Chapter 16

9 1 0
                                    

LEBBY

Akala ko okay na kami sa kanya. Pero, sabi nga nila "don't trust too much". Nakakalungkot lang na masiyado akong nagtiwala kay Pammy. Siya na sarili kong kaibigan, nagawa akong traydurin. Hindi na siya naka-antay na ako ang magsabi kay Bea. Ganun na ba siyang ka-atat? Nakakalungkot isipin na nagawa niya 'kong sirain sa kaibigan namin. Oo, alam ko naman na bawal ang relasyon namin ni Sander, pero anong magagawa ko? Mahal ko yung tao.

"Lebby," Bea, "ano bang naisip mo at si Sir pa? Madami namang iba diyan. Kung gusto mo ipapa-reto kita sa isa sa mga basketball players."

"Mahal ko kasi e."

"Yes, nandun na tayo. Mahal mo yung tao. Pero aware ka naman na bawal 'di ba? Mag-isip ka naman." Wow. Di ako sanay na ganito si Bea. "And please lang. Tigilan mo na."

"Hindi mo 'ko naiintindihan Bea! Mahal ko si Sander! Akala niyo ba hindi ko alam 'tong pinasok ko? Akala niyo ba hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari?"

"Masisira ka dito sa school. Pati si Sir pwedeng ma-terminate. Do you think matutuwa or masisiyahan kami ni Pammy kapag nangyari yun?"

"H'wag mo siyang masali-sali sa usapan! Kung di niya ginawa 'to, kung di niya kinalat ang relasyon namin hindi magkakagulo. Siya ang may kasalanan! Traydor siya!"

"Bakit? Sigurado ka bang si Pammy ang nagkalat ha? H'wag kang mambintang, Lebs."

"Siya lang ang nakakaalam pati si Patrick. Or baka si Patrick ang naglabas? Coach niya pa naman si Sander. Mga traydor ---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nasampal ako ni Bea.

"Watch your words, Lebby. Wala kang proof na si Pammy ang nagkalat. Kaibigan natin siya. Sigurado akong hindi niya magagawa yun."

"Sige nga! Kung hindi siya, sino ang gagawa? Sila lang ang nakakaalam."

Pagkatapos kong sabihin 'yan tinalikuran na 'ko ni Bea. Alam kong disappointed siya sa'kin. Pero anong magagawa ko, mahal ko si Sander. Hindi ko siya kayang bitawan.

__________

BEA

What is happening in this world? Hindi pa din ako makapaniwala na may ganun kay Lebby at Sir Sander. At hindi din ako naniniwala na kayang gawin ni Pammy kay Lebby yun. Siraulo lang yun pero hindi n'on kayang manira ng tao. Lalo na at si Lebby pa. Sino kayang may pakana nito? Kapag nalaman ko kung sino yun, susuntukin ko talaga siya sa ngala-ngala. Haaaaay, nasan na kaya yung jowa ko? Isa pa yun e. Alam na may problema ako hindi man lang ako i-comfort. I need a hug pa naman. Charot. Pero nakakalungkot lang talaga na may gan'tong ganap sa friendship namin e. Habang nagi-ikot ako kakahanap sa jowa ko, nakita ko siya kasama si Raine. SI RAINE? YUNG EX NIYA. ANO'T! BAKIT MAGKASAMA ANG DALAWANG YUN?! HINDI NAMAN SILA CLASSMATES! Sinundan ko sila hanggang sa makarating sa likod ng isang building na may mga benches.

"Hindi ba magagalit si Bea na magkasama tayo?" Tanong ni Raine na pinag-kibit balikat lang ni Kris. "Actually, I miss you. I miss this. Yung magkasama tayong dalawa. Haha."

"I miss you, too." Kris. OMG! Please, don't hurt me. H'wag kang ganyan boyfriend.

"How are you? Kamusta basketball?"

"I'm good, I guess." He genuinely smiled at her while saying those words. "I'm enjoying playing basketball. Ikaw? Kamusta ka?"

His Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon