Chapter 20

1.8K 73 3.7K
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw buhat nang makabalik si Vanessa at Angelo sa lungsod. Nagsimula na rin ang klase nila at sa iisang school sila pumapasok. Iyon na ang huling taon nila sa kolehiyo at sabay silang magtatapos. At pareho silang pursigido at excited na mangyari 'yon.

Maayos naman ang lahat mula noong araw na bumalik sila sa lungsod. Parang normal days din lang katulad ng mga araw nila sa Isla Montellano. Lagi silang magkasama sa bahay, sa school at kahit saan sila magpunta.

Alam sa school na pinapasukan nila na mag-asawa sila ni Angelo dahil noong unang araw pa lang nila doon ay gumawa ito ng isang eksena na kung saan ay ipinangalandakan nito na silang dalawa ay mag-asawa. Kilig at hiya ang naramdaman niya noon dahil unang araw pa lang niya doon ay umani na agad sila ng atensyon.

Ang iba ay masaya at karamihan ay naiinggit dahil kilala pala si Angelo sa school na pinapasukan nito. Totoo ang sinabi nito noon sa kapatid na habulin ito ng babae dahil gwapo at matalino pero ang hindi nga lang ay sa part na inosente ito. Gwapo lang ito at pinagpala sa lahat maliban sa pagluluto at lalong-lalo na sa sinasabi nitong kainosentehan.

Wala naman siyang naging masamang karanasan sa school na pinapasukan kahit na transferee lang siya doon. Bukod sa mga hindi magagandang salita galing sa mga babaeng naiinggit sa kanya at sa mga masasamang tingin ng mga ito na kinasanayan na rin niya. Hindi rin ang mga ito makalapit sa kanya dahil most of the time ay nasa tabi niya si Angelo na tila binabantayan siya.

Ang akala niya ay magbabago ito pagdating ng panahon na magsawa ito sa kanya pero sa bawat araw na lumilipas ay tila lalo itong naging madikit at sabik sa kanya.

Namumuhay na sila bilang isang totoong mag-asawa. Nakatira sa iisang bahay, magkasama sa iisang kwarto at magkatabing matulog sa iisang kama. Perpekto ang relasyon na mayroon sila kung titingnan, pero ang totoo ay mayroong nag-iisang kulang sa kanila. And that is love.

Hindi naman niya pwedeng pagbasehan ang mga ipinapakita at ipinaparamdam sa kanya ni Angelo. Ang pagiging sweet at thoughtful nito. Ang ginagawa nitong pagsisilbi at pag-aalaga sa kanya araw-araw. Ang kakaibang pakiramdam sa tuwing inaangkin siya nito. Lahat-lahat iyon ay hindi niya pwedeng pagbasehan na may nararamdaman din ito sa kanya katulad ng nararamdaman niya dito.

Minsan iniisip na niyang may iba pang kahulugan iyon pero ayaw niya lang umasa at lalong masaktan. Gusto niya munang marinig kay Angelo na mahal siya nito bago siya umasa na totoo ang lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam nito.

Naunang natapos ang huling klase niya at ang usapan nila ni Angelo ay hintayin na lang niya ito sa sasakyan. Ilang minuto pa bago matapos ang klase nito kaya naisipan niya munang lumabas ng gate ng school para pumunta sa pharmacy na walking distance lang naman buhat sa school.

Bibili siya ng contraceptive pills dahil wala yatang planong gumamit ng protection si Angelo. Hindi naman sa ayaw niyang magbuntis o hindi pa siya handa pero ayaw niyang may mabuong bata sa isang loveless marriage. Ayaw niyang may madamay na inosenteng bata sa paghihiganti nito. Dapat noon pa niya ito ginawa pero hindi siya makahanap ng pagkakataong makabili dahil laging nasa tabi niya si Angelo. At ngayon ang magandang pagkakataon niya.

Siguro naman ay hindi rin gugustuhin ni Angelo na magka-anak sa kanya lalo pa at anak siya ng taong sumira sa buhay ng kapatid nito. Kaya naisip niyang gumamit ng pills pero kailangan niya munang malaman kung nagdadalang-tao na ba siya dahil sa mga kakaibang nararamdaman niya the past few days. At sintomas iyon ng isang buntis.

Lalo na at malaki ang posibilidad na nakabuo na sila ni Angelo dahil mabibilang ang araw na hindi sila nagtatalik. Solo nila ang bahay dahil madalas ay nasa ibang bansa ang magulang nito. At sa nakalipas na mga araw ay laging may namamagitan sa kanila dahil basta magdikit ang katawan nila ay natatagpuan na lang nila ang sariling inaangkin ang isa't-isa. Ang rupok nila di'ba?

Lovin' My Enemy's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon