Chapter 19

1.7K 71 4.1K
                                    


"Ikaw na ang bahala sa anak namin, Angelo. Ingatan at alagaan mo siya sa lungsod. Bantayan mo siya sa baliw niyang ama. Huwag mong hahayaan na makalapit sa kanya si Clemenso," wika ng mama ni Vanessa kay Angelo. Kasalukuyan siyang nasa sala at kausap ng magulang ng kanyang asawa.

Bukas na ang alis nila patungong lungsod at naiintindihan niya kung bakit gusto siyang makausap ng masinsinan ng mga ito bago sila umalis. Normal lang iyon dahil malalayo sa mga ito ang anak lalo na at malaya pang nakakagalaw sa labas ang baliw na ama nito. Nag-aalala ang mga ito para kay Vanessa.

"Huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa anak niyo. Hindi ko po hahayaang may masamang mangyari sa babaeng mahal ko. Ako po muna ang masasaktan bago si Vanessa," wika niya at sinulyapan ang kanyang asawa na kasalukuyang nasa kusina at naglilinis ng plato. Katatapos lang nilang maghapunan at walang alam si Vanessa sa pinag-uusapan nila ng magulang nito.

"Mabuti kung ganoon, hijo. Ipaalam mo agad sa amin kung may mangyaring hindi maganda sa inyo sa lungsod. Lalo na kapag nagpakita na sa inyo si Clemenso. Hindi mapapanatag ang loob namin hangga't malaya siya," wika ng Tito Ziggy niya at tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

Dahil kahit siya ay hindi mapapanatag hangga't hindi niya naipapakulong ang baliw na lalaking iyon. Hangga't hindi niya napagbabayad ito sa mga kasalanan nito sa pamilya niya.

Naging maayos ang lahat buhat noong nalaman ng mga ito ang totoong estado ng relasyon nila ni Vanessa. Malaya na siyang nakakapasok sa kwarto nito ng hindi kailangang sa balcony dumaan.

Malaya na silang nagsasama sa iisang kwarto at higit sa lahat ay hindi na sila nagtatago. Sobrang saya niya dahil tagumpay ang plano niya.

Madaming sinabi ang magulang nito sa kanya at malaya niyang nasabi sa mga ito ang totoong nararamdaman niya kay Vanessa. Hindi rin niya itinago ang plano niyang paghuli kay Mark Clemenso at sinuportahan siya ng mga ito na ikinatuwa niya. Wala siyang inilihim sa mga ito at kasama na doon ang pagsasamang mayroon sila ni Vanessa na ikinailing na lang ng mga ito.

"So kailan ka magtatapat sa kanya? Tandaan mo, Angelo. Laging nasa huli ang pagsisisi kaya mas mabuting magtapat ka na sa kanya habang maaga pa," wika ng mama ni Vanessa matapos niyang maikuwento sa mga ito ang nililihim niyang tunay na nararamdaman para sa anak ng mga ito.

"Hihintayin ko po munang maging maayos ang lahat. Para po wala ng maging hadlang at banta sa pagsasama namin. Ipaparamdam ko na lang po sa kanya na mahalaga siya sa akin. Mahal ko po ang anak niyo. Hindi ko man po masabi sa kanya kaya ipaparamdam ko na lang. Kahit po manhid siya," natawa ang mga ito sa huling sinabi niya at saktong lumabas si Vanessa galing sa kusina habang kunot ang noong nakatingin sa kanila at bakas sa mukha nito ang pagtataka kung bakit sila tumatawa.

"Tapos ka na?" he asked and she nodded. Umupo ito sa tabi niya. Kusang tumaas ang braso niya at agad na pumatong sa balikat nito bago hinapit papalapit sa katawan niya si Vanessa.

"Huwag kang masyadong iinom. Maaga tayong aalis bukas," mahinang wika nito at bahagyang isinandal ang ulo sa dibdib niya.

Isa iyon sa mga napapansin niya sa asawa. Naging madikit na rin ito sa kanya, hindi na kumukuntra at kadalasan ay nagpapaubaya ito sa kanya lalo na sa kapilyohan niya.

Konti na lang at iisipin na niyang pareho na ang nararamdaman nila sa isa't-isa, na mahal na rin siya ni Vanessa. At siya na ang magiging  pinakamasayang lalaki pag nangyari 'yon.

"Okay, honey.. And we'll also make love later kaya hindi rin ako masyadong iinom. So be ready," bulong niya na ikinapula ng mukha nito.

Medyo nasanay na siyang uminom dahil tuwing nasa bahay siya ng magulang ni Vanessa ay niyayaya siyang uminom ng Tito Ziggy niya. Konti lang naman kaya ayos lang, pampainit lang ng katawan at sabi nga nila ay pampasarap lang ng tulog. At para sa kanya ay lalong pampainit  ng gabi nila ni Vanessa.

Lovin' My Enemy's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon