Walang nagawa si Vanessa kun'di ang matulog sa kwarto ni Angelo kasama ito pagkatapos nilang kumain ng totoong dinner. Ipinagpaalam pala siya nito na doon siya matutulog kaya kahit gusto niyang umuwi ay hindi siya pinayagan nito.Hindi na rin siya nagpumilit pa dahil baka kung ano na namang kapilyohan ang gawin nito sa kanya. Knowing him.. Lumalabas ang kapilyohan nito pag kasama at solo s'ya nito. At baka kung saan na naman humantong silang dalawa.
Nangako naman si Angelo na ihahatid siya sa bahay dahil 'yon din daw ang napagkasunduan nito at ng kanyang mama. Tumawag pala ang mama niya at ang pilyo niyang asawa ay sinabing may sakit siya at doon matutulog. Kahit na ang totoo ay kaya naman niyang umuwi at ginawa lang nitong dahilan ang sakit niya para manatili siya doon buong gabi.
Kaya heto sila, kasalukuyang magkatabi sa ibabaw ng kama habang para itong malaking sawa/ahas na nakapulupot sa katawan niya. Hindi na ito umalis sa tabi niya at kulang na lang ay itali nito ang sarili sa kanyang katawan.
Kahit nang mag-half bath siya kanina ay kasama niya ito at pasalamat siya dahil hindi umiral ang kapilyohan ng kanyang asawa. At umaasa siyang buong gabi itong magiging behave dahil ayaw niyang madagdagan ang pananakit ng nasa pagitan ng kanyang hita.
Hinayaan na lang niyang maglakbay ang malikot nitong kamay sa kanyang katawan. Hindi rin naman niya ito mapigilan kaya hinayaan na niya lang dahil hindi rin naman umaabot ang kamay nito sa pribadong parte niya.
Wala naman itong ibang ginagawa bukod doon. Humahaplos lang ang mainit nitong palad sa balat niya at pareho silang nagpapaantok habang nanonood ng tv. Liwanag galing doon at ang malamlam na ilaw buhat sa sulok ng kwarto ang nagsisilbing tanglaw nila sa buong kwarto.
Nagtataas-baba ang kamay nito sa kanyang tiyan at bewang dahilan nang pagtayo ng balahibo niya sa katawan dahil sa kiliting dulot ng ginagawa nito. At hindi niya itatanggi na gusto niya iyon dahil nakaka-relax ang haplos nito. Masarap sa pakiramdam..
Hanggang sa pareho silang dalawin ng antok at pinatay nito ang tv. Umayos ito ng higa sa kama bago siya nito hinapit papalapit katawan nito.
Nasa dibdib ni Angelo ang ulo niya at halos nakapatong na ang katawan niya sa katawan nito. Naramdaman pa niya ang paghalik nito sa kanyang ulo habang hinahaplos nito ang kanyang buhok."Goodnight, honey.." he whispered.
May sinabi pa ito sa kanya na hindi na niya masyadong naintindihan dahil tuluyan na siyang nakatulog.Dumating ang umaga at may isang salita si Angelo dahil inihatid siya nito sa bahay ng magulang. Malawak ang ngiti nito dahil sa nangyari paggising nila kanina. Wala nga itong kapilyohang ginawa kagabi sa kanya pero pagdating ng umaga ay may plano pala ito sa kanya.
Siya raw ang ginawa nitong dinner last night kaya siya rin daw ang gagawin nitong breakfast. At wala siyang nagawa dahil nagising na lang siyang nasa pagitan ng hita si Angelo. Kasalukuyang ginagawa siyang breakfast at hindi ito tumigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.
"Dito na lang ulit ako sa bahay niyo. Wala rin naman akong ibang gagawin at para hindi ka na bumalik sa bahay para ipagluto ako. Dito na rin lang ako kakain," wika nito habang nasa sala sila ng kanilang bahay. Wala doon ang mama niya dahil nasa tindahan na ito kasama ang kapatid niya. Pero doon naman sila dumaan kaya alam nitong nakauwi na siya.
Inikutan na lang niya ito ng mata bago siya pumasok sa kusina para magluto ng almusal dahil hindi na nila nagawang kumain kanina. Dahil siya ang ginawang almusal ng pilyo niyang asawa.
"Anong gusto mong kainin?" wika niya habang naghahanap ng pwedeng lutuin. And as usual, nakasunod na naman ito sa likod niya.
"Ikaw.." mabilis nitong sagot kaya sinamaan niya ito ng tingin. "I mean.. Ikaw? Anong gusto mo? Kung anong gusto mo 'yon na rin lang ang kakainin ko," natatawang wika nito. Inirapan na lang niya ang kapilyohan nito bago niya sinimulang magluto.
BINABASA MO ANG
Lovin' My Enemy's Daughter
Ficção GeralIsla Montellano Series #4 'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil s...