Chapter 2

138 5 11
                                    

"Uy! May practice game daw ngayon ang basketball!" anonymous 1 

"Talaga? Panoorin natin si Kris ha. Yiiiee!" anonymous 2 

Napatigil ako sa pagkain ko ng marinig ko ang usapan ng dalawang maharot na estudyante. 

"OMG! He's so cool talaga kapag nagba-basketball!" Anonymous 1 

"Sinabi mo pa Girl! Kapag inaya niya 'kong magpakasal, hinding-hindi ko siya tatanggihan!" Anonymous 2 

Nag-init ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi niya. 

"Hoy! Anong aayain ka niyang magpakasal?" Nakapamaywang kong sabi kay A1 (Anonymous 1) 

"Bakit? Anong masama? Saka ano ka ba niya?" A1 

"Ano niya 'ko? Well, I'm his future girlfriend lang naman!" Proud kong sabi. 

"Dream on, Girl! Like duh, ikaw papatulan niya? E mukha ka ngang high school. Tss!" A1 

"Bakit sa tingin mo, papatulan ka niya? E mukha ka ngang clown sa sobrang kapal ng make-up mo! Like duh!" Panggagaya ko sa line niya. 

"OMG! What did you say?" A1 

"Uulitin ko pa ba? Nah, tinatamad na 'ko e." 

"You said, mukha akong clown?" A1 

"Narinig mo naman pala e, bakit pinapaulit mo pa sakin? What do you think of me, tape recorder?" 

"How dare you?" A1 

"Who are you ba? Nag-uusap kami dito tapos bigla-bigla ka na lang sususlpot! Are you some kind of a ghost?" A2 

"Woah! Hi! Andyan ka pala? Sorry, hindi kita napansin. Well, I'm Bea Constantino. Future girlfriend ni Kris." Pakilala ko. 

"Tss. Future girlfriend? Parang hindi ka nga papasa sa taste niya?" A2 

"Bakit, ano bang taste niya? Sweet? Sour? Bitter? Kasi imposible namang kayo!" 

"HAHAHAHAHAHA!" Tawanan ng mga nakakarinig samin. 

"Ugh! I hate you ----" A1 

"Well, the feeling's mutual." Ako 

"Let's go na Girl. Nonsense!" A2 

"Wow! Nahiya naman ang make-up niyo sa inyo." Pang-aasar ko pa sa kanila. 

"Shut up!" A1. Bigla silang nag-walkout. 

"Enebeyen. Hindi naman pala papalag." Tumingin ako sa relo ko, "Ang tagal naman ng dalawang yun. Ang usapan, sabay-sabay kaming magla-lunch e. Tapos hanggang ngayon wala pa. Nakakainis!" 

*after 5 mins.* 

"Hi Bea! Kanina ka pa?" Pammy 

"No, kahapon pa." 

"OMG! Sorry! Ang tagal mo palang naghintay. Saan ka natulog dito kagabi, sa counter?" Sarcastic na sagot ni Pammy. 

"Very funny, Pammy! Should I laugh now?" 

"Oh sure! Baka malugi ako e. HAHAHA! Ayan itinawa na kita." 

"Ewan ko sayo! Oh! By the way, samahan mo 'ko mamaya ha." 

"Saan?" 

"Sa gym. May practice ang basketball team ng school natin." 

"Sure! Anong oras?" 

"Hihihi! Hindi ko alam e." 

"Ang galing mo talaga Bea!" 

"Ako pa! HAHAHA! Pero, seriously! Manonood tayo ha?" 

"Oo nga! Isama natin si Lebby." 

"Sige! Yay, mapapanood ko na ulit si KrisLabs ko na maglaro ng basketball!" 

"Hindi ka ba nagsasawa sa pagsunod sa kanya Bea? High school pa lang yata tayo sinusundan mo na siya e." 

"Hindi. At hinding-hindi ako magsasawa sa kanya." 

"Ano ba kasing nagustuhan mo dun? Sige, given na yung gwapo, matangkad at maputi siya. Ano pa bang meron sa kanya?" 

"Ewan? Di ko din alam e. Basta I like him." Sabay inom ko ng juice ko. 

"Himala! Hindi yata kayo nag-aaway! Magugunaw na ba ang Earth?" nagtatakang tanong ng kararating lang na si Lebby. 

"Masama na bang magkasundo kami ni Pammy?" Tanong kay Lebby. 

"Well, hindi kasi ako sanay na hindi kayo nagbabangayan e. HAHAHA! Anong masamang nakain niyo?" Lebby 

"Yung juice!" Simpleng sagot ni Pammy 

"Wow! Salamat naman sa effort mong sagot Pammy." Sarcastic na sagot ni Lebby 

"Welcome!" Pammy 

"Nakakainis ka! Kapag hindi si Bea ang inaaway mo, ako naman. Kaibigan ba talaga kita?" >3< Lebby 

"Uhmmm! Wait, lemme think!" Pammy 

"Lah! All this na magkakasama tayo, ganyan ka!" Natatawang sabi ko kay Pammy 

"HAHAHA! Siyempre joke lang no." Pammy 

"Meanie ~" Ako yan. "Oops! Bago ko makalimutan, nood tayo ng practice ng basketball team mamaya Lebby. Sama ka samin ni Pammy."  

"Sure! May sisilayan din ako e." Lebby 

"Sino naman? Baka si KrisLabs ko 'yan ha." Ako 

"Di ah! Matusok pa 'ko ng baba nun!" Lebby 

"HAHAHA! Dami 'kong tawa sayo Lhebs! Apir!" Pammy na nakipag-high five pa kay Lebby. 

"Ewan ko sa inyong dalawa. Anong oras ba ang tapos ng klase niyo?" 

"4:30" Lebby 

"4:30" Pammy 

"Great! 4:00 ako. Ako nanaman ang mag-aantay. Diretso agad dun sa favorite spot natin ha. Wala ng dadaan kung saan-saan." Bilin ko sa kanila.  

"Ok fine! I'm done with my lunch, una na 'ko may klase ako ng saktong 1 e. Goodbye girls!" Nakipagbeso muna si Pammy samin bago umalis. 

"Una na din ako. Meron akong assignment na hindi ko pa nagagawa. Pupunta pa kong library." Lebby 

"Ok! Manonood tayo mamaya ha?"  

"Oo! Don't worry. Bye!" 

This is it! Antayin mo 'ko sa gym mamaya Kris. HAHAHAHAHA! 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pammy's Note: 

Si Pammy nga pala yung nasa side.

Dahil bitin ang chapter 1, hinabaan ko ng kaunti ang chapter 2. Antayin niyo yung mga boys at yung mga antagonists. Ciao ~ <3

His Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon