Chapter 24

1.5K 71 3.3K
                                    

"Papa, itigil niyo na po ito. Sumuko na po kayo. Kahit po para na lang sa akin na anak niyo," pakiusap ni Vanessa sa kanyang ama.

Ilang araw na siyang nasa mga kamay nito at ilang beses na rin niyang pinapakiusapan ang ama na sumuko at itigil na ang kabaliwan nito. Pero nanatiling matigas ito at hindi niya magawang mapalambot ang puso nito at nananaig ang kabaliwan nitong taglay.

"Hindi maaari, anak. Hindi pa ako tapos sa mga Aldover. Hindi pa ako nagtatagumpay na baliwin kahit isa sa miyembro ng pamilya niya. At sigurado akong sa gagawin ko ay mababaliw ang batang Aldover," wika nito at tumingin sa tiyan niya.

Niyakap niya iyon para protektahan sa kabaliwan ng sarili niyang ama. Alam na niya ang masama nitong binabalak sa batang nasa sinapupunan niya at hindi siya papayag na pati ang baby niya ay madamay sa kabaliwan nito.

"Huwag po ang anak ko, Papa. Hindi ko po kaya. Ako po ang mababaliw kapag may ginawa kayong masama sa baby ko," umiiyak na wika niya at niyakap ang kanyang ama. Hindi naman siya nito sinasaktan at maayos ang trato nito sa kanya sa ilang araw na pananatili niya sa tabi nito.

"Pero isa 'yang Aldover, Vanessa. Hindi ko matatanggap ang batang 'yan," wika nito dahilan ng mas lalong pagtulo ng luha niya.

"Kahit para sa akin na lang, Papa. Kahit dito na lang po pagbigyan niyo ako," umiiyak na pakiusap niya at narinig niya ang buntong-hininga nito.

"Sige. Pagbibigyan kong mabuhay ang batang nasa sinapupunan mo. Pero ilalayo kita sa mga Aldover. Sasaktan ka lang ng batang Aldover na 'yon. Ginagamit ka lang niya laban sa akin," wika nito bago humiwalay sa pagkakayakap niya. Pinunasan nito ang kanyang luha bago siya matagal na hinalikan sa noo.

"Pero mahal po ako ni Angelo. Mahal ko rin po siya. Mahal po namin ang isa't-isa," pagkumbinsi niya sa ama pero umiling lang ito.

"Hindi totoo lahat nang ipinapakita niya sa iyo, anak. Lalo na ang pagmamahal na 'yan. Buhat sa simula ay ginagamit ka lang niya laban sa akin. Ginagamit ka lang niya para paghigantihan ako," wika nito para sirain si Angelo sa kanya.

Pero mas paniniwalaan niya ang asawa niya. Totoo lahat nang ipinakita at ipinaramdam ni Angelo sa kanya. Ramdam niya iyon lalo na ang pagmamahal nito sa kanya. Sa pag-aalaga at pagsisilbi pa lang nito sa kanya. At sa paraan kung paano siya nito angkinin at sambahin sa ibabaw ng kama. Lahat iyon ay puno ng pagmamahal..

Kahit anong gawin nitong pagsira kay Angelo ay hindi ito magtatagumpay. Dahil mas paniniwalaan niya ang kanyang asawa kumpara sa tunay niyang ama. Mas matagal niyang nakasama si Angelo kumpara dito kaya mas may tiwala siya sa kanyang asawa.

"Aalis na tayo sa lugar na ito. Malapit na nilang matunton kung saan kita dinala. Kaya mas mabuting ilayo na kita habang maaga pa," wika nito na ikinakabog ng dibdib niya.

Hindi pwede. Ayaw niyang malayo kay Angelo. Hindi siya sasama sa kanyang ama.

"Hindi ako sasama, Papa. Ibalik niyo na lang po ako kay Angelo. Kahit po hindi na kayo sumuko sa batas. Lumayo na lang po kayo at tigilan niyo na ang pamilya ni Angelo," wika niya at nagtagis ang bagang nito. Hindi nito nagustuhan ang sinabi niya at lihim siyang napangiwi nang mahigpit nitong hawakan ang braso niya.

"Ako ang ama mo, Vanessa. Bakit sila pa ang mas pinapanigan at pinapaniwalaam mo?" mariing wika nito bago siya hinila palabas ng kwarto.

"Dahil sila po ang nasa tama," wika niya at pilit na hinila ang braso para makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng ama. "Nasasaktan po ako, Papa."

"Masasaktan ka talaga sa'kin pag hindi mo ako sinunod, Vanessa. 'Yan ba ang natutunan mo sa kamay ng mga Aldover? Ang lumaban sa sariling magulang? Ako ang ama mo kaya ako ang paniwalaan mo, anak," galit na wika nito at wala siyang nagawa nang marahas nitong hilahin ang braso niya.

Lovin' My Enemy's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon