Bea’s POV
“You’re so pretty.” Shet! Kinilig naman ako kay Kris.
“Ah.. Ah..” Me. I’m speechless.
“Shh.. You don’t need to say anything.” Then, nilagay niya ang index finger niya sa labi ko. Kilig OVERLOAD FRE!
“K-Kris?”
“Yes?” Kris with his husky voice.
“Ahhh…”
“Wait, before you say anything else. Can I kiss you?” Kris
“H-huh?” Natameme ako sa tanong niya.
“Can I kiss you?” LECHE! Inulit pa! Sarap maglaslas! “Can I?”
“S-Sure!” Sagot ko.
Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko at dahan-dahan naman ako pumipikit kasabay ng pagpikit niya. Feeling ko ng mga oras na ‘to, kami lang dalawa ang nag-eexist sa mundo. Super saya ko sa nangyayari samin ni Kris ngayon. Yung feeling na hahalikan ka niya, ABA MATINDE! Dream come true para sakin ‘to Palapit ng palapit ang mukha niya sakin.
*5 inches
*4 inches
*3 inches
*2 inches
Malapit na. malapit na. Ang tagal naman ng lips niya.
“Bea.” Wait, parang naririnig ko ang boses ni Lhebs. Kebs lang. Basta ang mahalaga iki-kiss ako ni Kris. Hohoho!
“Bea.” Hmmpp! Bahala ka Lhebs.
“Bea.” Ang tagal ng lips mo KRIS!
“BEVERLY ANN!” Ay LITSI! Napabalik ako sa reyalidad nung may sumigaw ng BUO KONG PANGALAN! Si Lhebs lang pala. -_-
“Nasaan na?” Tanong ko. “Nasan na?”
“Alin ang ‘nasan na’?” Lhebs. “At saka, ano yun ‘nasan na’?”
“Hahalikan ako ni Kris kanina at malapit na! 1 inch na lang e! Binugaw mo siya ‘no?”
“Hahalikan ka? Nino? Saka sinong binugaw ko? Hoy! Mabait ako no! Hindi ako bugaw.”
“Lhebs, nasan na si Kris? Hahalikan niya na ‘ko kanina e!” Palinga-linga kong tanong kay Lhebs.
“Si Kris? Hahalikan ka? Pffft! HAHAHAHAHA!”
“Seryoso ako Lhebs! Nasan na?”
“So, that’s explain kung bakit munSHUNGA kang nakanguso kanina! HAHAHAHA. EPIC!” Tawa pa Lhebs. Mahirinan ka sana.
“Totoo yun Lhebs! Hahalikan niya ‘ko talaga kanina.”
“Bea, alam kong awkward yung nangyari sa inyo ni Kris last week. HAHAHA! pero yung totoo,
Kinukumbulsiyon ka ba?” Sabay hawak ni Lhebs sa noo ko. “Wala ka namang lagnat. Nagdodroga ka ba?”
“Ano bang pinagsasabi mo?” Nalilito kong tanong kay Lhebs
“Kung ano-ano na kasing pumapasok diyan sa isip mo e. Parang yung sinasabi mo kanina na, ‘hahalikan ka ni Kris’ na alam naman nating malabong mangyari. Well, it’s either, kinukumbulsiyon ka o nagdodroga ka. Alin ka diyan sa dalawa?” Seryosong tanong ni Lhebs sakin.
“Grabe ka! Hindi ba pwedeng nangangarap muna? Ang hard niyo talaga ni Pammy sa’kin.”
HAHAHA! So, inamin mo ding nagde-daydream ka kanina. Sawing-sawi kay Kris? Grabe, di ko talaga makalimutan yung nangyari sa Gym. HAHAHA!” Lhebs
BINABASA MO ANG
His Crazy Stalker
Teen FictionPaano kung may isang babaeng habol ng habol sayo? Ang ginagawa mo sa kanya ay tinataboy mo na nga, andiyan pa din. Sinisigaw-sigawan at ini-snob mo na, natutuwa pa. Tago ka ng tago sa kanya samantalang siya, hanap ng hanap sayo. At ang matinde pa n...