"Ayos ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa hospital?" masuyo at nag-aalalang wika ni Angelo habang hinahaplos ang likod niya.
Nasa loob sila ng banyo at katulad ng mga nakaraang umaga ay nagsusuka na naman siya. Wala namang lumalabas sa bibig niya pero ang pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Medyo nahihilo rin siya at medyo nanghihina ang kanyang katawan. Ganito lagi ang tagpo nila sa umaga at laging nasa tabi niya si Angelo para alalayan siya. Sobrang alaga siya ng asawa..
"Ayos lang ako, Angelo. Medyo nasasanay na rin ako at normal lang ito sa mga nagdadalang-tao. Mawawala rin ito," wika niya. Tumango naman ito bago siya binuhat palabas ng banyo. Inihiga siya nito sa kama bago siya hinalikan sa noo.
Wala silang pasok ngayong araw at parang ang gusto niya lang ay mahiga sa ibabaw ng kama. Tamad na tamad siyang kumilos at parang sobrang bigat ng kanyang katawan. Pinapahirapan siya ng morning sickness niya at naiintindihan iyon ni Angelo kaya halos ito na ang gumagawa ng lahat sa bahay.
Pero kahit ganoon ang nararamdaman niya araw-araw ay hindi naman iyon naging hadlang sa kanyang pag-aaral. At kahit ang pagbubuntis niya ay alam sa school na pinapasukan nila dahil proud iyong ibinalita ng kanyang asawa katulad kung paano nito ipinagsigawan na asawa siya nito at pagmamay-ari siya ng isang Carl Angelo noon. Sobrang saya at excited nitong maging isang ama na kulang na lang ay pabilisin nito ang mga araw para lumabas na agad ang baby nila.
"May gusto ko bang kainin? Magluluto na ako ng breakfast natin," wika ni Angelo sa tabi niya.
Nakaupo ito sa kama habang nakahiga naman siya at titig na titig ito sa kanya habang hinahaplos nito ang kanyang tiyan.
Ito na rin ang kadalasang nagluluto ng kinakain nila dahil mas naging pursigido itong magluto buhat noong magdalang-tao siya. Lalo na noong nagsimula ang cravings niya at ang gusto nito ay ito ang magluluto na napagtitiyagaan naman niya ang lasa dahil luto yata ng asawa ang isa sa mga pinaglilinhan niya. Sarap na sarap siya kahit na minsan ay maalat at kalasan ay walang lasa.
Habang lumilipas naman ang bawat araw ay natututo ito habang tinuturuan niya at proud siya na silang dalawa ng baby niya ang motivation nito para matutong magluto. Sobrang sarap sa pakiramdam na siya ang dahilan kung bakit pinipilit nitong matuto para lang mapagsilbihan siya at maibigay ang mga cravings niya.
"I want hotdogs," wika niya at inikutan niya ito ng mata nang bumakas agad ang pilyong ngiti sa labi nito.
"Hilaw ba o luto?" pilyong wika nito na sinundan pa ng malanding tawa. Umiral na naman ang kapilyohan ng kanyang asawa.
"Ayos lang naman kung 'yong hilaw. Tapos isasawsaw ko sa suka na may sili," basag niya sa kapilyohan nito at agad nitong tinakpan ang ibaba nito gamit ang mga kamay. Nawalan din ng kulay ang mukha nito at namimilog ang matang nakatingin sa kanya.
"Nagbibiro ka lang naman di'ba?" tila kinakabahang wika nito pero nanatiling seryoso ang mukha niya para pagtripan ito. Sunod-sunod itong napalunok na lihim niyang ikinangiti.
"I'm serious, Angelo. Ikaw din naman ang nag-suggest kaya bakit hindi natin gawin. At parang masarap ang ideyang 'yon kaya subukan natin," wika niya at bumaba ang mata niya sa ibabang bahagi ng katawan nito at dinilian pa niya ang kanyang labi na tila natatakam doon.
"Nagbibiro lang naman ako, honey. Sabi ko nga 'lutong hotdog' ang gusto mo at hindi hilaw," wika nito at mabilis na umalis sa tabi niya habang tinatakpan ang harap ng boxer shorts na suot nito.
Doon na niya hindi napigilan ang malakas niyang pagtawa. Namimilog ang mata nito at takot sa maaaring gawin niya sa pagkalalaki nitong tinutukoy nitong 'hilaw na hotdog'. At tila nakahinga ito ng maluwag nang malaman nitong nagbibiro lang siya dahil sa malakas niyang pagtawa.
BINABASA MO ANG
Lovin' My Enemy's Daughter
Ficción GeneralIsla Montellano Series #4 'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil s...