Katulad ng dati, sinasabayan ni Gabby ng indak ang masayang musika sa booth ng estasyon ng Seasons. Nitong mga nakaraang araw ay pulos masasayang musika ang pinapakanggan niya. Hindi niya na rin maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.
Kaya naman nang pumula ang ilaw ng telepono, hudyat na may paparating na tawag, ay magana niyang sinagot ang tawag.
"Good morning, this is Autumn..."
"You are in a good mood today, huh?" wika ng boses ng caller sa kabilang linya.
Napangiti siya nang makilala ang boses. Lalo pa at may pagkakahawig ang boses nito sa boses ni Sid.
"Nice to hear from you again, Eros. What song will I be playing this time?"
"Ahm... what song do you want to hear?" balik tanong nito.
Nagulat siya. "Something happened?"
"Wala naman. It's just rare to see you this happy. Natutuwa rin ako. I was thinking that maybe, DJs are just pretending to be happy when they're taking the call. Sometimes, they tend to suppress their feelings to please listeners. Katulad nung huling beses na tumawag ako. Alam ko na hindi maganda ang mood mo."
Naintriga tuloy siya. Kauna-unahang beses ito na may caller na pumuna ng mood niya. Pero kunsabagay, kaiba naman talaga ang caller na ito sa karamihan.
"Do you have ESP or something?"
Ito naman ang natawa. "Sana. Para hindi rin ako nahihirapang intindihin ang nasa isip ng taong gusto ko. Enjoy the moment, Autumn. Happiness is fleeting. Kaya kapag dumating ay sunggaban mo kaagad."
"Kahit pa pakiramdam mo ay mali at hindi dapat?" balik tanong niya dito. Pakiramdam niya ay ito ang DJ at parang siya ang kumukuha ng advice dito.
"Let your heart decide about that, Autumn."
Natuwa na rin siya pagkarinig sa sinabi nito. Kung sino man 'to ay nahihiling niya na sana ay maging masaya rin ito. Namili siya ng isang masayang awitin sa playlist niya.
"As per Eros' request, this is Tommy Page's I'll Be Your Everything..." Pinatugtog niya ang musika. "Anything else you want to say, Eros? Maybe someone special is listening right now."
"She's listening. The song has everything I want to say to her. Thank you, Autumn."
Kahit nang maibaba na ang tawag ay hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi niya alam ang eksaktong dahilan kung bakit parang masayang-masaya siya.
Maya-maya ay may kumatok sa glass window ng booth. Hindi mapigilan ng puso niya ang mag-umalpas sa dibdib niya nang makita si Sid na kumatok sa bintana. Sinenyasan niya ito na pumasok. Nag-queue na siya ng napakaraming kanta para hindi maabala ang pag-uusap nila.
"Sid! Ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko, may lakad kayo ni daddy?"sunod-sunod na tanong niya nang pumasok ito sa booth.
Funny. Kahapon lang niya ito kasama ay sabik na sabik siya ulit makita ito.
"Masyado kang obvious na masayang makita ako, Boss," nakangising sabi nito na ikinatirik ng mata niya. Lagi na lang na parang alam nito ang iniisip niya. Itinaas nito ang dalang paperbag. "Kagagaling ko lang sa inyo. Ang sabi ni Manang, hindi ka pa daw kumakain ng breakfast. Dinalhan kita. Masyado kang nagpapagod sa trabaho."
Isa-isa nitong inilapag ang croissant at ang gatas na nasa bote. Tahimik na pinagmamasdan niya lang si Sid. She was touched by the simple gesture. Nitong mga nakaraang araw ay wala nang ginawa si Sid kundi tratuhin siya na parang prinsesa. Oo nga at siya ay boss nito, pero pakiramdam niya ay siya ang presidente ng Pilipinas sa atensyon na ibinibigay nito. Tulad ngayon.
"Masyado kang sipsip, ano?" puna niya kay Sid.
Tumawa ito at umupo sa harap niya. "Baka sakaling itaas ang sweldo ko. Nangangarap lang."
Umingos siya at dinampot ang croissant na inilapag nito. Nang magsimula siyang kumain ay hindi niya mapigilang titigan na naman si Sid. Lagi na niya itong nakikita pero hindi siya nagsasawang pagmasdan ang hitsura nito. She knew beneath his playfulness was a man of passion. Ilang beses na niyang napatunayan iyon.
Naramdaman niyang nag-init na naman ang pisngi niya kapag naaalala ang mga panahong kasama niya ito sa Tayabas. Kapag nasa trabaho siya ay mukha siyang tanga na nangangarap. Ito siguro yung sinasabi ni Andy sa kanya na pakiramdam nito kapag nakikita nito si Apollo.
"Huwag kang masyadong tumitig, Boss. Ma-i-inlove ka nyan," untag ni Sid sa kanya.
"Baka ikaw ang ma-inlove," balik niya dito.
"Perhaps I already did a long time ago."
Nahinto sa ere ang kinakain niyang croissant at manghang napatitig kay Sid na bale-wala lang na itinuloy ang pagkain. Naririnig na niya ang mabilis na pagpintig ng puso niya.
"May sinasabi ka, Desiderio."
"Meron nga," nangingiting sagot nito.
Hindi siya tuminag at tinitigan lang ito. Sigurado siyang may gusto pang sabihin sa kanya si Sid. Pero ang damuho ay mukhang walang balak pagbigyan ang curiosity niya.
"Ulitin mo ang sinabi mo, Sid," utos niya.
He wrinkled his nose in a very adorable way.
"Ganito na lang. Let's eat dinner tonight. Then you can ask me again and I'll tell you."
Umarko ang kilay niya. Sinisikap niyang pigilin ang pagalpas na naman ng ngiti sa mga labi.
"You're asking me out on a date? You're still a hundred years too early, my dear secretary."
Lumapad ang ngisi ni Sid. "Ayaw mo?"
"Pag-iisipan ko."
Dumukwang ito sa kanya at inabot ang batok niya. Naglakbay ang mga kamay nito sa likod niya habang hinahalikan siya. At katulad ng dati, gusto na naman niyang matunaw sa ilalim ng mga yakap nito.
You're really doomed, Gabby.
"You're going out with me tonight, okay?" wika nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.
Tumango-tango na lang siya. Si Sid ay dagling binitiwan siya. Kumikislap ang mga mata nito sa kaaliwan.
"Halik lang pala ang katapat mo, Boss."
Nang mapagtanto niya ang ginawa ito ay ibinato niya ang paperbag sa mukha nito. Pero si Sid itinuloy lang ang pagtawa. And her heart went overdrive once again.
BINABASA MO ANG
Seasons 3: The Fall of Autumn
RomanceMula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary. "You need me, Gab...