Bernadette's SIDE
Mag-isa ako ngayong araw mag-lunch wala kasi yung tatlo. Si Pam kasama si Patrick. Si Bea, kasama siguro si Kris. Si Lebby hindi ko alam. Pero parang these past few days napapansin ko na may kakaiba kay Pam at Lebby. Parang may gap between the two of them. Hay, gusto ko sanang itanong kaso baka mamaya magalit sila. Hindi ko pa naman sila ganung katagal nakakasama e. Lalo na si Pammy, baka mamaya awayin ako nun. Sino kaya ang pwede kong kasama? Nakaka-bored mag-isa e. Sa lugar namin lahat kasundo ko, kahit tambay tropa ko dun. Ang hirap pala talaga dito sa Manila.
"Hey! Berna. Bakit mag-isa ka?" Tanong ni Cyril sakin.
"Wala naman akong kaibigan dito e." Ako.
"Diba, we're friends?"
"H-ha?! Seryoso ka?"
"Oo naman. Tara sama ka saming magkakaibigan." Aya niya sakin. Dahil wala naman akong kaibigan dito, sumama na ko sa kanya.
---------------------------------------
"What are you doing here? Are you gonna make us hula ba?" Tanong agad sakin ng isa sa mga kaibigan ni Cyril.
"Amber! Wag ka ngang ganyan. Andito siya kasi kaibigan ko siya. And because of that, kaibigan niyo na din siya." Si Cyril.
"No way! I'm not ---- " Pinutol na ni Cyril ang sasabihin ni Amber.
"Yes way! From now on, friend na natin siya." nanlalaking ang matang sabi ni Cyril. Tumingin ako kay Amber. "Be nice to her, girls." Napatingin ako kay Cyril at parang napansin ko na may sinenyas siya kina Amber. Pero hindi ko na pinansin yun kasi baka guni-guni ko lang yun.
"Welcome to our group." Parang pilit na sabi ni Amber sakin.
"T-thanks." Ako.
"By the way, this is Amber, Chacha, Mimi, Lala and Sasa."
"Hello sa inyo." Ngiti lang ginawa nila.
Ok naman ang naging buhay ko kasama sila. Pero parang may mali talaga. Parang napipilitan lang sila sakin. Hindi ko na lang ulit pinansin kasi baka feeling ko lang yun.
----------------------------------
Lebby's SIDE
"Are you okay? Kanina ka pa tahimik." Puna ni Sander sakin.
"Ok lang ako."
"E bakit tahimik ka?"
"May iniisip lang."
"Yung kaibigan mo ba?"
"H-hindi." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Sorry ha."
"Bakit ka nagso-sorry?"
"Kasi ng dahil sa'kin, nag-away kayo nung bestfriend mo."
"Ano ka ba? Ok lang. Magkaka-ayos din naman kami nun. Hindi naman namin matitiis ang isa't-isa e."
"Pero still, kung hindi dahil sakin hindi kayo mag-aaway."
"Tumigil ka nga. Nag-away kami kasi hindi niya tayo maintindihan."
"One week na kayong hindi nagpapansinan. Alam ko yun. Nakikita ko kayo. Kahit magkasama kayo, hindi ka niya pinansin at tinitignan."
"Ok lang. Ang mahalaga e yung tayong dalawa."
"Yeah. As long as you love me, hindi ako aalis sa tabi mo."
"Paano kapag hindi na kita love? Iiwan mo na ko?" Tanong ko kay Sander.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stalker
Teen FictionPaano kung may isang babaeng habol ng habol sayo? Ang ginagawa mo sa kanya ay tinataboy mo na nga, andiyan pa din. Sinisigaw-sigawan at ini-snob mo na, natutuwa pa. Tago ka ng tago sa kanya samantalang siya, hanap ng hanap sayo. At ang matinde pa n...