Chapter 21

1.6K 85 3.4K
                                    


Halo-halo ang emosyong nararamdaman ni Vanessa habang nakatitig sa pregnancy test na kanyang hawak. Mayroon 'yong dalawang kulay pulang linya na ang ibig sabihin ay nagdadalang-tao siya. Nagbunga ang kapilyohan ni Angelo at hindi niya alam kung ano ang nangingibabaw sa emosyong nararamdaman niya. Tuwa, takot at pangamba.

Maaga siyang nagising dahil nakaramdam siya ng pagsusuka. Tulog pa si Angelo kaya sinulit na niya ang pagkakataong 'yon para gamitin ang pregnancy test na ilang araw na ang nakalipas buhat nang bilhin niya.

Kailangan na niyang malaman kung nagdadalang-tao ba siya o hindi para masimulan na rin niyang uminom ng pills. Lalo na at mas naging madalas ang pagtatalik nila ng asawa buhat nang magka-aminan sila sa totoo nilang nararamdaman sa isa't-isa. Halos walang gabi na hindi sila nagtatalik ni Angelo.

At ngayon nga ay nasagot na ang matagal nang gumugulo sa isipan niya. Ang pagsusuka niya tuwing umaga at ang pagiging maselan niya sa pagkain na dati naman ay kahit anong kainin niya ay ayos lang sa kanya.

Madalas din siyang makaramdam ng pagkahilo at antok. Maselan din ang pang-amoy niya. Higit sa lahat ay ang pagiging mahilig niya sa maaasim na pagkain. Lahat iyon ay dahil nagdadalang-tao na pala siya.

Masaya siya dahil magkaka-anak na sila ni Angelo. Lalo na at nalaman niyang mahal din siya nito at hindi nabuo ang anak nila sa isang loveless marriage.

Natatakot din siya para sa anak nila dahil baka madamay ito sa kabaliwan ng ama niya. Baka gamitin nito ang batang nasa sinapupunan niya para ma-control si Angelo.

Nangangamba naman siya sa maaaring maging reaksyon ni Angelo. Maraming 'what if' sa isipan niya na pilit niyang itinaboy dahil halos lahat ng iniisip niya noon sa pagsasama nila ni Angelo ay mali.

Ang tungkol sa nararamdaman nito at ang tungkol sa kasal nila na kabaliktaran pala lahat sa mga negatibong iniisip niya noon. Kaya tama na muna ang mga 'what if' niya sa buhay. Hindi healthy at baka maging sanhi pa ng kapahamakan o pagkasira ng relasyon nilang mag-asawa.

Lumabas siya ng banyo at kumunot ang noo niya nang makitang wala na si Angelo sa kama. Narinig niya ang boses nito sa may balkonahe na parang may kausap kaya lumapit siya doon.

Tinambol ng kaba ang dibdib niya nang makitang hawak nito ang kanyang cellphone at base sa mga salitang lumalabas sa bibig nito ay ang kanyang tunay na ama ang kausap nito.

Mabilis niyang nilapitan ang bag niya at nakagat niya ang sariling labi nang makitang bukas iyon. Doon nakalagay ang cellphone niya kasama ng pills na binili niya na ngayon ay hindi na niya makita.

Hinalughog niya ang lahat ng parte ng kanyang bag at naluluha na siya sa kaba dahil hindi niya iyon makita. Baka nakita na iyon ni Angelo at baka kung ano ang isipin nito kung bakit siya bumili no'n.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Bahagya pa siyang nagulat nang marinig niya ang seryosong boses ni Angelo sa likod niya.

Natatakot niyang hinarap ito at tila nanghina siyang napaupo sa kama nang masilayan ang walang emosyong mukha ng asawa. Nakatiim ang bagang nito at salubong ang mga kilay. At hawak nito ang pills na hinahanap niya. Lagot na..

"Angelo.." tanging nasambit niya at nanubig ang kanyang mata.

"Kailan pa? Kailan ka pa gumagamit nito? Bakit hindi mo sinasabi sa'kin?" seryosong anas nito habang dahan-dahang lumalapit sa kanya.

"I'm sorry.. Akala ko kasi ayos lang sa'yo na gumamit ako—"

"Pero 'yon lang ang akala mo!" galit at malakas na wika nito na pumutol sa mga sasabihin niya. Mariin pa siyang napapikit nang ibagsak nito sa sahig ang pills na hawak at nadamay pa ang cellphone niya.

Lovin' My Enemy's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon