"Dad, this is ridiculous!" sigaw ni Gabby sa ama sa loob ng study room nito.
Nangunot ang noo ni Alfonso sa kanya.
"What do you mean "ridiculous"? Pino-promote na kita. Starting on Monday, you'll be the Head of External Affairs. Hindi ba at matagal mo nang gusto 'yan?"
Pero hindi pa rin matinag si Gabby. Tinitigan niya ang folder na ibinigay ng ama. Nandoon ang kontratang kailangan niyang pirmahan para maging official na ang bagong pwesto niya sa opisina. Matagal na niyang inu-ungot sa ama iyon pero sinabi nito na hindi pa siya handa sa mas mataas na posisyon. Sa kanilang dalawa ni Andy, siya ang mas nagnanais na pamunuhan ang kumpanya ng mga Montecillo. Kaya naman ginawa niya ang lahat para maabot ang standards ng ama.
At ngayon nga ay umangat siya ng posisyon. Kapag nagsumikap pa siya, alam niyang sa malaon at madali ay ibibigay na sa kanya ang posisyon bilang presidente ng kompanya. Dapat ay magbunyi siya dahil naayon ang lahat sa plano niya. Pero parang mas gusto niyang manakal ng tao. At iyon ay dahil lang sa isang pangalang nakita niya sa kontrata.
"Dad, hindi naman iyon ang problema. Pero ano 'tong provision na 'to?!" naiirita pa rin niyang sabi sa ama. "Bakit kailangang maging sekretarya ko si Sid?"
Ni hindi man lang pinansin ng ama niya ang pagtaas ng tinig niya. Mukhang sanay na ito sa kanya na ganoon ang tono ng boses kapag may kinalaman kay Sid ang usapan. And for good reason. As far as she was concerned, she hated Sid with all of her.
"Hindi ba at naghahanap ka ng bagong secretarya dahil nag-maternity leave si Minda? Ayan, binibigyan na kita ng sekretarya mo. Tamang-tama dahil kakauwi lang ni Sid kahapon mula sa training sa Canada. Sinabihan ko na siya na ikaw na muna ang boss niya pagbalik niya," bale-walang sabi nito habang sumisimsim ng kape.
"Dad! Nagsabi na ako sa HR deparment. At iinterview-hin na sa Lunes ang mga qualified sa positions. Hindi mo na kailangang makialam," angil niya sa ama.
"Oh, that? Kung iyon lang ang inaalala mo, kalimutan mo na 'yon. Kinausap ko na ang HR. I told them to hire me an efficient secretary instead." Nameywang ito sa kanya. "At ano ba ang reklamo mo kay Sid? Siya na ang pinakamagaling sa lahat ng pwede mong makuha."
Nasapo niya ang ulo. Wala siyang sakit sa puso pero gusto niyang ma-highblood sa inis. Hindi niya alam kung ano'ng problema ng ama niya at nais nitong mondohan na naman ang buhay niya.
"Dad, are you doing this because you don't trust me?" pailalim niyang tanong.
Nanggilalas ito.
"I'm promoting you, aren't I? Ang gusto ko lang, mapadali ang trabaho mo. Alam na ni Sid ang mga paikot-ikot sa trabahong ito. He's been here far longer than you. Matutulungan ka niya. At the same time, you can learn from him. Or would you rather that I let him take your position instead? God knows he's more than capable."
Gabby rolled her eyes in annoyance. Lagi na lang si Sid. Nagsasawa na siya na laging kadikit ng pangalan niya ang lalaking iyon. Hindi niya alam kung ano'ng ginawa niyang masama sa past life niya para hindi siya makaalis sa anino nito. Simula noong araw na narinig niya ang ama niya na sana ay naging anak nito si Sid ay itinanim niya sa isip na kakompetensiya na niya ito.
High school pa lang siya ay palagi nalang siya nitong nauungusan. Lahat halos ng mga classmates niyang babae ay may crush dito. Pati mga teachers niya ay favorite ito noon. Noong college lang sila naghiwalay dahil sa UP ito pumasok at kumuha ng Accountancy. Siya naman ay ipinadala sa States kasama si Andy at sa Columbia State University nagtapos. Akala niya ay hindi na niya ito makakadaupang palad. Pero nalaman niya pagbalik niya ng Pilipinas na agad itong kinuha ng ama niya hindi pa man ito pumapasa sa CPA exam. And when he took the exam, he landed among the Top Ten.
BINABASA MO ANG
Seasons 3: The Fall of Autumn
RomanceMula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary. "You need me, Gab...