba. Mahal kaya kita."

"Ano ba Sander! Pinapakilig mo naman ako e."

"Okay lang yun. Mas maganda yun."

"Tuwa ka naman?"

"Oo naman. Kasi napapakilig kita."


Habang nag uusap kami ni Sander may napansin akong tao sa may gilid na may hawak na FHM at parang nakikinig sa usapan namin. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na nakikinig talaga siya. Hindi ko na kang pinansin kasi ang mahalaga sakin kasama ko si Sander.


"Nasabi mo na ba kay Bea ang tungkol sa ating dalawa?" Tanong niya sakin.

"Hindi pa. Sume-segwey pa ko e."

"There's a right time for that."

"Pero nakukunsensiya na ko e."

"Hanap ka na lang ng magandang tiyempo."

"Sige. Pero sana, maintindihan niya tayong dalawa."

"Malawak naman siguro ang isip ni Bea."

"Oo. Pero sana matanggap niya tayo."

"Im sure, matatanggap niya tayo. Magtiwala ka lang sa kanya." Sander.


Naghiwalay kami ni Sander ng mga 8PM ng gabi. Kinabukasan, nagulat ako ng pagpasok ko sa campus sinugod ako ni Bea na galit na galit.


"Anong kalokohan to Lebbyne?!" Bea.

"alin?" Ako.

"ano to?" kulang na lang isampal sakin ni Bea ang mga picture na hawak niya. Nagulat ako sa nakita ko. Picture na hinalikan ko sa pisngi si Sander at siya sa pisngi ko. Saka isang picture na magka-hold hands kami at isang picture na magkayakap kami. "Ano 'to Lebby?!"

"S-sinong nagbigay sayo nito Bea?"

"Nagkalat yan sa buong campus! Hindi ka na nahiya, teacher pa ang pinatulan mo."

"Please, hear me out Bea," Umiiyak kong sabi sa kanya. "Please."


Nag-init ang ulo ko ng may narinig akong tumawag kay Bea. At sigurado ako na siya ang nagkalat ng mga pictures na sinasabi ni Bea


"Bea! I told you not to —-" Hindi na naituloy ni Pammy ang sasabihin niya kasi sinampal ko. "W-what —" Isa pa ulit na sampal ang binigay ko sa kanya.

His Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon