Bea’s POV
Yung feeling na hawak niya ang wrist ko. OMG! Can I die now? Can I? Joke lang. Pero seryoso, naguguluhan talaga ako kung bakit hinila ako ni Kris kanina. Hindi kaya concern siya kasi inaaway ako nung palaka. Sana nga ganun. Nakakakilig grabe!
“We’re here.” Putol ni Kris sa pagmumuni-muni ko.
“Huh? Saan?” Ako
“Your friends are over there. Kanina ka pa nila hinihintay.”
“Pano mo nalaman?”
“Tss.” Layasan ba naman ako.
Tiningnan ko kung saan siya papunta. At sana pala hindi ko na lang siya sinundan ng tingin kasi kay Merlat siya dumiretso.
“Ayos din ang isang yun, ano? Bigla ka na lang hinila tapos hindi pa ako hinintay. Iwanan ba naman ako sa cafeteria. Kasama kaya kita. Tss.” Ungot ni Jeric sakin.
“Hayaan mo na siya. Tara na dun, kanina pa daw tayo inaantay ng mga kaibigan ko. Ipapakilala kita sa kanila.” Aya ko sa kanya.
“Baka naman hindi ako magustuhan ng mga friends mo. Huwag na lang kaya?”
“Seriously Jeric, are you gay? Para kang manliligaw na ipapakilala sa magulang ha! Di ‘yan, mabait ang mga ‘yan. Nangangagat lang.” Sabay tawa ko.
“Ewan ko sayo Bea. Nasisiraan ka nanaman ng ulo.”
“Ah ganun? Tse! Diyan ka na nga. Bahala ka. Wala kang kasabay sa lunch.”
“De joke lang. Eto naman, ang bait bait mo nga e.”
“Lul! Ewan ko sayo. Tara na!”
Dinala ko si Jeric kung saan naka-pwesto sina Pammy. And to my surprise, kasama nila si Kris. Ano? Part na din ba sila ng barkada? HIHIHIHI! It only means one thing…… MAKAKASAMA KO SIYA NG WALANG KAHIRAP-HIRAP! Caps lock para intense. LOL XD
“Antagal mo naman Bea. Kanina ka pa naming inaantay, gutom na kami.” Pammy.
“Pasensiya naman. May dinaanan pa kami ni Jeric.” Ako.
“Tss.” Mahinang comment ni Kris pero sapat na para marinig ko.
“OH! By the way guys, this Jeric Lim. New friend ko.” Isa-isa kong pinakilala si Jeric sa kanila. “And this is… this is…. This is…. Uhhh… This is Kris and……” Shet! Anong pangalan nitong si Merlat? Patay tayo diyan. TT^TT
“My name is Raine.” Nagpakilala na ng kusa si Merlat. Very good. HAHAHA.
“Pwede na ba tayong kumain? Nagugutom na talaga ako.” Singit ni Pammy.
“Kanina ka pa kain ng kain. Hindi ka pa din nabubusog? Baka tumaba ka niyan.” Sagot ni Patrick kay Pammy.
“Bakit, ibe-break mob a ‘ko kapag tumaba ako?” Pammy
“Hindi.” Patrick
“Good. Kain na kasi tayo.”
Napangiti na lang ako dun sa usapan ni Pammy at Patrick. Pagtingin ko kay Kris, nakatingin siya sakin. Kaya nag-iwas ako ng tingin.
“Hey Krissy ~ Una na ‘ko! May lakad kasi ako ngayon e.” Si Merlat este Raine pala.
“Sasamahan na kita.” No Kris! Dito ka lang. Wag mo kong iwan. Lol. Feeling girlfriend lang ako.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stalker
Teen FictionPaano kung may isang babaeng habol ng habol sayo? Ang ginagawa mo sa kanya ay tinataboy mo na nga, andiyan pa din. Sinisigaw-sigawan at ini-snob mo na, natutuwa pa. Tago ka ng tago sa kanya samantalang siya, hanap ng hanap sayo. At ang matinde pa n...