Chapter 11

1.8K 82 3.3K
                                    

Walang nagawa si Vanessa sa gusto ni Angelo at tulad nang sinabi nito ay sa bahay nila ito kumain ng tanghalian. Pero hindi pa rin ito umalis sa bahay nila at lagi itong nakasubaybay at nakasunod sa kanya. At kahit sa kwarto niya ay lihim itong nakakapasok kaya useless din ang ginagawa niyang pagkukulong doon para saglit na makaiwas dito.

Mabuti na lang at hindi nakakahalata ang mama niya at mas lalong dumikit sa kanya si Angelo nang umalis sa bahay ang mama niya para bantayan ang tindahan na hindi naman kalayuan buhat sa kanilang bahay. Kasama nito ang kanyang kapatid kaya nasolo siya ng makulit niyang asawa. Daig pa nito ang isang batang naghahanap ng atensyon.

Mabilis na lumipas ang oras at hindi pa rin umaalis si Angelo hanggang sa sumapit ang gabi. Sa kanila na rin ito kumain ng dinner dahil inanyayahan ito ng kanyang mama na malugod naman nitong pinaunlakan dahil pabor na pabor 'yon sa gusto nito. Baka kung may libreng kwarto lang sa bahay nila ay doon na rin ito makitulog.

"Hindi ka pa ba uuwi?" wika niya kay Angelo matapos nilang kumain ng hapunan. Kasalukuyan silang nasa labas ng bahay at nagpapahangin. Nasa living room naman ang magulang niya at nanonood ng tv.

"Mamaya na lang, wala rin naman akong kasama sa bahay. At isa pa, gagapangin pa kita mamaya kaya bakit ako uuwi," pilyong wika nito at sinundan pa ng mahinang tawa. Napakapilyo talaga..

"Tadyak gusto mo?" ismid niya dito na tinawanan lang ng kanyang pilyong asawa.

"Tapang mo naman. Pero hindi mo pa rin ako mapipigilan, honey. Gagapangin pa rin kita mamaya," natatawang wika nito at inakbayan pa siya bago hinapit papalapit sa katawan nito. "Pero ready ka na ba talaga? Ayos lang kung hindi pa at baka napipilitan ka lang, honey. Makakapaghintay pa naman ako," dagdag nito na walang bakas ng kapilyohan.

Handa na ba siya talaga?

'Yan ang kagabi pa niyang pinag-iisipan matapos makatulog ni Angelo sa ibabaw niya. Sa tingin niya ay handa na siya at hindi lang basta napipilitan dahil never naman siyang pinilit ni Angelo pagdating sa bagay na iyon. At baka kagabi pa sana may namagitan sa kanila kung hindi lang ito nakatulog.

Naisip niyang sulitin na lang ang pagkakataong nasa tabi pa niya si Angelo. Susulitin na lang niya ang pakiramdam habang nasa mga bisig pa siya nito. Hindi na lang muna niya iisipin ang pwedeng hantungan ng lahat sa pagitan nilang dalawa. Kahit minsan lang ay maranasan at malasap niya ang tinatawag nilang langit ng kaligayahan sa piling ng lalaking lihim niyang minamahal noon pa. Susulitin na lang niya habang nasa tabi pa niya ito.

"Handa na ako, Angelo," mahinang bigkas niya at inihilig ang ulo sa balikat nito. Ramdam niyang bahagyang nanigas ang katawan nito na tila hindi inaasahan ang sagot at ginawa niya.

"Thank you, honey. Pangako, hindi ka magsisisi. I'll do everything to please you, Vanessa. Lalo na pagdating sa bagay na 'yon," bakas ang saya sa boses nito bago siya nito hinarap at malalim na inangkin ang labi niya. Marahan lang iyon na tila ninanamnam nito ang pagdidikit ng mga labi nila. At ginagantihan niya ang halik nito.

"Eheem! Lumalalim na ang gabi, hijo. Wala ka pa bang balak na umuwi, Angelo?" wika ng mama niya sa likod nila kaya mabilis silang naghiwalay ni Angelo.

Nahihiyang tumingin siya sa mga ito habang mahina pang natatawa si Angelo sa tabi niya. Sinamaan niya ito ng tingin pero kinindatan lang siya nito na parang wala lang dito na nahuli sila ng kanyang magulang sa ganoong tagpo.

"Magpapaalam na rin po ako. Salamat po pala sa masarap na tanghalian at hapunan," nakangiting wika nito sa magulang niya.

"'Yon lang ba ang masarap, Angelo? Pero bakit pati ang labi ng dalaga namin ay pinapapak mo," wika ng tito niya at bakas doon ang pagbibiro. Sinundan pa iyon ng tawa ng mama at tito niya. Nag-init ang mukha niya dahil sa narinig at napakamot naman sa ulo si Angelo pero hindi pa rin nawawala ang malawak na ngiti sa labi nito.

Lovin' My Enemy's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon