Malawak ang ngiti ni Angelo habang hinihintay niya ang pagdating ni Vanessa. Kahapon pa umalis ang kanyang Ate Caren kasama ang asawa at ang kambal at ngayon ang unang araw na masosolo niya ang kanyang asawa.
Excited na siya sa maaaring mangyari at madaming mga bagay ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Mga bagay na matagal na niyang gustong mangyari at isang magandang pagkakataon para sa kanya ang maisakatuparan iyon lalo na at solo niya si Vanessa ngayon.
Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang pagdating nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagka-inip. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaupo doon pero dahil sa masyado yata siyang excited ay ang katumbas ng isang minuto ay isang oras ngayon sa kanya. At pinipigilan niya lang ang sariling huwag puntahan si Vanessa sa bahay ng magulang nito.
It's already seven in the morning at dapat sa ganung oras ay nandoon na si Vanessa. Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil baka tinanghali lang ito ng gising o kaya naman on the way na ito. Kagigising lang din naman niya pero nagawa na niya ang kanyang morning routine. Hindi pa lang siya nakakapag-breakfast dahil hinihintay pa niya si Vanessa para ipagluto siya.
Hindi naman kaya niya ito hinihintay ay para ito ang utusang magluto para lang pahirapan. Dahil ang totoo ay wala talaga siyang abilidad pagdating sa pagluluto. Sinubukan naman niya noon, nag-aral din siya pero wala talaga siyang future sa kusina.
Magaling naman siyang kumain pero bakit hindi siya marunong magluto? Bagsak talaga siya pagdating sa bagay na 'yon. Isa 'yon sa mga bagay na hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo Aldover. Ipagawa na sa kanya lahat, huwag lang ang magluto.
Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi pa rin dumadating si Vanessa. Mas nadagdagan ang pagkainip niya at naibato niya sa sofa ang kanyang cellphone ng aktong tatawagan niya ito pero naalala lang niyang wala nga pala siyang phone number ng asawa. Tuluyan nang nawala ang masayang ngiti kanina sa mukha niya at napalitan iyon ng hindi maipintang mukha.
Nang hindi pa rin dumadating si Vanessa ay hindi na siya nakatiis pa at kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan. Lumabas siya ng bahay at nagpasyang sunduin na lang ito. Baka tinakasan na naman siya ni Vanessa lalo na at malakas ang loob nitong suwayin siya ngayon dahil wala sa paligid nila ang kanyang Ate Caren. Napakapalaban pa naman ng babaeng 'yon.
Bubuksan na sana niya ang gate pero pero natigilan siya nang marinig ang boses ni Vanessa buhat sa labas. Parang may kausap ito at agad na nagsalubong ang kilay niya nang makarinig ng boses ng lalaki. Sinilip niya ang mga ito sa maliit na siwang ng gate at nagtiim ang kanyang bagang nang makumpira niyang may kausap nga itong lalaki. At halos sumabog na siya sa inis nang marinig ang pagtawa ng mga ito. Fuck! Para yatang may uuwi ng may pasa ang mukha.
"Heto na ang bayad ko. Salamat sa paghatid," nakangiting wika ni Vanessa sa lalaki at halos umusok ang ilong niya sa sobrang selos dahil doon. Lalo pa at kita niya ang pagpapa-cute ng lalaki at masyadong halata dito na may gusto ito kay Vanessa niya.
"Hindi na. Malaking bagay na para sa akin ang maihatid ka, Vanessa. Hindi rin naman ako namamasada ngayon. May susunduin lang ako sa bayan at saktong dadaanan ko ang pupuntahan mo," tila nahihiya pang wika ng lalaki na kanina pa niyang binubugbog sa kanyang isipan. Halata namang nagpapa-cute lang ito sa kanyang asawa at gusto niyang ubusin lahat ng ngipin nito sa ginagawa nitong pagngiti kay Vanessa.
"Ganoon ba.. Sige, salamat ulit sa paghatid. Mag-iingat ka sa daan," wika ni Vanessa dito at aktong bubuksan na nito ang gate pero natigilan ito nang humirit pa ang lalaki. Aba't talagang! Inuubos yata ng lalaking ito ang pasensya niya.
"May naghahatid-sundo ba sa'yo sa pagpunta dito? Pwede ako kung papayag ka," wika ng asungot na lalaki at may pakamot-kamot pang nalalaman sa batok. Hindi rin ito makaiwas ng tingin kay Vanessa na parang nahihiya pero ang lakas ng loob na magtanong. Tss..
BINABASA MO ANG
Lovin' My Enemy's Daughter
Ficção GeralIsla Montellano Series #4 'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil s...