Bea's SIDE
Yes! Umaga na! May pasok na ulit, makikita ko na ulit ang boyfriend ko. Oo na, kaya lang ako excited e dahil kay Kris. Excited akong makita siya. Kasi naman biruin mo yung dati mo lang na crush e, boyfriend mo na -well, oo na kahit pinilit ko lang siyang maging boyfriend. Pero kahit na, buti pumayag siya.
-------------------
Kasalukuyan na kong nasa school at nag-aabang sa kanya sa may bench malapit sa gate -kahit na 10 minutes na lang late na 'ko sa first class ko. Ang tagal niya namang dumating. Ang alam ko may klase siya ng 9:30 e. Nasan na kaya yun? Ayoko namang pumunta sa building nila kasi mali-late ako kapag pumunta pa ko dun. Nandito na kaya siya? Miss ko na agad siya. T.T
Nang dahil sa kakaintay ko kay Kris, na-late tuloy ako sa class ko. Terror pa naman yung prof namin, kaya ang resulta, napagalitan ako. At dahil 15 minutes akong late, 15 minutes din akong nakatayo. Grabe diba? Isinusumpa ko siya, mapapanot siya for the rest of his life.
------------------
Lunch time..
Dahil alam ko ang sched ni boyfriend, inantay ko siya sa labas ng room nila.
"Kris!" Tawag ko sa kanya paglabas niya ng room. Mukha pang nagulat si Boyfriend.
"What are you doing here?" Takang tanong niya.
"Ano pa ba? Edi hinihintay ka! Sabay tayong mag-lunch. Tara na." Sabi ko sa kanya.
"Kris! Bro, girlfriend mo? Nice catch, maganda. Hi Miss." Singit ng isang epal. Pero dahil pinuri niya ko, hindi na siya epal.
"Hi din." Sagot ko naman.
"Tss. Let's go." Hinila naman ako ni Kris.
"Sa may field tayo. Sabay-sabay tayo nina Lebby at Pammy mag-lunch." Ako.
"Tss."
"Ok lang ba? Kasi pwede naman tayong bumukod kung ayaw mo." Ako.
"They're your friends, dapat sabay kayong nagla-lunch." Sagot niya sakin.
"Ok. Tara, bilisan natin. Gutom na 'ko e."
Hinila ko na si Kris papunta sa may field. Buti naman at pumayag siyang sumabay kami kina Lebby na mag-lunch kahit alam kong maiilang siya. Nandun naman si Patrick e kaya alam kong may makakausap siya, saka pala ako. Siyempre hindi naman ako papayag na ma-a-outcast siya sa grupo e. Halatang gulat sina Pammy ng makita kaming sabay na dumating ni Kris sa may tambayan.
"Ano Bea, buntot pa din ni Kris? Hi, Kris." Pammy.
"Hi Pam." Kris.
"Grabe ka Pammy! Hindi no. Saka ano, boyfriend ko na kaya si Kris." Pagkasabi ko niyan, nasamid silang lahat. Si Lebby na painom pa lang ng shake niya e, nabitawan ang plastic cup niya. Si Patrick na nanlalaki ang mata na napatingin kay Kris. Si Pammy lang yata ang hindi nawala sa sarili kasi, napatawa siya ng malakas.
"HAHAHAHA! Si Bea nagjo-joke. Last mo na 'yan ha. HAHHAHA!" Pammy.
"Totoo nga. Kahit itanong mo pa kay Kris." Ako.
"Totoo Bro?" Patrick. Hindi sumagot si Kris. Kaya lalong napatawa si Pammy.
"Bea, epic talaga yung joke mo. HAHAHA!" Pammy.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stalker
Teen FictionPaano kung may isang babaeng habol ng habol sayo? Ang ginagawa mo sa kanya ay tinataboy mo na nga, andiyan pa din. Sinisigaw-sigawan at ini-snob mo na, natutuwa pa. Tago ka ng tago sa kanya samantalang siya, hanap ng hanap sayo. At ang matinde pa n...