Kinabukasan, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi. Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto. Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.
'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog mo at hindi naman ako ganun kasama para gisingin ka pa. Anyway, don't forget to eat your breakfast bago ka pumunta sa bahay. Hihintayin kita..'
-C.AIlang beses pa niya 'yong paulit-ulit na binasa bago niya inilagay sa drawer ang maikli pero sweet na mensaheng galing dito. Minsan lang maging sweet sa kanya si Angelo kaya itatago niya 'yon para naman kahit papaano ay may remembrance siya sa pagiging sweet nito dahil minsan lang iyon mangyari. Hindi naman masama sigurong kiligin siya. Hindi naman niya kinakalimutan ang lugar niya sa buhay ni Angelo. Kikiligin lang siya pero hindi siya aasa.
Pagkatapos niyang gawin ang kanyang morning rituals ay lumabas siya agad ng kanyang kwarto. Iniwasan niya ang lumikha ng kahit na anong ingay dahil tulog pa ang kasama niya sa bahay. Maaga pa naman at nauna lang siyang nagising dahil maaga pa nang matulog siya kagabi.
Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng pwedeng lutuin para sa almusal. Simpleng pagkain lang naman sa almusal ang mayroon sila dahil hindi naman sila mayaman. Ginawa niya lang fried rice ang natirang kanin sa dinner kagabi at ininit niya lang ang natira pang ulam. Nagprito lang din siya ng itlog at hotdog para sa kapatid niya. Nagprito din siya ng tuyo para sa kanya at sa magulang dahil isa iyon sa hindi pwedeng mawala sa almusal nila. Katuwang ng sukang mahalang/maanghang na mayroong sibuyas at bawang.
Mabilis lang siyang natapos sa pagluluto at kumain agad siya dahil maaga siyang pupunta sa bahay ng kanyang Ate Caren. Baka mainip si Angelo at puntahan na naman siya nito. Napaka-sumpungin pa naman ng lalaking 'yon.
Saktong tapos na siyang kumain nang pumasok sa kusina ang kanyang mama para sana magluto ng almusal. Kasama nito ang kanyang Tito Ziggy na pinaghanda na lang nito ng pagkain nang makitang nakapagluto na siya. May trabaho ang tito niya kaya maaga rin itong kumain ng breakfast samantalang mamaya pa kakain ang mama niya kasabay ng bunso niyang kapatid.
Nagpaalam lang siya sa mga ito at agad din siyang umalis ng bahay para puntahan si Angelo. Mabilis naman siyang nakasakay ng tricycle at pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating siya sa harap ng bahay ng kanyang Ate Caren. Pinapasok agad siya ng guard doon at malaya siyang nakapasok sa loob ng bahay dahil gising na ang mag-asawa at kasalukuyang nagkakape sa teresa ng bahay.
"Good morning po, Ate Caren. Sa'yo din po, Kuya CJ. Gising na po ba ang kambal?" nakangiting wika niya at binati din naman siya ng mga ito pabalik habang parehong may ngiti sa labi.
"Tulog pa ang kambal. Puntahan mo na lang si Angelo at gisingin mo na rin siya dahil may sasabihin kami sa inyong dalawa. May hihingin kaming favor sa'yo pero kailangan muna naming makausap si Angelo," nakangiting wika ng kanyang Ate Caren at kahit naguguluhan ay tumango na lang siya. Bago niya iniwan ang mga ito sa teresa para puntahan si Angelo sa kwarto nito.
BINABASA MO ANG
Lovin' My Enemy's Daughter
Ficção GeralIsla Montellano Series #4 'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil s...