Chapter 18

2 1 0
                                    

Hi, puro Bea's point of view na lang tayo. Nahihirapan ako ng marami e. Hehez. Nakakatamad. Yun lang.

-----------

"Itigil na natin 'to, Bea. Look, ayoko na pinapahirapan mo ang sarili mo sumunod na lang ng sumunod sa'kin." Bungad sa'kin ni Kris nung nagkita kami ng lunch.

"Ha? Anong problema mo?" Sagot ko sa kanya. Grabe. Shookt ako.

"Please. Itigil na natin."

"Bakit nga?"

"Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?"

"Hindi naman. Okay lang naman sa'kin na maging rebound mo. Diba nga ako pa ang may gusto nito?"

"Please, Bea."

"No."

"Please. I want you to stop this nonsense."

"Wow. Nonsense? Nonsense talaga, Kris? Wow talaga! Bakit gusto mo 'tong itigil? Kasi nandiyan na ulit yung ex mo?"

"Stop --"

"Stop? Well, you know what? Itong nonsense na sinasabi mo, ito lang namang yung kinakapitan ko para mapansin mo 'ko."

"Sorry."

"Pero sige? Lets stop this? Okay. Go, balik ka na sa ex mo. Kapag ikaw iniwan ulit n'on, tandaan mo wala ka ng babalikan pa."

"Sorry. I'll go ahead."

Pagkaalis na pagkaalis ni Kris, sinundan ko kaagad siya kung saan siya pupunta. Hindi na 'ko nagulat na magkasama sila ni Raine ngayon. At mukhang masaya ang bruha dahil niyakap niya agad si Kris. Kitang-kita ko yung nakakabwisit na ngiti ni gaga. Sarap sabunutan. Mukhang may tinanong kay Kris kasi tumango si baby. Gusto kong maglupasay sa inis pero 'di ko gagawin kasi ayokong madumihan ang skirt ko. Mahataw pa 'ko ni mama kapag nilabhan niya. Umalis na 'ko kung nasaan sila bago pa nila ako makita. Hindi ko alam kung anong meron dun sa babaeng yun at balik nang balik sa kanya ang baby ko. At hindi ko din alam kung paano ako nakarating sa tambayan namin na lutang. Nagulat na lang ako nakaupo na ko. Wow, magic!

To: Pammy

Sis, where are you? May klase ka after ng lunch?

To: Lebby

Sis, where are you? May klase ka after ng lunch?

Si Lebby sumagot, may one hour vacant daw siya. Kaya sinabi ko na puntahan niya 'ko sa tambayan after niyang mag-lunch. Si Pammy, wala na daw klase kasi may meeting daw ang Prof nila. E isang subject lang si gaga ngayong hapon. Kaya sinabihan ko din na puntahan ako. Si Berna? Ayun ewan ko. Rumi-relationship goals yata. Haaaay. Jinggit ang lola niyo. Chareng! Hindi naman nagtagal, dumating si Pammy. Buti di kasama jowa niya. Ayokong ma-bitter e. Tapos friend pa ni Kris. Huhuhuhu. I'm so hurt.

"Anyare sayo, girl? Wala kang klase?" Bungad ni Pammy.

"Cut muna ako. Wala ako sa mood, e." Matamlay kong sagot sa kanya.

"Oh, bago yan. Hahaha! Anong nakain mo?" Nakakabwisit na sabi ni Pammy.

"Tanga. Seryoso nga. Wala ako sa mood."

"Anyare? Hahaha. Mukha kang timang diyan." Susme. Napaka balasubas.

"Haaaaay. Sis. Ano bang ginawa kong mali? Binigay ko naman ang lahat. Pati puri ko---"

"Wait. May puri ka?" Taena. Yokona talaga. Hirap kausapin nito. Pero natigil usap namin kasi dumating na si Lebby. Umirap naman agad si Pammy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon