Chapter 6

96 5 2
                                    

Bea's POV

OH MY GOD! Who's that Merlat? Napaka-chenes niya! Anong pinag-uusapan nila ni Kris KO? Huwag kang magpapalaoy-laboy sa labas ng campus mag-isa at tatambangan talaga kita. HUHUBELS! Kainis 'tong si Kris, sinasaktan mo ang puso kong patay na patay sayo. Sino ba kasi ang babaeng yan Kris?

"Hoy!" Kalabit sa'kin ng isang FC.

"POTEK!" Napalakas na sigaw ko sa gulat.

"Sinong tinitignan mo diyan? Nako! Masamang makinig sa usapan ng iba. Tsk tsk!" Sabi niya.

"Ano namang masama dun? E hindi hindi ko naman sila naririnig."

"Masama pa din yun. Malay mo private yun at sila lang dapat ang makakaalam nun kaya tago silang nag-uusap."

"Hindi ko nga sabi sila naririnig! Ang kulit mo ha!"

"Weh? Totoo?"

"OO NGA! ATSAKA SINO KA BA? NAKAKAIRITA KA HA!" Napalakas kong sabi.

"Hey! Sinong nandiyan?" Tanong ni Kris na nakatingin sa pwesto namin.

"Ayan! Ang ingay mo kasi." Si Kuyang FC.

"Ako pa ngayon? E kung di ka ba naman parang mushroom na bigla-biglang sumusulpot dito e." Ako.

"Hey! I said, sinong nandiyan?" Kris.

"W-walang tao dito. Mga.... M-mga... Ano... Ano kami.... Ano, uhhh, mushroom! Tama! Mushroom kami. Mga mushroom na bagong sisibol pa lang." Leche! Anong klaseng palusot ko 'yon?

"Pffft! HAHAHAHA! Siya lang ang mushroom. Duwende ako." Maliit na boses na sagot ni Kuyang FC.

"Are you kidding me? Lalabas ba kayo diyan o ako lalapit sa inyo?" Kris. SHET! Busted. Mara-round 2 yata ako ah!

"Nakakainis ka! Kasalanan mo 'to e." Sisi ko sa kanya.

"Look Miss, nakita lang kita dito kaya ako lumapit. Malay ko bang nakikinig ka sa kanila. Nadamay lang ako." SIya.

"Chismoso ka kasi." Ako.

"Wow! Coming from you ha!" Siya.

"SHEEEET! Kapag sinabi kong yuko, yuyuko tayo ha!" Ako, ng nakita ko kong papalapit na si Kris.

"W-why?" Siya.

"Basta! Maki-cooperate ka na lang." UHHH! Kasi naman 'tong lalaking 'to e. "Yuko!" Ako na mismo ang nagyuko sa kanya.

"Sino kayo? And what are you doing here?" Tanong ni Kris ng makalapit kami. "Hey! You two! Look at me. I'm talking to the both of you." Busted!

"Uhh! H-hello!" Ako. "Oh! It's you again. What are you doing here?" Painosente kong tanong. Kumunot ang noo niya.

"Diba dapat ako ang magtanong niyan? Anong.ginagawa.niyo.dito?" Kris.

"Nahulog kasi ulit yung piso ko. Hinahanap namin." Ano ba namang alibi yan. Lagot na talaga ako nito.

"Again? Gaano ba kaimportante ang piso sayo? Kanina ka pa nahuhulugan ng piso. Here," Sabay abot sakin ng limang piso. "kunin mo na. In case na mahulog ulit ang piso mo, di ka na maghahanap. Makakauwi ka na naman siguro kahit mahulugan ka pa ng piso kasi binigyan na kita ng five pesos. So, can you two please leave now?" Aww. Ang hard ng boyfriend ko. :3

"Dude, what's wrong with you? I think it is hard na mang-ganyan ng babae. Actually, we're dating at napadaan lang kami dito."Sabay kindat niya sakin. Huh! Anong sinasabi nitong mokong na 'to? Jusko! Baka kung anong isipin ni Labs ko. H'wag kang maniniwala sa kanya please.

His Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon