Chapter 9

1.8K 74 3.4K
                                    

Inubos nila ang oras sa paglalangoy sa pool at hapon na nang umalis sila doon. Pareho nilang hindi napansin ang paglipas ng oras at sobra silang nag-enjoy habang magkasama. Walang kapilyohan o kalokohang ginawa si Angelo sa kanya at kakaibang side ang ipinakita nito nang araw na iyon.

Namayani ang tawa at halakhak nila doon at parang mga batang nagpaligsahan sa paglalangoy at pagsasabuyan ng tubig. Tila bumalik sila sa nakaraan dahil noong mga bata pa sila ay nangyari na rin iyon sa kanila sa ilog. Nagtatawanan at nagkukulitan lang sila ni Angelo at hindi niya itatanggi na sobra niyang nagustuhan ang ganung side nito.

Kasalukuyan siyang nasa kitchen at nagluluto ng dinner ni Angelo. Isa iyon sa dahilan kung bakit humingi ng pabor sa kanya ang kanyang Ate Caren dahil hindi ito marunong magluto. Alam na niya 'yon sa simula pa lang at isa iyon sa hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo sa kabila ng pagiging perpekto nito sa mata ng nakararami lalo na sa mata ng mga babaeng nahuhumaling dito. Kaya hindi niya pwedeng pabayaan ito lalo na at pumayag siya sa pabor na hiningi ng kapatid nito sa kanya.

Kaya kahit maaga pa para magluto ng dinner ay ipinagluto na niya ito bago siya umuwi. Baka masunog pa nito ang kusina kapag iniwan niya itong walang pagkain. Pwede naman na isama na lang niya ito sa kanila para doon kumain ng dinner pero baka makahalata lang ang magulang niya sa mga ikinikilos ni Angelo. Lalo na at pansin niyang mas naging clingy ito sa kanya kumpara noon.

Gusto lagi nitong nakadikit sa kanya at parang wala rin itong pakialam kung mahalata ng mga taong nasa paligid nila ang totoo nilang relasyon.

Saktong natapos siya sa pagluluto nang pumasok sa kitchen si Angelo. Tumikim pa ito sa ulam na niluto niya at hinintay niya ang magiging reaksyon nito. Pork and chicken adobo ang ulam na niluto niya na tinuwangan niya ng pakbet para naman may gulay ang kakainin nito. Hindi na niya 'yon hinaluan ng pork o kahit hipon dahil may adobo na siyang niluto.

"Ang sarap talagang magluto ng asawa ko. Dito ka na kaya mag-dinner. Ihahatid na lang kita mamaya sa inyo," wika ni Angelo at kinindatan pa siya. Inikutan niya lang ito ng mata bago ito tinalikuran para lumabas ng kusina.

Naipagluto na naman niya ito kaya uuwi na siya. Baka makaisip pa ito ng idadahilan sa kanya para manatili pa siya doon. Alam na niya ang galawan nito at hindi ito titigil hangga't hindi siya nito napipilit na mag-stay doon kasama nito. At malaki ang posibilidad na may mangyari sa kanila kapag nasolo siya nito lalo na at wala silang ibang kasama sa bahay. Dahil noon pa man ay bantay-salakay na ito.

Binabantayan siya nito mula pagkabata at noong nasa wastong edad na siya ay sinalakay na siya nito sa pamamagitan ng pagtatali nito sa kanya sa pamamagitan ng kasal. At baka this time ay ibang pagsalakay naman ang gawin nito sa kanya. Lalo pa at malinaw sa mga kilos nito na gustong-gusto na siyang maangkin ni Angelo. At malaki ang posibilidad na mangyari iyon kapag nasolo siya nito.

"Wait! Saan ka pupunta, honey? Uuwi ka na ba? Pwedeng mamaya na lang at sabayan mo muna akong mag-dinner mamaya? Maawa ka naman sa'kin, nag-iisa lang ako dito sa malaking bahay na ito. At wala man lang akong kasabay sa pagkain," nagpapaawang wika nito habang nakasunod sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago ito hinarap para sabihing kahit anong gawin at sabihin nito ay uuwi pa rin siya. Pero agad na nagbago ang isip niya nang makita ang nagpapaawang mukha nito.

Para itong batang takot na maiwang mag-isa. Alam niyang umaarte lang ito sa kanya pero naisip niyang tama ito. Wala man lang itong kasama sa bahay at kahit sa hapag-kainan ay mag-isa lang din ito. At dahil hindi niya matiis ang isang Carl Angelo ay pumayag siya sa gusto nito.

Ganun siguro sadya pagdating sa taong mahal mo, hindi mo kayang tiisin at hangga't kaya mong ibigay ay ibibigay mo. Kahit na alam mong masasaktan ka lang. Dahil ganun siya pagdating kay Angelo.

Lovin' My Enemy's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon